Prologue

873 31 8
                                    


Mabigat na nagpakawala ako ng isang buntong hininga habang pinagmamasdan ang palubog na araw.

"Class dismiss!"

Mabilis akong tumayo ngunit sa pagtayo ko ay bigla akong may narinig na parang may napunit, kasabay nito ang pagtatawanan ng mga kaklase ko.

"Bes, 'yung palda mo!" sigaw ng kaibigan kong si Charli.

Nanlaki ang mata ko nang makita na sumabit pala ang palda ko sa pakong nakakabit sa aking upuan, na naging dahilan ng pagkapunit nito.

"Wow, legs!" Pagsipol ni Axel, seatmate ko.

Napanguso ako at mabilis na hinila ang palda ko, kung kaya't mas lalong lumaki ang punit nito. Kaunti nalang ay makikita na nila ang hindi dapat makita!

"Huwag nga kayong tumingin!" sigaw ko sa kanila at umiwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

Lumapit sa akin si Charli at saka niya ako pinagtakpan mula sa mga mata ng mga manyakis kong kaklase. Tumayo na rin si Axel at pinulupot ang jacket niya sa bewang ko, pero inirapan ko lang siya.

"Tinawanan mo ako," bulong ko sa kaniya pero ngumisi lang siya.

Suminghot ako habang naglalakad pauwi sa gitna ng madilim na daan. Bakit ba naman kasi walang masyadong ilaw sa mga poste?!

"Kuya, nandito na ako—"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay tumambad na sa akin ang gusot na mukha ni Kuya habang nakasuot ng apron. "Bakit ngayon ka lang?! Nag-date na naman ba kayo nung boyfriend mong gusgusin?!"

Agad akong sumimangot. "Hindi ko boyfriend si Axel!"

"Hah! Sa tingin mo maniniwala ako sa mga kasi—"

"Uuwi daw sina mama at papa, next week." Sabi ko sa kaniya na nagpatahimik sa kaniya.

Hindi siya sumagot at muling nagtungo sa kusina, marahil ay nagluluto siya ng hapunan namin.

Umakyat na ako sa aking kuwarto upang magpalit ng damit at humiga. Walang araw yata na hindi ako laging napapahiya. Ang ilan nga sa kanila, ang tawag sa akin ay 'Clumsy Sadie' dahil sobrang clumsy ko raw. Pero anong magagawa ko? Sinusubukan ko namang mag-ingat sa araw-araw, ah.

"Hmph!" Muli akong napanguso dahil sa inis.

"Fuck,"

Nanlaki ang mata ko nang may marinig. Mag-isa lang ako sa kuwarto, at nasa baba si kuya! So, sino 'yung nagsalita?!

Baka naman guni-guni ko lang iyon?

"Tama, guni-guni ko lang 'yon." Sabi ko sa sarili ko at tumango-tango.

"Sadie! Kakain na!"

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga nang marinig ko ang tawag ni kuya mula sa baba. Pero sa pagbangon ko, ay bumungad sa akin ang isang lalaki na kasing-puti ng multo.

"Ah! Magnanakaw!" Malakas na sigaw ko na nagpakunot sa noo niya.

"What?! Me?! A thief?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang nakaturo sa sarili niya. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa akin ang masasama niyang titig. Palapit ito nang palapit sa akin, kaya naman, marahas at malakas ko siyang itinulak pero laking takot ko nang tumagos ako sa kaniya at sumalampak ako sa sahig.

Pareho kaming nagulat sa nangyari.

"Sadie! Anak ng—anong nangyari?!" Naramdaman ko na lang ang paglapit ni kuya sa akin.

W-What just happened?

Hindi siya magnanakaw.

Isa siyang, multo!

I Met A Ghost Named, LaiOnde as histórias ganham vida. Descobre agora