08 Chocolate

0 0 0
                                    

Monday came so fast. The same routine happened at school. Abala na yung iba sa pagsusulat ng lyrics para sa performance sa last day ng buwan. Yung iba naman tamang chill lang.

"Tulala ka na naman," Kat waved her hand on my face.

Mabilis akong humarap sa kanya na ipinagtaka niya.

"May plano na kayo para sa performance?"

Umiling lang si Kat. "May idea na 'ko pero hindi pa kami nakakapag-usap ni Emman."

Tumango ako. Inaasahan ko na 'yon dahil matalino talaga si Kat at mahusay mag-isip ng konsepto. Pero para sa'kin, hindi lang dapat basta konsepto yung kailangan kaya kami natatagalang gumawa ng lyrics.

"Kayo?"

Iling lang din ang sinagot ko sa kaniya.

Nang magbreak time, hindi na 'ko sumama sa kanila papuntang canteen. Mas gusto kong pag-isipan kung anong magandang konsepto ng kakantahin namin ni Migo.

Migo...

Naaalala ko pa rin yung nangyari kagabi pero pilit ko yung winawaglit sa isip ko. Hindi ko rin alam kung tama yung pagkakaunawa ko sa sinabi niya.

Nung makalabas na lahat ng kaklase namin, nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga.

"Are you here to think about the song?"

Napaigtad ako nang marinig yung boses ni Migo. Nilingon ko siya at nakita ko na naman yung blangkong mukha niya. So he's back with that expression huh?

Tumango ako sa kaniya saka muling bumuntong-hininga. "Wala pa akong naiisip. Ikaw ba?"

He shook his head and I can't help but feel down. Kung ganitong wala kaming idea kung paano magsisimula, paano kami makakagawa?

"Pwede kang dumaan mamaya sa bahay?"

Tumaas yung kilay niya sa tanong ko. "Why?"

I sighed. "Ma-ba-bother lang ako kapag hindi pa rin ako makakapiga ng idea hanggang ngayon."

"Then don't rush."

"But we only have three weeks. Lalapatan pa natin yun ng tono saka aaralin. May practices din kayo sa band. Besides, sigurado akong magtatambak na naman ang teachers ng mga projects."

Blangko lang yung tingin niya sa'kin kaya dinugtungan ko na bago pa siya mag-isip ng kung ano.

"Hindi ko naman minamadali. I just don't want to cram. Mas maganda kasing masimulan nang maaga para may panahon pa tayo for adjustments. I'm not saying that we need to finish it today. Kahit idea lang or concept."

Matagal siyang tumitig sa'kin saka siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. 

"Fine. Dadaan ako sa inyo mamaya. Calm down for now," he ruffled my hair.

Nginitian ko lang siya at akmang tatalikuran na nang magsalita ulit siya.

"Aren't you going to eat?"

"No."

I saw him roll his eyes before taking out something from his bag. He handed me a sandwich.

"Hindi ka mabubusog sa pagtingin diyan."

"This is your snack. You should be the one eating this, right?"

"Just eat it."

I stared at him for a while before looking at the sandwich. Nakaramdam ako ng gutom sa kakatingin dun kaya wala akong nagawa kundi tanggapin nalang yun. Hinati ko yun sa dalawa saka inabot sa kaniya yung kalahati.

Caught By Your VoiceWhere stories live. Discover now