Diary Entry #32 - Pag-ibig

20 5 0
                                    

Dear Diary kong mukhang tipaklong, wala eh mainit ulo ko, damay ka:

Today is the day after yesterday.

Grabeng init ng ulo ko, diary. Sumasabay sa init ng panahon, nakakaloka.

Pa'no itong si Adryan, hinatid ako tapos nakita siya ni mama. Eventually pinapasok siya ni mama para raw makilala si Adryan, oh 'di ba nakakaloka.

"Iho, pasok ka! Dito ka na kumain," sabi ni mama kay Adryan.

Itong gagang Adryan na ito, tumingin sa akin at nginisihan naman ako na parang nang-aasar. Sapakin ko 'to eh.

Pagkapasok sa bahay, aba, ang gaga, feel at home, nagtanggal ng sapatos, dare daretso ang pasok hanggang sofa at nagdekwatro pang umupo sa may sofa. Nakakaloka!

Tinaasan ko siya ng kilay at pwersahang tinulak ang paa niyang nakadekwarto kaya ang gaga, na out of balance naman at biglang tumumba sa sahig. Wow ha, ang oa ha, excuse me ha, napakalight lang ng pagtulak ko, ang oa masyado.

Nakita naman iyon ni mama at agad akong pinagalitan, bastos daw ako sa bisita. Wow, bisita pala 'yarn, parang otok nga. Hindi ko ituturing na bisita kung gan'yan makaasta. Grabe, mas mukha pa siyang anak ni mama kaysa sa akin, lalayas na lang ako kung gano'n.

Inabutan ni mama si Adryan ng isang basong tubig at saka kinamusta.

"Okay lang po ako, mama-este tita po pala hehe," sabi niya ng mahiya hiya.

Ako naman itong nawindang sa sinabi niya, maka-mama wow? Nanay mo ba 'yan beh, nanay ko 'yan ha 'wag feelingera. Tska wow ulit, nakakailang wow na ako diary, pakibilang na lang, achievement din 'to, dahil nakakagulat talaga ang kakakapalan ng mukha ng gagang Adryan na 'to. Nahiya kapal ng mga libro ko sa kakapalan ng mukha niya grabe. May pahiya hiya pa siyang nalalaman, ang pabebe niya makipag-usap kay mama na parang mas babae pa kung grabe magpabebe.

Umalis na si mama at nasa kusina naman siya para mag-prepare ng dinner. Dito na raw siya mag-dinner sabi ni mama. Wala naman akong palag dahil isang hamak na anak lang naman ako, mas anak pa niya ang bwisita na ito eh.

"Grabe, nahiya talaga ako sa kakapalan ng mukha mo, 'no?" bulong ko sa kan'ya.

Bigla naman siyang humalakhak kaya napalayo akong konti sa kan'ya, nababaliw na ba talaga 'to? Konti na lang tatawag na ako ng mental.

"Kinginang bulong 'yan, Penelope, maski mga lamok sa bahay niyo maririnig na, bulong mo bulong ka pa, tapos 'yung hininga mo naman mas malakas pa sa hanging habagat? HAHAHAHAHAHAHA!" sabay halakhak ulit.

Tiningnan ko muna kung nakatingin si mama at bigla kong kinurot ang hita ng lalaking ito kaya napatigil agad siya sa kakatawa ay ininda ang sakit.

"Ang sadista mo talaga!" bulyaw niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng masama at aakmang sapakin siya pero hindi ko rin baka mamaya makita na naman ng nanay ko at ako na naman pagalitan. Nakakainis talaga 'tong lalaking ito kahit kailan.

Maya maya binuksan niya ang tv. Nakaupo lang siya ng maayos as usual. Parang bata amp, nananonood siya ng shrek.

Ang seryoso niya nanonood, talagang nanonood siya, tapos siya pinapanood ko namang manood.

Hanggang sa napalingon siya sa akin, nagkatitigan kaming dalawa.

Maya maya, hinila niya ako papalapit sa kan'ya. Nagpupumiglas pa ako pero ang pabebe ko naman sa part na iyon diary. Sino ba naman ako para magpabebe diba.

Nakahawak lang siya sa bewang ko. Tapos nilagyan niya rin ng unan iyong hita ko, may unan din sa kan'ya.

Tapos nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya habang nanonood.

LOVELIFE? MAKAKAIN KO BA 'YAN? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon