Niyakap ko yung sarili ko dahil nararamdaman ko yung lamig ng simoy ng hangin.

"Sana nandito ka ngayon..." Sabi ko at pinunasan yung pisngi ko. "Sana nakikita mo kung gaano ako nahihirapan... Kung gaano ako nasasaktan... Bakit... Bakit ba kasi ganito?" Tanong ko.

"Ang hirap paniwalain ko yung sarili ko araw araw na kaya ko... Na kaya ko pa... Kasi, parang hindi naman na. Parang, hindi ko naman talaga na kaya..."

"Ma, kaya ko pa ba?" Tanong ko habang nakatingin sa kalangitan.

Mas lalo ko naramdaman yung lamig ng simoy ng hangin kaya mas lalo akong napa-yakap sa sarili ko.

Hinayaan kong ganon yung senaryo habang tumutulo yung mga luha sa pisngi ko.

Sabay sabay na. Bakit ganito? Kahit naman anong tanong kong 'Bakit' sa sarili ko ay hindi ko din masasagot...

Nang makaramdam na ako ng antok at pagod ay minabuti ko ng tumayo at maglakad na patungo sa mga sakayan ng jeep.

Late na din pala. Sana may mga jeep pa din sa terminal.

Nang makarating na ako sa terminal ay halos bihira na yung mga jeep na nagaantay doon at the rest ay punuan na!

Paktay! Paano na ito? Ang mahal pa naman kapag trysikel!

Malas talaga ako!

"Shit... Paano ito?" Tanong ko sa sarili ko habang kinakalikot yung phone ko.

Nagintay pa ako ng halos kalahating oras bago ko napagpasiyahang tawagan na siya.

"Uy, salamat talaga." Sabi ko habang pinapatuyo ng towel yung buhok ko.

"Wala iyon. Bakit ginabi ka na? May pasok ka ba sa trabaho?" Tanong ni KiWi habang nakaupo sa dulo ng bed niya.

Siya yung naisipan kong tawagan kanina para humingi ng pabor. Okay lang naman sa kaniya at sinabing doon na lang muna ako magpalipas ng gabi sa bahay nila.

Nakakahiya syempre! Pero ayokong tumanggi kasi umuwi sa bahay nila Tita ng ganito ako. At ayoko rin magpakita kela Kaila na ganito ako...

Asarin pa ako non!

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Wala na akong trabaho." Mahinang sabi ko at pinigilan ang sariling wag maiyak dito. Nakakahiya!

Mabuti na lang talaga at pumayag si KiWi na patuluyin ako sa bahay nila kahit pa-paano. Life saver!

"Ha? Anong wala? Nag resign ka?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Hindi na daw mabenta... Atsaka, okay lang. Marami pa namang iba diyan." Sabi ko at nai-tali na yung buhok ko. Mas sanay akong matulog ng naka-tali yung buhok.

"I'll talk to Mommy bukas. Baka makatulong ako, Gia." Sabi nito.

Mabilis na umiling ako sa kaniya. "Naku! Huwag na, KiWi! Nakakahiya!" Tanggi ko. Literal na nakakahiya talaga! Gustuhin ko man i-grab yung oppurtunity ay nandito pa din sa katawan ko yung hiya 'noh!

"Meron ka non?" Biro nito sa akin.

Inirapan ko siya at binato ng unan niya. "Gago!" Sabi ko dito.

"Dito ko sa kama ha!" Biro ko sa kaniya at sinakop na yung kama niya.

"Sige lang!" Natatawang sabi nito sa akin.

Agad na tumayo ako mula sa pagkakahiga. "Biro lang! Sa sofa na lang ako! Sanay naman ako." Sabi ko.

"Hindi na. Basta riyan ka na!" Mabilis na sabi nito at kumuha ng dalawang unan para pumwesto na sa sofa bed niya.

"Uy KiWi! Ako na riyan!" Sabi ko dito. Kinukumbinsi siya!

Hindi pa nga ako pinansin. Asar! Naglalaro yata ito sa phone niya.

"Argh! Potaena! Ang bobo!" Sigaw nito at muntik na ngang ihagis yung phone.

"Siraulo!" Natatawang sabi ko habang pinapanood siya mairita sa mga kakampi niya.

"Nagugutom ako, Gia! Order tayo!" Sabi nito.

Bigla tuloy kumulo yung tiyan ko dahil sa sinabi niya! Kainis naman eh!

"Ayaw ko! Ikaw na lang. Diet ako!" Dahilan ko na lamang at humiga na lang sa kama niya. Kainis! Ayokong galawin yung last money na hawak ko dahil mas may pagagamitan ako nito.

"Sige. Sigurado ka ha? Oorder na muna ako." Paalam nito sa akin at lumabas na ng kwarto niya.

Loh! Seryoso ba siya?! Hindi niya man lang ba ako pipilitin?! Nagugutom talaga ako, KiWi! Hindi lang halata!

"Hays! Ang bonak mo, Gia!" Bulong ko sa sarili ko at sinusubukan na itulog na lang yung gutom ko pero...

Hindi talaga kaya! Potaena! Nagugutom talaga ako!

Siguro, naisip ko na yung pwede kong maisip sa loob ng kalahating oras ko na pagtitig sa kisame ng kwarto ni KiWi.

Teka, bakit ang tagal naman yata non?

Nang makarinig ako ng yapak hudyat na may papasok sa kwarto niya ay agad na nagtulog tulugan ako at nagtaklob ng kumot!

"Gia." Tawag ni KiWi sa pangalan ko.

Hindi ko siya pinansin.

"Uhm! Ang bango! Tapsilog! Chicksilog pa!" Pagpaparinig ni KiWi sa akin.

Wala iyan. Wag mong pansinin, Gia, okay? Kalmahan mo lang!

"Oy! Dynamite! Sarap!"

Dynamite?! Takte!

"Dynamite?!" Hindi na nakatiis na sabi ko at umalis na sa kama para puntahan si KiWi.

Tawa naman ng tawa sakin yung gago at inorderan pala niya ako ng tapsilog at limang pirasong dynamite. Ang bait ah!

Nanood din kami ng favorite series niya sa Netflix at nakakalungkot nga dahil nanood lang talaga kami!

Charot. Ang kalat! Pakiwalisan beh!

Nang nakaramdam na kaming dalawa ni KiWi ng antok ay natulog na din naman kaming dalawa.

Pero...

Hindi kami magkalapit, ha!

Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)Where stories live. Discover now