CHAPTER 11

26.7K 834 69
                                    




Napamaang si Gael ng maabutan ang mga kaibigan niya na nasa kusina, what their doing here? Tanghaling tapat pero nandito sila? May mga trabaho ito ah! Nakita niya si Samuel na may hawak na lusong o yung pang bayo nila para sa nilupak. Pinagpapawisan ito at tangking puting t-shirt na lang ang suot at pantalon na itim. He love to eat that nilupak, it's one of  his favorite local delicacies. Dumayo lang ba ang mga ito para gumawa nun?

"Anong ginagawa niyo dito?"  Tanong niya ng makalapit sa mga ito, katabi ni Bullet si Isla sa may lamesa. Si Marcus ay nakatayo lang din at t-shirt na lang ang suot na pang-itaas.  Nagkalat ang mga kamoteng kahoy sa lamesa at ang kalat ng buong kusina.

"Wala lang pinasyalan lang namin yung kapatid namin." Sabi ni Marcus na siyang nauna sa pagbayo ng kamote kanina. "Diba Isla?"

"Oo kuya!" Magiliw kong sagot. Sabi ko kase kanina pagdating nila gagawa ako ng cassava cake at ng makita nga nila akong nagbabayo ay inako nila ang ginagawa ko.

"Tsk, akin na nga!" Agaw ni Gael sa lusong na hawak ni Samuel. "Hindi naman ganyan paggamit niyan. Sino ba nakaisip nito?"

Agad akong lumapit kay Gael. "Ako, gagawa kase ako ng cassava cake. Kaso dumating sila kaya tinulungan nila ako."
Ang sungit!

"Sa akin ka na lang dapat nagpatulong hindi na dapat sa kanila." Ani ni Gael na sinamangutan pa si Samuel.

"Eh umalis ka diba? Tapos hindi mo din ako kinakausap." Sabi ko naman.

Natawa sina Marcus dahil sa sinabi ni Isla. Parang wala sila ah!

"Baka naman iniiwasan ni Gael si Isla." Pailing-iling na sabi ni Samuel na pawis na pawis na sumandal sa lamesa.


"Oo nga no? Baka iniiwasan nga!" Segunda ni Bullet. "Pero bakit?"

"Haizt! tumahimik na nga kayong tatlo." Inihinto ni Gael ang ginagawa at pinameywangan ang mga kaibigan. "Magsiuwi na kaya kayo?" Sabi niya pa.

"Hala! Ang galing ni Gael bumayo!" Masayang sabi ni Isla ng ituloy ng binata ang ginagawa, parang may ritmo ang pagbabayo nito sa kamote.

Naibuga naman ni Bullet ang iniinom na juice, si Marcus naman ay nabitawan ang hawak na cellphone at si Samuel ay natapon ang baso na may tubig.

"B-bakit may mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko sa kanilang tatlo na nakatingin sa akin.

"Listen Isla, you should not say like that okay? Lalo na kung kasama mo ay puro lalaki." Paliwanag ni Marcus pagkatapos pulutin ang cellphone na nabagsak.

"P-pero bakit? Eh magaling naman talaga bumayo si Gael." Nagtataka ko pang tanong sa kanila.

Napakamot agad si Samuel sa ulo. "Basta makinig ka na lang sa aming mga kuya mo, hindi kase maganda pakinggan dahil may iba siyang ibig sabihin."

"Pero may nangya---"

Agad tinakpan ni Gael ang bibig ni Isla, oh my god why she's so naive? Talagang sasabihin niya ang tungkol sa namagitan sa amin sa mga kaibigan ko? "Tara, tara doon tayo sa living room ko. Ipapatapos ko na lang kila Linda itong ginagawa natin." Sabi ni Gael tsaka hinila si Isla palabas ng kusina. Buti na lang talaga umuwi siya kung hindi! Naikuwento na ni Isla lahat.

Maiging tinitingnan ni Gael  ang tatlo niyang mga kaibigan habang katabi niya si Isla at kaharap nila ang mga ito. He can feel something fishy. Ano bang problema ng mga ito?

"Nabalitaan ko naospital daw si Isla?" Nakangising tanong ni Samuel na ang tingin ay nasa direksyon ni Gael.

"Ay oo kuya Samuel noong nakaraan kase---"

"Don't talk anything Isla." Pigil ni Gael sa katabi at pinisil ang kamay nitong hawak niya. Ikakapahamak ko yan. "Mataas ang gasolina ah, bakit nandito ba kayo sa bahay ko? Tanghaling tapat tapos narito kayong tatlo. Magsiuwi na kaya kayo." Pagpapalayas niya sa mga kaibigan.

"Hindi naman ikaw ang pinunta namin dito kung hindi si Isla." Sabi ni Bullet.

"Beside we're have tons of money baka bilhan ka pa namin ng gasolinahan diyan." Sabi pa ni Marcus.

Tsk, nagyabang pa! Sa isip-isip ni Gael.

"Tinext ko kase sila kanina Gael kaya pumunta sila. Akala ko nga hindi sila pupunta eh." Sabi ko pa.

"G-Gael? Dapat kuya din tawag mo sa kanya." Nakangising sabi ni Marcus.

"Oo nga, dapat kuya Gael para pantay-pantay." Si Samuel na halatadong nang-aasar.

"Tama, Kuya din dapat mo itawag kay Gael Isla, magkakaedad lang kami niyan." Si Bullet na nakikisakay sa dalawa niyang kaibigan.

"Mga gago, in your dreams! Isla will not gonna call me like that." Napipikon ng sabi ni Gael, ibaon ko na kaya sila dito sa hacienda ko? Malawak naman ang lupain ko eh.

"W-wag kang magalit sa kanila Gael, tsaka hindi din naman kita tatawaging kuya." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Siya nga pala tutal magaling na ko gusto ko nga palang  magtrabaho."

"Sure what position do you want? Gusto mo maging mall manager ng mall ko?" Agad na sabi ni Marcus.

"Nahhh sa akin ka na lang magtrabaho Isla, bibigyan kita hanggang 15th month bonus." Si Samuel naman na hindi papatalo.

Napabuntong hininga si Gael, he look seriously on his three friends before he look on Isla. "You don't need to work Isla. You can stay here.."

"Grabe ka naman pare gusto ngang magtrabaho eh. Sa akin ka na lang Isla puwede kita kunin na secretary ko para hindi na napapagod si ganda. Free accomodation!" Sabi naman ni Bullet, ang asawa niya kaseng si Elaine ang sexetary niya ngayon.

Para pang sumakit lalo ang ulo ni Gael sa sinabi ng mga ito. Binulungan niya si Isla at sinabing tingnan muna ang cassava cake nito sa kusina kung tapos na. Sumunod naman ito agad at ng sila-sila na lang na apat ang naiwan ay..

"You took her right." Hindi tanong dahil sigurado si Samuel doon. He have a good resources that's why.

"Alam niyo tumigil-tigil nga kayo, ang lakas niyo lang mangbwisit eh! Bumalik na kayo doon sa syudad!" Pikon ng sabi ni Gael.

"Uyyyy iniiba ang usapan, akala mo hindi namin alam ah." Si Bullet na pataas-taas  pa ang kilay.

Kinuha naman ni Gael ang throw pillow sa tabi niya at binato ito. Deserveeeee..

"What's your plan for her Gael? She's still married baka nakakalimutan mo." Seryosong sabi ni Marcus.

"Hindi ko nakakalimutan, actually I need your help to pull out her marriage certificate from NSO, tatagal pa ang proseso kung magpapa-file ng annulment. I can pay as long as mabura lang ang kasal nila."

"Leave it to me, I have connections." Mayabang na sabi ni Bullet. "And beside I promised on Isla that I will hep her on her annulment."

"Walang bayad?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo kay Bullet.


"Im doing this for Isla so yes libre lang."


Nakahinga ng maluwag si Gael sa narinig, that's his goal now ang mapawalang bisa ang kasal ni Isla sa asawa nito. At kapag nangyari yun tsaka niya na ito aalukin ng kasal.

#maribelatentastories

M.A series #05 Gael Hidalgo Место, где живут истории. Откройте их для себя