CHAPTER 9: ( She's under )

Start from the beginning
                                    

Ano na naman ba?

"Pangalawa, dapat hubby tawag mo sa'kin," naka-pout pang sabi niya.

Putik! Kanina pa ako nagtitimpi ha!

Nang hindi ako sumagot ay bigla itong sumeryuso. "I really dont want to go to your worl-"

"O-okay... H-hubby," utal kong sabi at kinagat ang dila ko ng palihim.

Napamaang na lang ako kung paano siya ngumiti ng pagkalaki-laki ulit at niyakap ako ng mahigpit.

Takti! Putik ang isip batang 'to!

Akmang magsasalita pa sana ako ng bigla kaming nawala, saka ulit lumitaw. Pero ngayon wala na kami sa hagdanan, nasa dining area na kami. Just wow! Teleportation ba tawag non?

"Oh! Iha, Ashlen, gising na pala kayo," nakangiting bati sa'kin ng mahal na reyna sabay tingin sa gawi ng anak niyang isip bata. At nakakahiya dahil nakita kami ng reyna sa ganitong posisyon.

Permamente pa ding nakayakap siya sa'kin. Ngumiti ito sa akin ng pagkalaki-laki ng mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Plastic ko naman siyang ningitian pabalik pero agad ding nag-iwas ng tingin ng makita ko si Lara na kinikilig. Putik!

"I'm sure na gutom na kayo ng anak ko. Hindi pa naman kayo nakakain ng tanghalian dahil sabay kayong nakatulog," ngiting asar naman sa akin ng hari na ikinatango ko na lang.

"Sige po, kakain na ako. I mean kami, ha.ha," peke kong tawa na ikinangiti lang din nila.

Agad akong lumakad na naghihirap dahil sa tarsier na nakakapit sa kawayan. Ako yung kawayan tapos siya yung tarsier, tsk.

Pagkadating namin sa mesa ay agad kong tinampal ang braso niya, pahiwatig na bitawan na niya ako mula sa yakap niya. Nagpout pa siya at padabog na umupo sa upuan na kaharap at katabi ko.

Agad akong umupo at nagsandok ng kanin. Napatigil pa ako ng may naglalagay sa'kin ng pagkain.

"You need to eat a lot, wifey. You're so thin for me."

Palihim akong umirap. Ilang taon na akong patay lamon pero never naman akong tuamataba.

Patuloy na lang ako sa pagkain at ilang subo na ang nagawa ko ng maramdaman ko ang katabi kong nakamasid lang sa bawat galaw na gawa ko. Hindi ba siya kakain?

"Hindi ka ba kakain?"

"Ayaw," sgot niya sabay iling-iling ng ulo niya.

Ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa pagkain at hindi na siya pinagtuonan pa ng pansin. Infareness, ang cute niyang tingnan.

TAPOS na akong kumain. Sobrang nabusog ako, ha? Akmang liligpitin ko na sana ang plato ng biglang inagaw iyon sa akin ni Lara kaya napanguso akong tumingin sa kaniya.

"Ako na mahal na prinsesa, I mean Ashlen. Aasikasuhin mo muna ang prinsipe, I mean hubby mo."

Pinaningkitan ko siya ng mata, pero ngumiting asar lang siya sabay alis sa harap ko dala ang mga plato.

Napatingin naman ako sa gawi ni isip bata na kanina pa tahimik. Kanina pa siya titig ng titig sa akin. Hindi ba siya nagsasawa? Naiilang na din kasi ako. Ano kaya kabuohan ng mukha niya kapag walang maskara?

Agad naman akong tumayo mula sa kinauupuan ko kaya napangiti siya ng abot tenga na ikinakunot ng noo ko. Saka naman siyang patalon-talon na lumapit sa'kin.

Nang mapag-alaman kong yayakap na naman siya sa'kin ay agad akong umatras na ikinahinto niya sa paghakbang at tiningnan ako sa mata nang nagmamakaawa.

"Pangatlo, dapat ako sunod. Kapag gusto ko ng yakap, ibigay mo, huwag madamot," naka-cross armed na sabi niya na ikina-nga-nga ko.

Ano raw? Ako madamot? Putik! Hindi free 'yung hug ko noh.

Napatampal na lang ako sa sarili kong noo dahil sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko akalain na magiging under ako ng isip bata na toh. Sa teleserye kasi o si papa noong buhay siya, under siya kay mama, pero bakit ako baliktad? Ang malas ko talaga, grr!

"Ayaw mo bigay. Okay then, I won't g-"

"Hayst, oo na, hubby ko..." malumanay na sabi ko dito pero peke lang at nagpipigil ng galit.

Agad naman siyang lumapit sa'kin at nagpatuloy sa pagtatalon-talon habang nakangiti na parang walang bukas.

Mabilis akong tumalikod sa kaniya na agad namang ikinayakap niya sa likuran ko at sinubsob ang mukha sa bandang leegan ko.

Napabuga na lamang ako ng hangin at nagsimula na lamang naglakad papunta sa sala. Hindi pa man ako nakarating doon ay may maiingay na akong narinig na mga boses kalalakihan.

Pagkapasok at pagkapasok ko ay agad bumungad sa akin ang sila Xian at Jayrus na nag-aaway, sila Syl at Jacob na nagbabatukan at si Zeke na tahimik lang na naka-upo habang nagtitipa ng cellphone-Wait my phone siya?

"Zeke, pahiram ng phone mo!"

Nakangiting sigaw ko na ikinatigil nilang lahat sa mga ginagawa at napatingin sa gawi ko.

"Oh, the couples are here. Mukhang hindi mapaghiwalay," ngising wika ni Jacob sa akin na ikina-irap ko na lang.

Agad akong humakbang, habang si Drake naman ay permamenteng nasa likod ko lang at parang walang balak na yatang bitawan ako. Hayst...

Nang nakalapit na ako kay Zeke ay agad ko siyang nginitian habang nakatingin sa phone niya na mamahaling brand.

"Puwede pahiram? Kahit saglit lang. May tatawagan lang ako," nagliliwanag na mata kong sabi sa kaniya na ikinangiti niya pabalik.

Inabot niya sa'kin ang phone niya na mas lalong ikinangiti ko ng abot tenga.

Akmang kukunin ko sana 'yun ng may humablot don na ikinairita ko. Tinaliman ko siya ng tingin. Si isip bata lang pala na masama ding nakatingin sa akin.

"Hoy! Akin na nga yan!" inis kong sigaw dito sabay talon-talon nang biglang itinaas niya ang kamay niya. Putik! Ang taas niya!

"Do you need this, wifey?" bakas sa boses niya ang pang-aasar na mas lalong ikina-busangot ng mukha ko.

"Cute," napatigil ako sa pagtatalon at napaatras ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin. Nang mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko ay agad akong nawalan ng balanse na agad namang hinawakan niya ang likuran ko. Hindi tuloy natuloy ang pagbagsak ko sa sahig.

Nagkatitinginan lang kami, pero agad din akong napatayo ng may tumikhim.

"Lovebirds, masakit sa mata."

Nahiya ako sa sinabi ni Syl. "S-sabi ko naman kasi diba na ibigay mo yan, Drake?!" inis kong singhal dito na ikina-pout niya.

"Ayaw," sabay iling-iling ng ulo niya. "Say the magic word first, wife."

Nakagat ko ang ilalim ng pisngi ko. Putik! "Pls, Drake... I mean ha-hubby," sabay iwas ko ng tingin sa kaniya ng makita kong ngumiti ito. Pati rin tuloy mga kaibigan niya ay narinig kong natatawa ang mga ito at inaasar na din ako.

Agad naman akong napaangat ng tingin ng bigla siyang tumakbo.

"Blee, habulin mo muna ako!" sabay labas ng dila niya na mas lalong ikinainis ko at hindi siya makapaniwalang tingnan.

At dahil sa gusto kong makuha ang phone, hinabol ko siya! Hanggang sa makarating kami sa taas at patuloy pa din ako sa paghabol. Putik! What a childish husband!

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now