CHAPTER 4: ( Sleep )

Start from the beginning
                                    

"Problema mong isip bata ka?!" napameywang siya sa harap nito. "Hindi ako makatulog ng maayos sa kakatili mo. One more thing, my name is Ashlen, hindi Alien."

Nginusuhan siya nito na ikinataas ng kilay niya. "Kantahan mo ako. I can't sleep."

She flip her hair in disgust. Ito lang pala ang dahilan tapos sumisigaw pa. Nabulabog tuloy ang katahimikan niya.

"Matulog ka na. Hindi ako marunong kumanta. Feeling close ka no?"

"Wifey naman kita, ha?"

Napaubo siya ng tuluyan. Nabigla siya sa sinabi nito. Kala ba niya ayaw nito sa kaniya? Tapos ngayon tinawag pa siyang wifey.

"Matulog ka na. Matutulog na din ako, okay?" Then she rolled her eyes.

Nagsimula na siyang tumalikod bago ay humakbang papalabas. Nakailang hakbang pa lamang siya ng bigla itong magsalita na ikatigil niya.

"I won't sleep. Kung ayaw mong kumanta, kakagatin kita."

Napaharap siya dito ng tuluyan. Bago ay bumalik sa paghakbang papaharap dito.

"As if naman na matatakot ako sayo, tsk." Hasik niya dito sabay turo-turo dito. Pero naiwan sa ere ang hintuturo niya ng biglang pumula ang mga mata nito kasabay ng pagtalas ng pangil nang kaharap niya.

Nanginig siya sa kinatatayuan. "O-oo na. K-kakantahan na kita."

Bumalik sa dating kulay ang mga mata nito. Napabuntong hininga siya dahil 'don.

Muli ay tumikhim siya bago ay bumuka ang mga bibig. Pero walang lumabas na boses don. Napaayos siya ng tayo at tiningnan ang kaharap niya na matiim lamang na nakatitig sa kaniya.

Napalunok siya ng ilang beses. Natatakot siya na mabuking ang ilang taon na niyang sekreto, iyon ay ang pagiging sentunado niya.

"Isusumbong talaga kita sa Reyna!" Sinamaan niya pa ito ng tingin, but Drake just smiles at her.

"Sing," he said with authority.

Wala na talaga siyang kawala. Nakagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi. Nag-iisip siya kung ano ang kakantahin niya.

Pagdating sa larangan ng kantahan, asahan mong hindi pa nagsisimula't lahat nang tagapanood ay magsisi-alisan na.

She close her eyes and sigh. Kailangan niyang kantahan ang walang hiyang isip batang kaharap niya!

Argh! Putik siya!

"🎶 5 l-little monkeys, jumping on the bed. One felts out and bump his head 🎶" Sabay wagayway niya ng sarili niyang kamay.

"Ugly, tulad mo." Binato pa siya nito ng unan na sapol sa mukha niya.

Napayukom kamao siya ng pasikreto. "Ang arte mong g*gu ka! Tinry ko na nga ang best ko, wala ka man lang ka-appreciate?"

"Try it again."

Napabagsak balikat siya sa sinabi nito. Dinaig pa ang hari nito. Dapat talaga kung ano ang sabihin nito ay kailangan niyang sundin kung hindi ay papatayin siya nito ng wala sa oras.

Ashlen rolled her eyes. "Oo na, isip bata!" She sigh. Napangiti siya ng may maisip na susunod na kakantahin "🎶Baby shark do do do do do, baby sha-"

"Next."

Napanganga siya ng pagak. 'Putik! Anong akala niya sa akin, karaoke?'

"🎶 Baby finger, baby finger, where are y-"

"Next."

"🎶My toes, my knees, my-"

"Next."

"Kung ayaw mong matulog magpatulog ka!" Sigaw niya dito ng mariin.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now