Hiningi ko ang number ng bata sa kaniya.

Sumagot ba naman ng, Cellphone number?

Ay, hindi. Baka landline. Aba'y Sentido Kumon naman. Malamang cellphone number.

Hindi na rin naman nagtanong 'yong babae. Hindi rin kasi palakuwento si Adria sa mga kakilala niya tungkol sa mga problema niya.

Lalo na kapag tungkol sa amin kasi sinabi niya dati na kapag nag-break kami at ikinuwento niya sa iba ang dahilan, nakahihiya raw kung magkabalikan naman pala kami tapos nailabas na niya ang mga baho ko sa iba.

May punto nga naman.

Ayon, naghiwalay nga kami. Putragis talagang tunay.

Nang makuha ko ang number niya, s-in-ave ko agad sa cellphone ko iyon. Nag-isip din ako kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya.

I miss you. Please take me back.

Aruuu, siyempre hindi ganiyan. Hindi naman ako mapame-message sa kaniya nang ganiyan at baka lalo lang mabuwisit iyon at sabihan pa akong korni.

Kumain na ba u?

Siyempre, hindi ulit ganiyan. Napaka-jejemon naman amputa.

-Axe

Ganiyan lang ang sinabi ko sa text. Ipinaalam ko lang ako iyon kahit alam ko namang kabisado niya ang numero ko. Paano ba naman hindi makakabisado, eh dalawang digits lang sa dulo ang magkaiba sa mga number namin.

Nauso pa nga ang kupol sim noon. Eh itinapon na yata niya 'yong luma niyang sim.

Walang reply. Walang kahit ano'ng paramdaman. Hindi na nga ako nag-deactivate sa Peysbuk at baka sakaling mag-message siya sa akin doon o baka may makita akong kakaiba sa post niya.

Bokya na, hopya pa.

May nagpapansin pa sa aking babae no'n. Kaklase ng isa sa mga pinsan ko. Itago natin siya sa pangalang Happy. Pang-Hapon pa ang apelyido kaya alam kong may lahing Japanese.

Nasa message requests ko siya tapos in-add pa ako. Dahil nagtataka ako, binasa ko ang mensahe niya para sa akin.

Hindi ko na gaanong matandaan ang mismong pagkaka-type pero nag-Hello iyon sa akin at nangumusta.

Hindi ko sinagot. Hindi ko kailangan ng babae, sa loob-loob ko. Impakta ang kailangan ko.

At iisa lang ang qualified sa ganoon.

Pinalipas ko muna ang mga ilang araw. Iniisip kong baka nagpapalamig lang talaga ng ulo si Adria. Kahit naman magkapalit kami ng puwesto, baka ganoon din ang gawin ko.

Baka ayawan ko rin ang sarili ko.

Eh hindi ako nakatiis. Hindi naman ako nalilibugan pero hinahanap ko talaga siya. Literal.

Gusto kong makita, gusto kong makausap, gusto kong maamoy, gusto kong makatabi basta putangina, nakababaliw na.

Tinawagan ko kahit mag-a-alas dose na yata iyon ng gabi. Ring lang nang ring hanggang sa nag-toot-toot-toot na.

Nag-send pa ako ng message, Tawag ako. Usap tayo.

Sinegundahan ko pa ng, Please.

Wala pa ring reply. Utang na labas talaga. Hindi na ako mapakali kaya kinuha ko 'yong susi ng oto ko at dinala ako ng mga kamay at paa ko sa subdivision nila.

Ang ingay-ingay ng oto ko kaya kung gising pa siya, alam niyang nandoon ako mismo sa tapat ng bahay nila.

Wala akong pakialam kung hindi ako legal sa kanila. Kung makita man ako ng ermats niya, eh 'di magpapakilala na ako.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon