I looked around the house. Most of the appliances were new including the piano on the side near the spiral stairs. Hinayon ng tingin ko ang mga picture frames na nasa ibabaw niyon. It wasn't a grand piano kaya hindi malapad ang ibabaw but enough to squeeze in some of probably the best photos that this family had.

I walked near the piano to check the photos because I saw Jannah in one of them. When I was about a few walks away ay kumunot ang noo ko. A familiar face appeared clearly beside Jannah. Like my sister who was wearing a yellow shirt, the woman wore pink. Her hair had always been short and her pretty face had always been bewildered looking.

Bumalik si tita dala ang malinis at tuyong pyrex. Iniabot niya iyon sa akin. "Thank you," she said smiling.

Sinamantala ko ang pagkakataon para magtanong. "Tita, kilala mo ba itong katabi ni Jannah?"

Mabilis ang sagot niya. "Oo naman, pamangkin ko iyan. Nasa US five years na."

Biglang kumabog ang dibdib ko. "K-kailan itong picture?"

"Matagal na iyan, college pa sila ni Jannah. Ang alam ko sa bahay n'yo 'yang picture na 'yan, eh."

Natigilan ako. Something hit me in the gut that's telling me I couldn't just let this go. "May bago po ba kayong picture niya?"

Sumilip siya sa likod ng mga picture frames at itinaas ang isang solo picture ng isang babaing naka white inner lace camisole and a black trench coat. She also had a boots for a total package. She was still slim and a little taller, I think, o baka sa picture lang. I always like her this petite. "Few months ago. You know her?" And then tinampal niya ang braso ko. "Of course you know her, classmate niya si Jannah noong college at ang unang picture na nakita mo ay bago ang graduation nila."

Hindi ko na lang dinagdagan iyon. I looked at the pyrex container that I was carrying. "I better get going, tita. Baka ma late ako sa trabaho."

Hinalikan niya ako sa pisngi. "Maraming salamat, tatawagan ko ang mommy mo."

Tumango lang ako at wala sa loob na lumabas ng bahay. 

Pagdating ko sa kotse ay tinawagan ko agad si Jannah. Tulad ko ay may inuuwian din siyang condominium unit malapit sa opisina niya. Tulad ko ay umuuwi din siya sa bahay ng parents namin kapag weekend. Kaya lang ay umuwi na siya kagabi. Nagpahatid siya sa driver nina mommy which I didn't like doing because I always want to drive my own car.

Sumagot siya pagkatapos ng limang ring. I almost gave up and thought of calling her again later. "Naks! Tumawag ang guwapo kong kapatid. Bayad na ako sa utang ko, ah! Sisingilin mo ba ako ulit?"

I chuckled. Of course wala siyang utang sa akin. But it wasn't me to call her under most life circumstances, kahit pa emergency. "May itatanong lang ako. Remember 'yong classmate mo noong  college na dinadala mo sa bahay?"

"Sino do'n? Marami sila. Sa sarap magluto ni mommy, kapag may group project sa school, 'matic na nasa bahay kami kung nandito sila sa Pilipinas."

Hmn, paano ko ba ide-describe nang hindi ito maghihinala? "'Yong maiksi ang buhok na maputi. Slim, pero boobsy." Kailangan ko talaga sabihin iyong last part to emphasize a point. Hindi ko na sasabihing maganda.

Mabuti na lang at parang hindi niya masyadong natutukan. "Natatandaan mo ba kung anong year ako niyan? Kasi madami akong kaibigan na may ganyang description."

Slim na boobsy? Nah, nag-iisa iyon as far as I know. "Last year ng college."

"Okay, I got only one. Maganda?"

"Yeah," I tried to make that sound unaffected.

But she teased. "Sabi ko na nga ba, eh. Babae. 'Yan talaga ang dahilan kaya ka tumawag."

LOVE STRUCK (COMPLETED)Where stories live. Discover now