Chapter 2 : Unlikely Companion

226 20 6
                                    


"Where are you going?"

Napalingon ako kay Nikolai nang tanungin niya ako habang nagsusuklay ako ng aking buhok.

"Sa bahay ni Axel," sagot ko naman.

"Your boyfriend?"

Napangiwi ako sa sinabi niya at mabilis na umiling. "Nope! He's my seat mate. And kasama ko rin ang bestfriend ko."

Humarap ako sa salamat at 'tsaka ako naglagay ng clip sa buhok ko para maayos ako tingnan. Naglagay na rin ako ng paborito kong pabango, at kaunting liptint.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang aking mukha sa salamin.

"Maganda ba?—" Natigil ako sa pagtatanong sa kaniya nang makita ang ekspresiyon ng kaniyang mukha na para bang isa akong poopoo sa bowl!

"Hinuhusgahan mo ba ang buong pagkatao ko?" Pag-nguso ko.

He leaned against the door while his arms were crossed against his very manly chest, as he looked at me from head to toe.

"You look like a fish," he boredly said.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Ang sungit niya!!

"Okay po, ikaw na ang guwapo." Sarkastikong sabi ko sa kaniya at padabog na binuksan ang pinto para lumabas.

The side of his lips, rose. "Am I?"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya dahil sa kahanginan niya.

"Kuya, aalis na ako!" Paalam ko kay Kuya na nanonood ng TV sa may living room.

Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. " Date?"

"Haha funny mo kuya. Mukha ba akong may ka-date? Pupunta lang ako kina Axel—"

Agad siyang napatayo sa sinabi ko.

"Sinasabi ko na nga ba, boyfriend mo ang shokoy na iyon!"

"Kuya!" Napairap ako sa kaniya. "Shokoy siya pero hindi ko siya boyfriend, may project lang kaming gagawin, at kasama ko si Charli!"

Habang nakasakay sa jeep, ay hindi ko maiwasan ang sarili na hindi sumulyap sa multong nasa harap ko. Bored lang itong nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Hindi ba siya napapagod gawin iyon?!

Sinamaan ko siya ng tingin kasi hindi man lang niya kinakalas ang tingin niya sa akin, kanina pa!

He smirked playfully.

"Hija?" Nawala ang atensiyon ko kay Nikolai nang kinulwit ako ng Ale na katabi ko.

"B-Bakit po?" nahihiyang tanong ko.

"Sino ang sinasamaan mo ng tingin?"

My eyes widened when I noticed that they're all looking at me like I'm a crazy girl!

"W-Wala po!" Kasabay nito ang pamumula ng aking pisngi kung kaya't napatungo na lamang ako dahil sa kahihiyan.

Nang mapansin ko na nasa tapat na kami ng bahay ni Axel ay pumara na ako, at sa pagtayo ko ay nauntog ang ulo ko sa bubong ng jeep. Malakas ang nagawa nitong ingay kaya't mas lalo akong nahiya. Nang makapagbayad, ay agad akong bumaba ng jeep habang hawak-hawak ang aking ulo.

Napalingon ako kay Nikolai nang makita na parang nagpipigil ito ng tawa.

"It's all your fault, stupid!" reklamo ko sa kaniya habang nangingilid ang luha sa aking mata.

"Heh," he smirked. "Sino kaya ang nauntog at napahiya sa ating dalawa?"

Pinahid ko ang luha ko at sinamaan siya ng tingin.

"Are you glaring at me, Sadie Acosta?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.

I gulped.

"H-Hindi ah!" bawi ko naman. Parang nawala lahat ng inis ko sa kaniya dahil sa takot.

Omygosh! Bakit ba ako natatakot sa kaniya?

"Sadie!!"

Lumiwanag ang mukha ko nang sinalubong ako ng yakap ni Charli. Sa likod niya ay natatanaw ko ang shokoy na kabayo, si Axel.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko kay Charli nang kami ay magbitaw sa yakap.

"Kinda. Alam mo bang ang bait ng lola ni Axel? Naghanda siya ng cookies para sa atin!" excited na aniya.

Napatingin ako kay Axel nang makita na nakangisi ito. Pero nawala ito nang makita na nakatingin ako.

"Heh, baka kinukwento ka ni Axel sa lola niya." Panunukso ko at dahil doon ay sinamaan ako ng tingin ng shokoy na kabayo dahil sa aking sinabi.

"Kinuwento?" takang tamong ni Charli.

"Wala! The hell, bakit ko naman iku-kwento si Charli sa lola ko? Tara na!" asar na sabi ni Axel at 'tsaka kami hinila papasok sa bahay nila, na siyang nagpahagikhik sa akin.

Halos inabot din kami ng ilang oras bago matapos sa project namin. At ngayon ay gumagawa lang ng makakain sina Charli at Axel. Hindi ko nga rin maintindihan kung paanong nagkasundo sila!

Axel told us na magaling daw siyang magluto, at siyempre noong una hindi kami naniwala kaya siya ang nagluto ng lunch namin para raw maniwala kami na magaling talaga siyang magluto.

At ngayon, sa pagkakaalam ko ay tinutulungan ni Charli si Axel sa pagbe-bake, since Charli knows how to bake.

I smiled.

Bagay talaga sila!

"Why are you smiling like an idiot?"

"Anak ni mama—patatas ka ba Nikolai?!" Gulat na tanong ko kay Nikolai nang bigla itong sumulpot sa tabi ko.

He glared at me. "Mukha ba akong patatas?"

"Hindi. Pero bakit kasi bigla-bigla ka nalang sumusulpot? At saan ka ba nanggaling?"

"May pinuntahan lang," tipid na aniya.

Tahimik ko siyang pinagmasdang tumayo at maupo sa kama. Namilog ang aking mga mata nang may ma-realized.

"Teka—" Lumapit ako sa kaniya at sinusubukan na hawakan siya ngunit walang nangyayari dahil tumatagos lang ang kamay ko sa katawan niya.

Nagsalubong ang kilay niya.

"What are you doing?"

"Look!" Turo ko sa kamang inuupuan niya. "Hindi ka tumatagos!" Masayang sabi ko sa kaniya pero mas lalong kumunot ang noo niya.

"Touch me,"

Nasamid siya sa sinabi ko. "What?!"

"Touch me, hawakan mo ako, duh! Simpleng english lang hindi alam—joke lang!" Nag-peace sign ako nang samaan niya ako ng tingin.

"Dali na, subukan mo akong hawakan," wika ko.

Tumikhim siya at umirap. Akala ko ay hindi niya gagawin ang sinabi ko, pero nagulat ako nang tusukin niya ang kanang pisngi ko gamit ang kaniyang forefinger.

Napatitig siya roon at ilang segundo rin na walang nagsalita sa amin.

"Soft," dinig kong bulong niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Ang pisngi ko ba ang tinutukoy niya?

"Ah fuck!" Binawi niya ang daliri niya nang makita ang nakangiti kong mukha sa kaniya. "Stop smiling, dumb girl!" He told me with annoyance plastered on his face, as he jumped out the window. Lagi niya na yata iyon ginagawa ah?!

I chuckled.

"Sungit," bulong ko.

I Met A Ghost Named, LaiWhere stories live. Discover now