Chapter 3 : Her Family

198 15 3
                                    


Tahimik na sumubo ako ng kanin at tahimik din akong ngumuya. Halos hindi na ako makahinga dahil sa hangin na bumabalot sa amin ngayon.

Dalawang araw matapos umuwi sina mama at papa rito sa bahay, at dalawang araw na rin na wala rito si kuya.

Sumulyap ako sa katabi kong upuan kung saan laging umuupo si kuya, dahil dalawang araw na itong bakante.

"Where is your Kuya Samuel? Simula noong dumating kami ay hindi pa namin siya nakikita?" tanong ni papa.

Nakagat ko ang labi ko, hindi alam ang isasagot. Kapag sinabi ko na nasa condo siya, ay tiyak na papauwiin siya rito nina mama at papa.

"Nasa mga kaibigan niya po," ang tanging sagot ko.

Nagsalubong ang kilay ni mama. "And what is he doing there?! Nagpa-party na naman? Namba-babae?"

"Kuya is not like that anymore, 'ma. Nagbago na si kuya, he promised me," mariin na sagot ko kay mama.

Kuya Samuel told me that he will change for the better, that he will change for me, in order to protect me. Simula noong naging busy sina mama at papa, ay masasabi kong si kuya na ang nag-aalaga sa akin at kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan.

"Paano mo naman iyon nasasabi, Sadie?" she asked again.

"Kayo po, paano niyo po nasasabi ang mga bagay na iyon kay kuya kung palagi naman po kayong wala rito sa bahay?" Puno ng hinanakit ang boses ko, habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Iyan ba ang natutunan mo sa kuya mo?" tanong ni papa.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata. "Bakit po kayo ganiyan kay kuya? Ano po bang nagawa ni kuya sa inyo para pagsabihan ninyo siya ng ganiyan? Si kuya po ang nag-alaga at nakasama ko rito sa bahay noong mga panahon na wala kayo. Kayo po ang magulang namin pero wala po kayong alam sa amin." Sabi ko sa kanila at 'tsaka ako umakyat pabalik sa kuwarto ko.

Pabagsak akong dumapa sa aking kama at 'tsaka ko isinubsob ang aking mukha sa aking unan, kasabay nito ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha.

Hindi deserved ni kuya na maranasan ang ganitong treatment. He might be a bully sometimes, but he's a good kuya. He's always there for me, cared for me, and he's always protecting me.

Since we were kids, kuya have been receiving this kind of treatments from our parents. Lagi silang strikto kay kuya at pini-pressure sa pag-aaral. Lagi silang nagde-decide sa bawat kilos, bawat pananalita, at pati na rin sa pangarap ni kuya.

At dahil doon, ay nagrebelde si kuya.

Naglayas siya, at ilang buwan din siyang hindi umuwi. Noong umuwi siya, ay mga suntok mula kay papa at sampal kay mama ang natanggap niya.

"Hey, I have something to tell—"

Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ang boses ni Nikolai.

Bumangon ako at doon ay tumambad sa akin ang nagtatakang mukha niya.

"You look disgusting," he said. "You have snot all over your cheeks and your eyes are red as fuck,"

I looked away. "Nandito ka lang ba para insultuhin ako?"

His eyes widened. "N-No...I-I j-just—" I saw him frustratedly pinched the bridge of his nose.

"Fuck, why the hell did I stutter?" he mumbled.

Kahit kailan ay mainit ang ulo niya.

Sumandal ako sa pader habang nakaupo ako sa kama ko. Tinupi ko ang aking binti at 'tsaka ako umub-ob sa aking magkadikit na tuhod.

I Met A Ghost Named, LaiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt