19

25 17 0
                                    

"So... Sa Cebu nag is-stay yung EX ni KiWi?" Pang sampong tanong ni Maureen sa akin.

Siya itong pinsan, hindi ba? Sana kay KiWi siya nagtatanong para maniwala agad siya! Akala mo palagi kong niloloko!

"Oo nga, Maureen! Ang kulit mo!" Asar na sabi ko. Pauli't uli't kasi.

"Calm! Bakit ka galit? Kalmahan mo, Gia!" Natatawang sabi nito. Nangasar pa nga!

"Mas maganda kasi yung EX, eh." Sabi naman nitong si Kaila.

Bwisit! Wala akong pakielam kung mas maganda iyon! Pakielam ko ba?!

"Pakielam ko? Edi riyan ka!" Sabi ko at umirap. Bwisit!

"Ginalit niyo na naman." Mahinahong sabi ni Martha habang natatawa ng mahina.

"Eh kamusta na ba kasi kayo ni KiWi?" Tanong ni Maureen.

"Friends. Friends kami!" Sabi ko.

"Weh? Talaga? Friends lang?" Paninigurado ni Kaila.

"Oo! At hanggang doon lang!" Pangunguna ko sa kanila. Mga issue pa naman itong mga kaibigan ko!

"Kaya pala may plan mag book ng ticket si KiWi from Cebu, eh." Aniya ni Maureen.

"Uy! Comeback yon?" Pagpaparinig ni Kaila at simpleng tumingin sa akin.

"Alam mo ba yon, Gia?" Tanong ni Maureen sa akin.

Walang nasabi si KiWi tungkol doon. Pero, alam kong tiga Cebu yung ex-girlfriend niya ngayon. Doon nag iistay.

Atsaka, anong pakielam ko kung puntahan niya doon yung ex-girlfriend niya! Wala namang kami! Friends lang!

"Wala. Atsaka, anong pakielam ko? Support lang naman ako palagi sa desisyon ni KiWi." Sabi ko at uminom ng iced tea. Ang init! Tuyo na lalamunan ko!

"Duda ako tanga!" Sabi ni Kaila at binato ako ng unan.

Sinalo ko agad yung unang binato nito sa akin at sinamaan na lamang siya ng tingin. Bwisit talaga siya!

Maghapon lang akong bwinisit ng mga kaibigan ko hanggang sa napagpasyahan ko ng dito na sa trabaho ko dumiretso dahil gabi na din naman.

"Gia." Tawag sa akin ng boss ko.

"Ano po yon, Sir?" Sabi ko. Kinakabahan ako. Bakit ganon?

"Im sorry..." Sabi nito at yumuko.

Ha? Hindi ko siya maintindihan. Bakit nag so-sorry? "Bakit po, Sir? Ano pong meron?" Tanong ko.

"Kailangan kitang alisin sa trabaho, Gia. Humihina na din ang benta ng food stall natin..." Sabi nito.

Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong mararamdaman... Bakit naman ganito? Bakit naman ngayon pa?

Tumango ako sa kaniya at ngumiti ng pilit. "Ayos lang po." Sabi ko. Wala naman akong magagawa... Desisyon niya yan.

"Pero ibibigay ko naman yung last na sahod mo, Iha." Aniya nito.

Tumango na lamang ako sa kaniya at nagpaalam ng magpapalit lang ako ng damit.

Hindi ko alam kung saan ako didiretso ngayon. Ayoko namang umuwi mo na sa bahay dahil mas lalo lang ako mababaliw pag nandoon ako... Hays! Malas ba talaga ako kaya nangyayari sa akin lahat ng ito?

Balak ko pang bumukod na dahil pinapaalis na din naman ako... Saan na ako nito ngayon? Saan na ako pupulutin?

Natawa ako sa iniisip ko at umupo na muna dito sa mga bench sa park. Madilim na yung kalangitan at tahimik ang kapaligiran kaya masarap mapag-isa.

Dancing On A Broken Glass (Love Series #3 ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon