Chapter 9 : Sudden Closure

Start from the beginning
                                    

"Ang sama ng tingin sa'yo nung babae, siya yata 'yung girlfriend?"

"Friends lang naman sila, sa pagkakaalam ko." Nakangusong sabi ko.

"Friends with benefits?" Pag-ngisi niya kaya agad ko siyang hinampas.

"Hindi sila gano'n! Baliw ka!"

Muntik pa kaming ma-late sa next class namin dahil sa mga nangyari. Tapos ito namang si Charli, tanong nang tanong sa akin kung bakit daw ang tagal namin. Nagselos pa yata siya sa amin ni Axel. Hindi ko naman crush 'yung lalaking iyon.

Isa lamang ang tinitibok ng aking puso, at si Azrael iyon.

Natapos ang maghapon na hindi sumusulpot bigla si Nikolai sa aking tabi. Nasaan kaya ang kaluluwa na iyon?

Speaking of the devil...

I saw Nikolai walking towards my direction while his hands are in his pocket. His hair is kind messy, at bahagya kong nakikita ang matipunong dibdib niya dahil sa string shirt na suot niya.

"Saan ka galing?" mahinang tanong ko sa kaniya.

"Wala. " Aniya at sumandal sa pader. "Bakit? Nami-miss mo ba ako?" Pag-ngisi niya.

Ngumiwi ako. "Asa ka!"

He just chuckled at me.

"Bakit ka nga ba nandito?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Sinusundo ka,"

"Ay hindi pa ako ready maging kaluluwa!" Gulat na sigaw ko, kung kaya't napatingin sa akin ang ilan sa mga schoolmates ko na pauwi na rin.

Nahihiyang humingi naman ako ng pasensiya sa kanila at mabilis ang mga hakbang na umalis ng school.

Tawa naman nang tawa ang magaling na kaluluwa. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin dahil nasosobrahan na naman yata siya sa saya.

"Stop laughing, Lai!" inis na ani ko.

Tumigil siya sa pagtawa pero kitang-kita ko pa rin kung paano niya pinipigilan ang sarili na matawa.

"Tumigil ka na nga." Pinanlakihan ko siya ng mata na naging dahilan upang kagatin niya ang lower lip niya, na para bang sobra sobra ang pakikipaglaban niya sa pagtawa.

"O-Oo na." Sagot niya sabay taas ng kaniyang dalawang kamay biglang pagsuko.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin, pero kalauna'y natawa na rin. Nakakainis! Bakit 'pag tumatawa siya at natatawa na rin ako?

Okay fine, ang pogi niya 'pag tumatawa siya.

Ang akala ko ay si Azrael lang ang pogi sa mga mata ko, hindi pala.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan siya sa tabi ko, habang sabay kaming naglalakad pauwi.

Umiwas ako ng tingin. "Ang pogi mo nakakainis," bulong ko.

Sa pagsapit ng gabi, habang kumakain kami ni kuya ng hapunan ay biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag-text.

From: Azrael<3
Hi, nakakain ka na ba?

Parang gusto kong tumili dahil sa kilig.

"Hoy mahal na prinsesa, kumain ka muna." Saway sa akin ni kuya habang masama ang tingin sa akin.

Natawa naman ako at inubos ang pagkain. Nang matapos ay nagligpit ako ng aming kinainan, 'tsaka ako bumalik sa aking kuwarto para mag-reply kay Azrael.

To: Azrael<3
Oo, ikaw ba? Huwag papagutom hehe.

Tinakpan ko ng unan ang aking cellphone dahil sa kahihiyan. Anong 'huwag papagutom'?! Hindi naman ako girlfriend!

Agad na tiningnan ko ang aking cellphone nang umilaw ito at tumunog.

From: Azrael<3
Opo haha

"Opo haha." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Nikolai sa tabi ko.

"Lai!" Nasabi ko dahil sa gulat, habang nakahawak sa aking dibdib.

Inirapan niya ako sabay upo sa may upuan, at nakaharap sa akin.

"Nilalandi mo ba ang pinsan ko? Di ka no'n papatulan," wika niya habang masama ang titig sa akin.

Sinamaan ko rin siya ng tingin. "Friends lang kami."

"Pero may gusto ka sa kaniya." He crossed his arms.

"W-Well..." Umiwas ako ng tingin.

Hindi ko na siya pinansin at muling itinuon ang tingin ko sa screen nang cellphone ko nang muling mag-reply si Azrael.

From: Azrael<3
Let's eat lunch together tomorrow. Puwede ka?

Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang pag-tili. 'Tsaka ako nagpagulong-gulong sa kama.

"Lai!" Kinikilig na tawag ko sa kaluluwa na gusot ang mukha.

"What now?" He asked, irritated.

"Azrael's asking me for a lunch tomorrow!" Masaya ang mukha na sabi ko.

Katahimikan ang tanging bumalot sa loob ng aking kuwarto at sa pag-itan namin. Tinaasan niya ako ng kilay sabay irap.

"I don't care! Do what you want, Sadie! Kahit magkaroon pa kayo ng relasyon ni Azrael, wala akong pakialam haha!" Wika niya, pero bakas ang sarkasmo sa tono ng kaniyang boses.

Anong problema no'n?

I Met A Ghost Named, LaiWhere stories live. Discover now