Ibubulong sa Hangin

22 6 0
                                    

Tulala sa kawalan;
Tanging na sa isipan ay mga katanungan,
Katanungang ikaw lamang ang tanging makasasagot,
Sa kasagutang iyon ay puso ko'y maaaring lumuha.

Sa hangin na lamang ito ibubulong,
Sapagkat puso ko ay nangangamba,
Sa maaaring maging reaksiyon mo,
Labis ang takot na baka iyong iwasan at layuan.

Sapat na siguro ang tatlong beses na pagkadurog ng puso ko,
Sa paglipas ng dalawang taon,
Sa mga panahong iyon; Puso ko'y natakot ng husto,
-Natakot ng umibig pang muli.

Hiling ko sa mga sandaling ito'y mapasaya ka,
Makilala natin ng lubusan ang isa't isa,
Higit sa lahat ang makita ka sa isang tagpuang ikaw at ako lang;
tipong sa tagpong iyon ay walang hahadlang.

Magkasamang ninanamnam ang simoy ng hangin,
Masayang nagkukwentohan habang nakaupo sa buhangin,
Ngunit nananatili kang inosente't walang alam sa 'king nadarama,
Nananatili ang iyong isipan sa taong tinitibok ng iyong puso.

Papers in Bottle [2022 - Tulang Ikaw Ang Paksa]Where stories live. Discover now