Hindi naman kasi puwedeng hula-hula lang.

Depende na rin kasi talaga sa kupol iyon. Kung pareho naman kayong mature mag-isip, mas madaling i-handle ang mga bagay-bagay.

Kung hindi man, eh 'di kailangan n'yo talagang pag-usapan kung paano mareresolba ang mga isyu ninyo. Hindi pupuwedeng pataasan kayo at puro bangayan palagi.

Iyong relasyon namin kasi, hindi na lang basta-basta. Wala na nga halos kilig, eh. Hindi na roon nababase ang tatag naming dalawa.

Na kahit pa may oras na ayaw namin sa isa't isaat the end of the daynaroon pa rin 'yong, "Ah, mahal ko pa rin talaga 'to."

Na sa tuwing magigising at bago kami matulog, "Siya pa rin ang gusto kong makita at makatabi."

Na kahit makita namin ang pinakapangit sa isa't isa, masasabi pa ring, "Swak pa rin siya sa akin."

Puwera bola iyan. Bihira lang ako magsalita pagdating sa ganitong bagay pero kapag nagsabi naman ako, galing iyon sa apdo ko.

Hindi man kami magsabi maya't maya ng "I love you" o "I miss you", alam namin sa sarili naming hindi nabawasan iyon.

Hindi ko man sinasabi sa kaniyang, "Hindi ko kaya nang wala ka" o "Ikamamatay ko kapag iniwan mo ako" kasi nakakikilabot na iyon para sa aming dalawa (utang na loob, 'wag na 'wag gagamitin ang linyang iyan), alam pa rin niyang manlalambot talaga ako kapag nawala siya sa akin.

Kakayanin ko naman, eh. Hindi na nga lang kagaya ng dati. Hindi na nga lang masaya.

Kaya nga hangga't kaya ko, ayaw kong maramdaman niyang less ang ibinibigay ko sa kaniyang respeto at atensyon.

Iniiwasan kong magkaroon siya ng insecurity, na tipong ikukumpara niya sa iba ang relasyon namin dahil hindi sapat ang ginagawa ko para sa kaniya.

Malaki naman ang pasasalamat ko kasi higit pa raw sa sapat ang naibibigay ko sa kaniya.

Ibig sabihin, epektib pa akong partner. Ow right.

Ako? Wala na rin akong mahihiling pa sa kaniya, eh. Oo, hindi nga ideal si Adria. Clumsy iyon at marami pang weird na galawan at salitaan pero tanggap ko iyon simula't sapol.

Diyos na mahabagin, kung pamantayan lang din naman—siya na iyon.

At kapag naiisipan niya akong bolahin, ganiyan din ang sinasabi niya. Best daw ako sa lahat.

Aba'y siyempre naman. Wala naman siyang ibang choice kung 'di AKO.

Wala raw nagiging dull moment kapag ako ang kasama niya. Palagi raw akong may banat at sagot sa kahit anong sasabihin niya.

Hindi rin naman daw niya gugustuhin kung masyado akong seryoso kasi hindi na raw ako si Axe kung hindi ako maingay at maligalig.

Ganoon naman talaga ang gusto koang mapangiti at mapatawa siya kaysa mukha kaming tangang may kaniya-kaniya lang buhay sa loob ng bahay, 'di ba?

Palagi kong sinisigurong kahit abala ako sa maraming bagay, mayroon pa ring "Babe time". Pero kung hindi man uubra kasi pareho kaming loaded, babawi na lang kami sa araw na hindi na gaanong busy.

Kaya no'ng ikasiyam na taon naming magkasama, mas nagkaroon kami ng oras para sa isa't isa.

Pandemic na no'n, eh. Umuso na si COVID, mga tsongs. Uso ang ECQ, MECQ, BBQ na walang katapusan.

Mabuti na lang din dahil work from home ako kaya hindi gaanong mahirap ang sistema. Araw-araw kaming magkasama no'n. 24/7 na nga yata, eh.

Aalis lang ako kapag kailangan kong mag-grocery dahil ako ang alay dati. Hindi ko kasi siya pinalalabas. Bukod sa ayaw kong napapagod iyon nang sobra, tamad din talaga siyang lumabas. Orayts.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz