Tuloy ang buhos ng luha ni Kelly, dahil sa narinig sa sagot kay Mrs. Tolentino. Ang ideyang kahit ang kanyang ina, hindi siya kayang ipaglaban. Mas kaya nitong isakripisyo siya, at ang talikuran din siya tulad ng kanyang ama.

Sobrang ikinadurog iyon ng puso ni Kelly. Para bang iyong kalahating bahagi ng kanyang katawan ay nagkulang. Dahil iyong isa sa pinaka-importante tao ng buhay niya, piniling hindi siya maging bahagi. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

May porsyento na naiintindihan niya, pero lubos na kinukwestyon ng isipin niya ang ideyang iyon.

Hindi niya maiwasang isipin, kung totoo bang anak siya? Dahil sa pagkakaalam niya, hindi kailanman kaya ng isang magulang ang matiis ang anak. Kahit pa anong kasalanan ang nagawa nito. Magagalit, oo. Pero, kapag lumamig ang sitwasyon, sila pa mismo ang nagpapakababa para lang magkaayos kayo. Pero tila pati ang bagay na iyon, ipinagkait kay Kelly.

Sa puntong iyon, wala nang nagawa pa si Kelly kung hindi ang tumayo. Kahit masakit sa kanyang damdamin, ginawa niyang talikuran ang kanyang magulang. Hindi dahil sa kanyang kagustuhan, dahil iyon sa pagrespeto ng desisyon ng kanyang mga magulang.

Totoong nasaksihan niya kung paano inatake ang kanyang ama, noong araw na iyon. Hindi niya maiwasan na maalala iyong takot na nararamdaman niya noong panahon na iyon, dumating pa sa puntong sinisi niya ang kanyang sarili.

Hirap siyang humakbang paalis sa bahay na kinalikahan niya, at ideyang talikuran ang kanyang mga magulang. Sobrang hirap para sa kanya. Pero mukhang iyon ang itinadhana para sa kanya, at hindi rin naman niya gugustuhin na dumating sa puntong mangyari pa ang isang bagay na kinatatakutan niya. Ayaw niyang dumating sa puntong may pagsisihan pa siyang muli.

Pinili na lang niyang isakripisyo ang kanyang sarili, kaysa magsakripisyo ang ibang tao sa kanya lalo na ang kanyang magulang.

"H-Huwag kang mag-alala, k-kapag may kailangan ka pagdating sa pagbubuntis mo, sabihan mo ako..."

Hindi na nilingon pa ni Kelly ang ina, at nagtuloy lang siya sa paglalakad.

Kailangan sa pagbubuntis? Gusto niyang matawa, hindi iyon ang kailangan niya. Ang kalinga ng isang ina ang kanyang gusto, ang pagtanggap ng isang magulang sa kanyang pagkakamali at bigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag sa kasalanan na nagawa niya.

Sa mga oras na iyon, hindi niya alam kung saan siya pupulitin. Hanggang sa dinala siya ng kanyang paa sa harap ng bahay nila Alex. Isinantabi niya ang kahihiyan, dahil hindi iyon kailangan sa oras ng kanyang pangangailangan na may masilungan, kahit man lang panandalian lamang.

Kumatok siya ng isang beses, ngunit walang lumabas o nagsalita man lang. Inulit niyang muli hanggang sa mag-tatlong beses pero wala pa rin. Handa na siyang tumalikod nang matigilan siya sa narinig.

"Kelly?"

Doon nagkaroon ng kaunting pag-asa si Kelly. Pero, sa oras na iyon bigla niyang gustong umalis. Iyong dapat na harapin niya si Alex, pero sinimulan niyang i-hakbang ang kanyang paa. Hindi niya nilingon pa si Alex. Ngunit hindi pa siya nakalayo nang may humawak sa kanyang braso.

Nang makaharap niya si Alex, kita niya ang pagtataka roon. Puno ng katanungan ang mata nito.

"A-Alis na ako," Kabadong wika ni Kelly, pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ni Alex sa kanyang braso, pero mahigpit ang kapit ng kamay ni Alex sa kanya.

"Anong nangyari?" Matigas na sabi ni Alex sa kanya, ngunit nandoon pa rin ang pag-aalala.

Napayuko na lang si Kelly, doon siya nagsisisi na nilapitan pa niya si Alex. Huli na nang maisip niyang ayaw niya na madamay pa ito.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now