Relaks 23

494 99 30
                                    

Hindi namin ipinaalam sa mga kakilala namin ang nangyari. Si Mama lang ang pinagsabihan niya dahil iyon ang unang nakaalam na buntis siya.

No'ng mga panahong iyon, ayaw niya kasing maging laman ng usapan ng mga kamag-anak namin kahit ng mga kapitbahay na wala namang papel sa buhay namin.

Baka kasi may magsalita na naman na, "Makasalanan kasi kayo kaya ayan, binawi agad ang anak ninyo." o "Hindi pa kasi kayo kasal kaya ganiyan."

Hangga't maaari, ayaw kong makaririnig siya ng mga negatibong komento mula sa ibang tao kaya itinago namin iyon hanggang sa dumating 'yong araw ng Birthday ng Mama niya na parang walang nangyari.

Nakikitawa't nakikibalasubas pa nga ako sa mga pinsan niya, nakangingiti pa rin ako sa mga Tita at Tito niyaas in NORMAL.

Pero kapag kaming dalawa na lang ulit sa loob ng bahay, doon ko na nakikita ang totoo niyang nararamdaman.

Madalas na siyang tahimik, may oras na bigla ko na lang mapapansing namumugto ang mga mata niya, hindi siya masyadong malakas kumain, hindi rin niya ako binabara kapag nag-uusap kami tulad no'ng madalas niyang gawin.

Ako? Spongebob pa rin.

Ako kasi 'yong tipo ng lalaking kayang maging sponge. Gets ninyo? Kaya kong i-absorb lahat kasi mapipiga ko naman iyon kung kinakailangan.

Parang iiyak mo lang sa akin nang iiyak tapos akong bahala sa 'yo.

Sasabayan kita hanggang sa matuyo ka na o maubos ka na kahit basang-basa pa ako.

Naging ganoon sa kaniya. Mas dumoble 'yong mga oras na nandoon lang ako sa tabi niya. Kahit hindi kami mag-usap, basta maramdaman niya ako.

Hindi naman siya nagbago ng pakikitungo sa akin. Klaruhin ko lang, ha? Hindi siya katulad ni Aurea roon sa librong Pagsinta na nagsabing, "Wala na rin naman si baby. Maghiwalay na tayo."

Walang ganoong eksena sa amin. Normal pa ring kinakausap niya ako lalo na kapag may kailangang pag-usapan. Niyayakap at hinahalikan pa rin niya ako. Pero hindi naman ako tanga para hindi mahalatang nagluluksa pa rin siya.

Nanay na siya, eh. Nanay na dapat siya.

Kahit sinasabi niya palagi dati na ayaw pa niya kasi takot daw siyang manganak, naroon pa rin ang eagerness niyang magkaroon kami ng baby.

At alam kong mahabang proseso bago siya makausad. Puwedeng makalimot panandalian pero nandoon pa rin ang panghihinayang.

Ang sakit.

Kaya ginagawa ko naman ang papel ko bilang magiging mister niya.

Hindi ko na iisa-isahin pero literal na naging sandalan ako. Medyo kupal pa rin ako pagdating sa mga biro at banat pero mas naging sensitive ako sa nararamdaman niya.

Pinag-iisipan ko muna kung ano'ng mga bibitawan kong salita para hindi siya ma-offend o para hindi lumagpas sa limitasyon.

Ayaw ko kasing maramdaman niyang, "Hindi naman yata nalulungkot 'tong si Axe kasi nagagawa pang magbiro."

Tuwing umaga, ako ang nauunang gumising para ipagluto kami ng almusal. Kung ano-ano pang pakulo ang ginagawa ko sa itlogiba't ibang shape tapos nilalagyan ko ng korteng puso gamit ang ketchup.

Kung ano-ano ang ginagawa ko sa pagkain at hapagkainan.

Naglalagay din ako ng note para ganahan naman siyang kumain kahit papaano.

Pangit man ang sulat ko, at least readable naman, uy. Streyt prom da hart pa.

Kumuha rin pala ulit ako ng pusa, mga p're.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant