BITE:01

763 19 6
                                    


Elvira PoV

"Ano ba yan! Utos kasi nang utos eh!" Nakabusangot kong reklamo.

Alam na abala ako ,ako pa talaga ang uutusan.

"Tigilan mo ang pagdadabog d'yan Elvira!" Sigaw sakin ni Mama at hinampas pa ako nang tabo sa ulo.

Hinawakan ko ang parteng tinamaan. "Aray! Ang sakit naman eh!" Inis kong sigaw pabalik.

"Wag mo akong sinisigawan d'yan! Baka gusto mong durugin ko sa mukha mo ang tabo na ito!" Nanlalaki ang matang sigaw sakin ni Mama.

Tumakbo na ako bago pa niya madurog sa mukha ko ang tabo.

"Oh, bat ganyan na naman mukha mo?" Tanong ni Das nang dumating ako sa kubong tambayan namin.

"Wala, ang init naman ngayon" Reklamo ko at itinaas ang damit.

"Gags! Wag mo ngang itaas damit mo!" Sita niya sakin at ibinababa ang damit ko.

Hinawi ko ang kamay niya at itinaas ulit ang damit ko... "Pake mo ba eh buhay ko naman to" Reklamo ko sa kanya at sumipol sipol para tawagin ang hangin.

"Tsk! Babae ka kasi at paano kung may makita diyan sa pader mo!" Sigaw niya sakin, Inis ko siyang hinampas nang tsinelas ko.

"Tanga ka ah! Ako wag mo akong penipersonal diyan ha!" Sigaw ko din sa kanya pabalik.

"Aray! Oo na! Oo na!" Sabi niya nang hindi na maiwasan ang mga hampas ko.

"Tsk, malapit na pala pasukan no?" Bigla niyang sabi sa gitna nang katahimikan.

"Kaya nga, tas ang layo layo pa nang baryo natin sa bayan" Reklamo ko.

Sampong bundok, Anim na dagat, walong patag at isang libong palayan pa ang dadaanan mo bago ka makarating sa bayan.

"Katamad nga mag-aral eh, parang gusto ko na lang sumama kay tiya papuntang syudad" Seryoso niyang usal kaya napatingin ako.

"Ano naman ang gagawin mo dun? Eh bawal dun ang bobo at taong gubat...HAHAHA!" Pang aasar ko sa kanya kaya nakatanggap ako nang batok.

"*lol... Akala ko ba walang personalan" Pairap niyang sabi.

Tumawa-tawa pa muna ako bago nagsalita.. "Malaki daw ang syudad kaya sinasabi ko lang" Sabi ko matapos mahimasmasan sa tawa.

Inismiran niya ako bago umayos ng upo.. "Ano naman kung malaki eh wala naman akong planong libutin ang syudad" Sarkastiko niyang saad sakin.

"Hala, Oo nga noh! HAHAHA" tawa ko nang maisip ang sinabi niya.

"Yan! Ikaw ang mas tanga sakin eh HAHAHA" malakas niyang tawa.

"Oo na" Nakasimangot kong sagot.

"Ay,oo nga pala....May naikwento sakin si Vane na dun daw sa gubat na pinag tatagu-taguan natin may mansion daw" Kwento niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ha? Sinasabi mo? Eh tagal tagal na natin dito wala namang ganon" Kunot noong sabi ko.

"Hindi, makinig ka kasi muna" Kamot ulo niyang sagot.

"Oh, siya sige ...sige" Saad ko at umupo nang paharap sa kanya.

"Sa pinakang dulo daw yun nang gubat at tuwing kabilugan lang daw lumalabas yun.. At sabi pa ni Vane punong puno daw yun nang ginto" Kwento niya kaya naningkit ang mga mata ko.

"Ilang taon ka na ba Das?" Seryoso kong tanong.

Nagtataka siyang tumingin sakin pero sumagot din naman.  "19, parehas tayo... Bakit?" Taka niyang tanong

The Love Story Of Moonlight LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon