12

28 23 1
                                    

Lumipas yung nagdaang mga buwan at masasabi ko namang para lang naman isang roller coaster yung takbo ng buhay ko.

Nandoon yung saya, lungkot, at galit. Halo halo. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Basta ang alam ko, lahat ng naramdaman kong yon ay nalagpasan ko.

Ilang oras na lang ay mag no-noche buena na.

Nakaka-inggit nga yung ibang mga pamilya na buo at magkakasama mag celebrate.

Ako, itinutulog ko lang yon. Nothing special. Hindi rin naman ako inaaya ng mga tiyahin ko kumain kasabay nila dahil special daw iyon.

Hindi daw pwede yung hindi ka-pamilya.

Nagtataka nga ako minsan bakit sila pa yung naging ka-pamilya ng mama ko... parang hindi ko maramdaman. Correction. Hindi ko naman talaga naramdaman na itinuring nila akong pamilya.

Hahanapin lang kapag may kailangan.

Yayayain lang kumain ng sabay sa kanila kapag may ambag na ulam.

Babait lang kapag may hihingiin.

Ang unfair ng buhay, diba?

"Hoy! Tulala ka na naman dyan!" Sigaw ni Kino sa akin.

"Pakielam mo?" Masungit na sabi ko dito at umirap. Badtrip talaga itong taong ito eh! Panira moment palagi!

Dito kami sa family nila Kino ngayon mag ce-celebrate ng pasko. Kaming magka-kaibigan dahil may sari sarili naman silang lakad pag araw mismo ng pasko.

Si Kaila na uuwi ng probinsya para doon i-celebrate yung pasko kasama sila Tito at yung Lola niya.

Si Casper na pupuntang Baguio dahil doon naman talaga sila kada-taon tuwing pasko para mamasyal kasama yung pamilya.

Si Kino na pupuntang Bataan para doon mag celebrate kasama sila Tito at Tita at yung mga kapatid niya. May sarili silang private island na matatagpuan sa Bataan.

Minsan nga daw ay yayain kami nila Tita na sumama sa kanila para makita namin yung magandang private island nila.

Si Maureen na mag London kasama yung family niyang minsan niya lang makasama dahil busy sila Tita at Tito.

Si Martha na uuwi din sa probinsya para umuwi sa family niya para doon mag pasko.

Ako lang talaga mananatili dito sa Manila para matulog. Wala naman ng bago doon! Kung minsan ay gumagala ako magisa kapag may pera.

Pero kapag wala ay tinutulog ko na lang. Wala akong magagawa. Wala naman akong pamilya. Walang may mahal sa akin.

Ang drama!

"Pinaglihi ka ba sa sama ng loob, ha? Init palagi ng ulo mo!" Pangaasar na saad ni Kino.

Kung wala siyang magandang sasabihin manahimik na lang siya, ano? Kahit nandito kami sa pamamahay niya ay hindi yon magiging rason para hindi ko siya suntukin sa braso!

Epal siya palagi! Para siyang si KiWi! Teka, bakit ba naalala ko bigla yong lalaking yon?! Mas mabuti ngang wala siya dito ngayon eh.

Barkada muna. Bawal mga asungot. At sigurado naman akong may sariling party na dadaluhan iyong panget na yon!

"Tigilan mo ako." Sabi ko kay Kino at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Ayan! Mag banat banat ka naman ng buto babae! Ikaw naman mag paypay dito!" Reklamo nitong si Kino at iniabot sa akin yung maliit na karton na hawak hawak niya.

Nag iihaw kasi siya ng barbeque. Nangalay siguro si baliw kaya ipinasa na sakin yung ginagawa niya!

Napaka-tamad!

Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon