07

59 43 0
                                    

"Dito ka na lang ba?" Tanong nitong si KiWi.

Tinignan ko muna siya ng masama bago ibalik yung tingin sa harapan. Sa isang fast food stall kung saan nandoon si Marie. Yung ka-trabaho ko.

Mamaya pang 8:30 ko siya ng gabi kailangan palitan dahil yun naman talaga yung oras na ibinigay sa amin nitong owner ng fast food stall.

Tumingin muli ako sa orasan sa kamay ko at napansin kong 6 PM pa lang halos. Nakaka-badtrip!

Ayoko din naman kasama itong taong ito kaya okay na sa akin na mag intay ng ilang oras na lamang.

"Oo. Dito na lang ako." Sabi ko habang tinatanggal yung seatbelt ko.

Tumango naman ito sa akin at tumingin na muli sa phone na hawak hawak niya.

"Salamat." Pagpapasalamat ko at lumabas na ng sasakyan niya.

Umupo muna ako dito sa benches na walang naka-upo at dito na lamang balak magpalipas ng oras.

Wala din naman akong pupuntahan pa kaya dito na lamang. Mas malapit pa sa trabaho ko kapag kailangan ko ng pumasok.

Dahan dahan akong umupo doon at tinignan yung paligid. Malapit sa park itong pinapasukan kong maliit na fast food stall para mas ma-benta.

Hindi ko nga alam dahil kahit 11 na ng gabi ay madami pa din ang tumatambay dito. Siguro ay dahil sa ganda ng lugar at nakaka-relax talaga dito.

Madaming mga bata na naglalaro. May mga magkakasintahan din na naka-tambay at masayang mga naghahampasan. Mga baliw, eh.

May mga magkakaibigan din na nagkakatuwaan at nagkukuhaan pa ng mga litrato nila.

At mayroon ding mga kumpletong pamilya na masayang nagbo-bonding. Sinusulit yung bawat segundo, minuto at oras na magkakasama sila.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit dahil kung buhay pa kaya si Mama... nandito din kaya kaming dalawa?

Tumingin ako sa kalangitan na madilim at tinignan ng mabuti yung mga kumikinang na bituin at iniisip na isa si Mama sa mga iyon.

"Sana nandito ka pa, Ma." Malungkot na sabi ko.

"Sana isa din tayo sa kanila na sinusulit yung bawat oras na magkakasama..." Nakangiti na sabi ko. Wala lang. Namiss ko na naman si Mama.

"Tahan na."

Napa-angat yung tingin ko sa nagsalita at nakita ko si KiWi na may hawak hawak na panyo na inaabot sa akin.

"Malinis yan." Natatawang sabi nito sa akin.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dito. Ano ba yan! Nakakahiya!

"Okay lang. Mayroon ako dito." Sabi ko sa kaniya.

"Oh, nasaan?" Tanong nito.

"Wait!" Sabi ko at tumayo. Kinakapa sa bulsa ng pantalon ko yung panyo ko.

"See? Kaya tanggapin muna ito." Sabi muli nito sa akin.

"Okay." Hindi na ako nakipag talo pa at tinanggap na din sa kaniya yung panyo. Umupo kaming dalawa sa pwesto ko kanina at parehas pinagmamasdan yung mga masasayang tao na nagsasaya.

Binalot kami ng matinding katahimikan at parehas na nakatingin lamang sa kawalan. Mga walang balak mag-salita.

Hindi ko alam bakit pero hindi na ako naka-tiis.

Tinignan ko ngayon si KiWi na seryoso lamang na naka-tingin sa kawalan. Mukhang wala talagang balak mag-salita itong isang ito, ah.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon