Chapter 8

9.9K 397 11
                                    

Dumating na din ako sa guild na sinasabi ni Laurentia. It doesn't look suspicious. The exterior of the place is nothing special and is very ordinary.

Tumunog ang pintuan pagka pasok ko. Tahimik ang lugar at wala masyadong tao maliban na lang sa nagbabantay.

"Ito ba ang Creed guild?"

"Hindi kami tumatanggap ng orders mula sa mga taong walang per-" nilapag ko sa harap niya ang coin purse ko na naglalaman ng golden coins. Matamis na ngumiti ako sa kanya.

"Ano pong maipaglilingkod ko sayo madam?" Pinagsiklop niya pa ang dalawa niyang palad. Hindi halatang mukang pera ang lalaking ito.

"Lahat ng dumadaan na impormasyon sa pagitan ninyo at sa kliyente ay confidential right?"

"Of course madam!"

"Then." Inilabas ko din ang bote na binigay ng viscountess.

"Pakisuri nito at isa pa, hanapin ninyo lahat ng lalaking may kulay black ang buhok sa buong emperyo. Give me their profiles and portrait. Dalawang araw."

"D-dalawang araw madam? Mukang imposible po ang-"

"Sa inyo na lahat ng laman nito. Ah! Kulang pa ba? Saglit may isa pa ako. Ito." Nilapag ko din sa harapan niya ang isang balot ng magkahalong gold and silver coins.

"Dalawang araw! Posible iyon madam!" Walang makakahindi sa kapangyarihan ng pera.

Pagbalik ko sa mansion ay humahangos na sinalubong ako ni Heidi.

"My lady!"

Napakunot ang noo ko. Is she that comfortable with me now? Hindi tulad ni Laurentia na napaka prim and proper ang pulido ang galaw, si Heidi ay halatang hindi naturuan ng proper etiquette. Not that I care dahil isa din naman ako, the hell I care with their standar etiquette.

"Ano iyon Heidi. Mukang hindi na makakapagantay ang ibabalita mo sa akin." Hindi pa man din ako nakakaakyat ng hagdanan patungo sa pangalawang palapag.

"I'm sorry but this needs an urgent reply from the palace, my lady."

"What is it?" Bigla akong kinabahan nang marinig ang salitang palasyo. What is it this time.

"Personal na nagpadala ng invitation sayo ang empress para sa gaganaping imperial ball my lady!" Tumuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa buntis ako o madali lang talaga akong mapagod. Damn this pregnancy thing. It's annoying. If this pregnancy is also unwanted by Artisea then why should I still keep this when I already had the chance to skip this responsibility called motherhood. Darn. I'll just wait for two days then that's it.

"Replying means going, then don't reply."

"But my lady it's the empress..."

"Para saan ang ball na yan?"

"For the coming of age ceremony and finding a suitable crown princess na mapapangasawa ng crown prince."

"Sigurado ka na ang Empress ang nagpadala niyan? Paano ako masasali sa coming of age ceremony na yan kung hindi naman ako mag dedebut, im pregnant,pregnant! Dont reply! No, just reply and refuse politely."

For what reason that the Empress invite me. Is it just for formality? Well maybe, all people knew na sasama ang loob ni Artisea Montgomery kapag hindi nakatanggap ng invitation sa alinmang klase ng party ball man yan or normal banquet lang.

Bumuntong hininga ako. My hormones goes up and down recently.

"Nagbago na ang isip ko."

"You're going my lady?!" Excited na tanong ni Heidi.

"No. Ako ang magsusulat ng reply. I will let the empress know that being five months pregnant is getting harder for me dahil sensitive ang pagdadalang tao ko."

"But your still one month though..."

"Shut it, Heidi."

Pagpasok ko sa silid ay dumirekta ako sa mini library na nakakabit sa silid ko na pwede na ding nagsilbing office sa laki. This is my first time writing with this type of pen. What is this parang panulat ni Jose Rizal. Nasaan ang gamo gamo sa lampara ko?

"My lady, don't you think it's better to go to the ball? Baka sakaling makita mo ang lalaking hinahanap mo." Biglang sumulpot si Laurentia so the tip of my pen pause into the mid air.

Kaya ayaw kong nagsasalita si Laurentia. Lahat ng sinasabi niya may sense palagi. Tsk.

Pero senseless.

"The empress might know that I already am five months pregnant. What should I do with that?~ I'm worried."

"Then tell me about it, ayaw mo lang talagang makita ang crown prince, am I right my lady?" Nabura ang ngiti ko sa sinabi niya dahil sapul ako sa muka.

"It's not that I can wear a disguise or something..." Nakatitigan lang kami ni  Laurentia. I know what she's thinking, it must be the power of pregnancy!

"Kailan ulit ang ball na iyan Heidi?"tanong ni Laurentia.

"3 days from now."

"Agad agad?" Bulalas ko.

"This happens every year in the same date, kaya hindi na bago iyon sa mga attendees, my lady. One month palang ay handa na ang mga aattend sa emperial ball. Wah... It must be fun to dance with someone." She dreamily said.

"Youth is good." Laurentia commented. I just nodded.

"You want to attend with me?"tanong ko kay Heidi.

"Are you serious now my Lady?!" She gasped in awe. Tumango lang ako. Hindi ko naman inasahan na bigla palang siyang maluluha at aatungal sa harapan namin.

"Wahh! Thank you my lady pero wala po akong damit na maisusuot. Lahat ng ipon ko ay naipadala ko na sa pamilya ko huhu!"

Napangiwi nalang ako at hinarap ang invitation letter sa mesa ko.

"Si Laurentia na ang bahala sayo Heidi." Ani ko. Laurentia just nodded.

Pagkatapos kong magreply ay agad na pinasuyo ko na iyon kay Heidi para maipadala pabalik sa emperial palace.

Humilata na ako sa malambot na kama. It's nice to have a soft bed like this. Pwede na akong mahimlay dito ng panghabang buhay. Chariz. Baka naman lumpuhin ako ni lord.

"My lady, It's been a week since you last visited the Marquess."

"Why, is there something wrong?"

"No. My apologies. Sanay lang ako na binibisita mo kada tatlong araw ang Marquess Edwayne."

"Nagtataka din ako kung bakit ko ginagawa yun? Is the marquess dying? No? Then there's no need for a scheduled visitations like that. The Marquess don't even appreciate my effort back then."

Ever since Artisea was a child, ginagawa niya lahat ng paraan para mapansin ng ama pero bulag ata ang marquess kahit nakasalamin naman na siya, at hindi niya makita ang kahit simpleng effort ni Artisea.

They shaped Artisea like this so why are they throwing their bullets at her?
It's their fault. Poor Artisea pero hindi ibig sabihin na may daddy issue ka na ay hahanapin mo iyon sa ibang lalaki!

Gaga na to, nadisgrasya ka pa tuloy kaka party mo dyan. Ngayon na buntis ka sa iba mo naman binigay ang responsibilidad, at sa akin pa talaga?! Mukang naubusan ka na talaga ng swerte dear.





BABY AND A WEDDING![Completed]Where stories live. Discover now