[ 009 ]

239 32 21
                                    

[ 009 ]

gale

3:34 pm

sophia
thank you ulit gale :((
magpapatulong na lang ako kay mama na labhan yung jacket mo
sorry namantsahan pa :<

gale
oks lang yun
ako din naman nagstart na sa period ko last year kaya alam ko din ung feeling

sophia
nakakagulat pala to
kahit sinabihan naman na ko ni mama dati
pero medyo nakakatakot pa din yung dugo

gale
masasanay ka din
basta lagi kang magpapalit ng napkin
madami naman na yung nabili natin kanina kaya sapat na yun sa ngayon

sophia
okay okay
yung laging may wings yung bibilhin?

gale
oo para hindi magusot kapag naglalakad
mas secure din

sophia
sige thank youu 😢

gale
masakit ba tyan mo?
lagay ka ng hot compress
uminom ka din ng tsaa

sophia
hindi naman ganun kahapdi ngayon
kanina lang

gale
oki good
sabihin mo na lang din sakin kung may tanong ka pa para makatulong ako

sophia
will do!! hehe
kaso pano yan
di ba sabi mo pwede maglast ng 3 days to one week yung period
mahihirapan ako makilangoy sa ilog neto :<

gale
ay oo nga
depende naman yun sa lakas nung flow
malakas ba?

sophia
medyo :(

gale
ayun lang
mas komportable kung hindi ka muna magsswim

sophia
hay okay
next time na lang

gale
sige
sumama ka pa din para may tigabili kami ng chichirya

sophia
wow ha

gale
hahahahaha joke

sophia
pero sasama nga 'ko kasi mamimitas pa kong bulaklak hehe

gale
ahh oo nga pala
ayan may gagawin ka na pagpunta natin
dala ka din ng libro para hindi ka mabore

sophia
oo matic na yan haha
ikaw, ayaw mo talaga magbasa?
nakakakilig kaya :<

gale
hindi ako mahilig
tsaka na ko magbabasa pag matanda na ko no

sophia
so matanda na ko 🤨

gale
oo matanda ka na nasa katawan ng bata 🤣

sophia
😠😠😠

gale
😆😆😆

Picnics by the RiverWhere stories live. Discover now