The Game Changer Chapter 14

Start from the beginning
                                    

Nilapitan ko siya and kissed him. He smiled and hinalikan pa ako lalo. Nakakaadik ang halik ng lalaking to, promise!!

"You're hungry right?" paalala ko sa kanya.

"Yup.. but i want you more.."

"Sorry Playboy..im not a food." nag pout ito na sobrang cute kaya i gave him a peck on his lips.

Nakatingin lang siya saken habang nag aayos ako sa hapag kainan with a smile on his face. He's happy just because of this little thing?? eh ang dami nga niyang ginagawa for me.

"Eat.." utos ko sa kanya at sobrang ganado itong kumain. Nagkwentuhan kami tungkol sa nangyari sa pagkikita namin ng Dad ko at nagtanong rin ako tungkol sa araw niya. He talked about a lot of things, how busy he was the whole day and kung ganu siya kapagod.

Im so touched kasi pumunta pa rin siya dito kahit sobrang pagod na siya dahil lang gusto niya akong kamustahin tungkol sa nangyaring pagkikita namin ni Daddy.

Pagkatapos ng ilang bilyong oras ay natapos rin siya sa wakas, he looks tired though pero atleast alam kong busog siya.

"You liked your dinner?" tanong ko habang nagliligpit kami ng pinagkainan nito.

Ang lakas ng burp ng mokong, ang lakas lakas niyang kumain pero mukhang walang bilbil.

Grrr. I want to see his ABS. hehehe. Ops.

Manyak na babae here. Hehehehe.

"Yep Chili.. my fave was the appetizer.." nakangiting sabi nito na nagpakunot ng noo ko.

"Appetizer?" tanong ko sa kanya at lumapit ito saken.

"Yup... you were my appetizer.. remember?" sabi nito na nakangisi at nilapit ang mukha saken tapos ay hinalikan ulit ako.

He's really crazy. He's a kissing monster pero never pa siyang nag go beyond the line. He never took advantage of me, hindi naman sa gustung gusto ko na mag take advantage siya pero nakapagtataka lang dahil he's still a guy you know.

"I will wash the dishes Babe.." volunteer nito. Umiling ako.

"No playboy.. magpahinga ka..you look tired." i smiled at him.

Nagsepilyo ito at pumunta sa sala.  

Nagsisimula na akong maghugas ng pinggan nung biglang niyakap niya ako mula sa likod.

"Hey Chili.. " bulong nito saken. Napangiti ako dahil ang lapit2x ng bibig nito sa tenga ko at nakikiliti ako.

Rrrr.

"Hmm?" habang naghuhugas ng pinggan. It feels good ah, habang naghuhugas ng pinggan ay may nakayakap sayo.

"Bakit ngayon ka lang dumating? I mean.. why not earlier? i could've been this happy before."  

biglang sabi nito na nagpahinto saken at tiningnan ko siya.

What is he talking about.?

Napakunot ang noo ko.

"Why? hindi ka ba masaya dati? I bet you were having the time of your life before.. you're the Ultimate playboy, remember?.." nakangiting sabi ko at nagpatuloy na sa paghuhugas ng pinggan.

"I thought i was happy....but compared to now that i have you..it's really different." sabi nito.

Those words gave me chills.  

Is he serious? Gusto kong umiyak sa pinagsasabi niya, gusto ko kasing i.feel ang mga sinasabi niya pero im holding back.

"Really?"

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now