Relaks 6

484 114 50
                                    

Inabot na ako ng mga alas onse ng gabi pag-uwi no'n. Pasipol-sipol pa nga ako pagparada ko sa garahe tapos nadatnan ko erpats kong kapre na nagyoyosi sa may lanai.

"O, umuwi ka pa?"

Ganiyan palagi ang mga salitaan at tanungan ng tatay ko sa akin. Hindi naman galit pero hindi rin biro. Kumbaga, pasaring niya palagi iyan sa tuwing ginagabi ako ng uwi.

Siyempre, defensive ang sagot ko pero kalmado pa rin.

"Wala akong mabubuntis, pramis."

Tatawa na lang iyon o 'di ka nama'y iiling na para bang dismayado siyang pinalaki niya ako bilang anak niya.

Hindi kami sobrang dikit ng tatay ko. Kaswal lang.

Nag-uusap tungkol sa kotse at negosyo ng pamilya namin tapos palagi lang kaming nagsasabay kumain ng almusal bago kami pumasok pare-pareho. Sabay ding kakain ng hapunan pagkauwi (kung uuwi ako nang maaga).

Ideal family nga raw kami sabi ng iba kong mga kakilala.

Wala naman akong pengol pero hindi ko naman masasabing "ideal". Salamat lang talaga sa Kaniya dahil buo kami at neber ko namang narinig na nagtalo nang sobra ang mga magulang ko.

Chill as fuck din sila, eh. Lalo na ang nanay kong sobrang hinahon.

Isang beses nga tinanong ko sila kung ampon ba ako. Para kasing wala akong minana sa pag-uugali nila. Sa tangkad at ibang features ng pagmumukha, siguro sa erpats ko.

Kay Mamme naman, ang pagiging pasensyoso.

Kaunting family background na lang din kasi tungkol sa akin din naman ang librong 'to.

Laki sa hirap ang nanay at tatay ko pero bago pa man nagsanib puwersa ang egg at sperm cells nila, nagsikap muna sila nang mabuti para mapalaki raw ako nang maayos.

Nakaka-tats, 'di ba? Inisip talaga nila ang kapakanan ko bago ako lumaki nang ganito.

Maalaga ang nanay ko sa akin. Kahit madalas akong mapagalitan at masuwelto, solid namang bumawi sa akin iyon. Saka sobrang sarap ng mga iniluluto kaya lab na lab ko iyon.

Kaya sa tuwing kinakausap niya ako tungkol sa panliligaw at pambababae ko raw, kapag pipili raw ako ng mapapangasawa balang araw, dapat 'yong marunong daw sa kusina.

Shet na malagket, Mamme.

Na-interbyu ko na si Adria tungkol diyan noong mga panahong iyon kung marunong siyang magluto pero dehins daw dahil nanay daw niya ang palaging gumagawa n'on para sa kaniya.

Prito-prito lang daw ang kaya niyang gawin saka pakulo ng nudols.

Oh my gas.

Siyempre, hindi naman ako na-turn off sa ganoon kasi hindi rin naman ako marunong magluto no'n kaya kwits lang. Pokus ako sa pag-aaral, eh.

Hindi kayo naniniwala? Okay lang. Hindi rin naman totoo iyon.

Mahilig akong tumambay kung saan-saan kahit noong kami na ni Adria.

Ang pinagkaiba nga lang, marunong na akong mag-budget ng oras at nagre-report na rin ako sa kaniya. Ow right!

Hindi naman ako ganoon kay Jane dati. Para bang sasabihin ko lang kung ano'ng ginagawa ko at kung nasaan ako kapag nagtanong siya. Pero kung hindi naman, eh 'di kaniya-kaniya kaming buhay.

Dito kay Adria, baliktad pa nga ang sitwasyon.

Ako pa ang nangungunang magtanong nang magtanong kaysa sa kaniya.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now