Pixie cut daw ang tawag sa gupit na iyon. Tipid akong napangiti dahil doon.

Totoo yatang kapag nasasaktan ang babae, nagpapagupit sila.

Uubra rin kaya sa lalaki iyon? Kasi kung oo, magpapakalbo ako!

Nagpaalam ako kung puwede akong mag-video call sa kaniya pero umayaw ulit siya. Hindi naman daw kailangan.

Eh 'di hindi ko na pinilit kahit gustong-gusto ko siyang makita.

Hanggang sa nagpaalam siya kasi kakain na raw siya ng Mama niya. Ayaw ko pa sanang maputol ang usapan pero wala akong nagawa kung 'di pumayag na lang.

Ayos na rin. Kahit ilang minuto lang na marinig ko ang boses niya, sapat na iyon para sa akin.

Wala rin naman akong karapatang mag-demand kasi ako ang siraulong hinayaan siyang umalis dati kahit may pagkakataon naman ako para pigilan siya.

Puwede naman sana akong lumuhod no'n sa kaniya at magmakaawa pero hindi ko ginawa. Magulo nga kasi ang utak ko noon. Tipong walang lalabas na maganda mula sa bibig ko.

Baka lalo lang siyang masaktan sa mga mabibitawan kong salita. Madidismaya rin siya kung masasaksihan niya kung paano ako maglasing halos araw-araw at paano ko pabayaan ang sarili ko.

Mabuti nang hindi niya alam kung ano'ng mga pinagdaanan ko no'ng wala siya.

Mukha rin namang napabuti siya kasi nakasama niya ulit si Mama niya. Kampante akong makakakain siya nang maayos at mababantayan siya nito.

Ang ganda nga niya sa mga pikyturs kaya alam kong kinaya niya nang wala ako.

Putangina, ako naman ang pumangit. Ni hindi ko nga nagawang mag-ahit ng bigote ko (kaunti lang naman). Humaba rin nang kaunti ang buhok ko.

Bagay din naman daw sa akin sabi ng mga pinsan ko kasi nagmukha akong nagbabanda talaga.

Raker, maderpakers.

Todo suot na lang ako ng sumbrero para hindi sumabog ang buhok sa mukha ko. Nagpadagdag din ako ng mga tattoo sa katawan ko.

Mukha na raw akong gago sabi ng iba kaya pinanindigan ko na.

Araw-araw akong sumusubok ulit kay Adria pero isang buong linggong wala akong natanggap na reply. Hindi rin nag-seen kaya olats na naman ako.

Tapos kamalas-malasan pa dahil tinamaan ako ng Dengue noong December 24 mismo.

Putangina talaga no'n. Sinusubok talaga ang pagiging kalmado ko.

Apat na araw nang pabalik-balik ang lagnat ko. Hindi na kinakaya ng Biogesic, p're. Kahit nga magpapawis ako, bumabalik talaga ang lagnat.

No'ng ikaapat na gabi, dinala ko sarili ko sa ER (Emergency Room) kasi nangangalos at nanginginig na talaga ako.

Kinokombulsyon na ako pero nagawa ko pang magmaneho.

Wala kasi erpats ko no'n kaya wala akong choice.

Napapikit na lang ako sa hospital bed nang malamang kailangan kong i-admit sa ospital. Pasitib nga. Umubra ang lamok sa akin no'n.

Dahil hindi ko ugaling mang-istorbo ng mga tao lalo na ang erpats ko, si Adria lang ang naisip kong tawagan.

Bahala na. Basta kailangan kong ipaalam ang kundisyon ko. Baka mamaya mamatay na pala ako tapos hindi ko man lang siya makita? Aba, hindi naman pupuwede iyon.

Ayaw pa nga niyang maniwala no'ng una kasi tumawa ako no'ng sinabi kong nasa ospital ako at na-denggoy ako. Baka raw style ko lang para magkita kami kasi magpa-Pasko na nga.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now