[ 008 ]

278 37 31
                                    

[ 008 ]

🌱 @sophiaflowers
baking today! 🍞

🌱 @sophiaflowers
favorite part: watching the dough rise 😄
| 🍄 @galeofgale replied:
pwede pumunta sa inyo?
| replying to @galeofgale:
pwede!! paalam din ako

🤖 @superichard
sama ako 😔
| 🌱 @sophiaflowers replied:
five days na lang!! kaya mo yan chard 💪

🤖 @superichard
😤

———

triplets

8:23 am

gale
game? pag pwede na si chard, swimming ulit tayo sa may ilog?

sophia
yes!!
ang dami na din bulaklak sa malapit nun
pipitas akong ilan tapos papatuyuin ko ulit

gale
ahh gaya nung ginagawa mo dati?

sophia
oo
ang cute ng ganun 🥺

chard
helloo
ang sarap ng almusal namin
champorado!!
tapos madaming gatas
nilutuan ako ni mama 😖

chard
love ko na din siya

sophia
hahaha ang cute
love ka naman talaga ni tita, chard
strict nga lang siya sayo minsan

chard
sana masarap din ulam mamaya
bati na kami pag fried chicken niluto niya

gale
aysus hahaha
pano pag monggo ulit ulam nyo?

chard
😠

gale
😆

sophia
hahaha matuto ka din kumain ng gulay
ayaw ko din dati pero masarap siya
lalo kapag tama yung pagkakaluto

chard
ayaw pa din

sophia
kulit haha
kamusta naman yung props natin
nagamit ba ni gagamboy?

chard
anong gagamboy!!
si spider-boy yun!
nagamit niya, lalo yung parang eskinita na dinrawing mo
dun siya nagpapalit ng costume kapag may magnanakaw na siyang huhulihin

gale
umiikot na naman ulo ko
may gagawin kayo mamaya?
nakakaburyo dito sa bahay

sophia
sa totoong eskinita ka na makakalaro sa susunod chard haha
wala naman yata kaming gagawin maliban sa pagbake

gale
gusto ko pumuntang bayan
bili tayong school supplies
kulang naman kasi yung mga binili ni mama
nakalimutan niya yung illustration board

chard
sama 😔

gale
next time ka chard
gala ulit tayo dun pag pwede ka na

chard
yey 🥺

gale
samahan mo ko sophi ah?

sophia
sigee
wait lang tinatawag na ko ni mama

chard
ako din tinawag
bakit kaya parang konektado mga nanay

gale
ano? 😆 kulit mo hahaha
sabihan na lang kita sophi pag aalis na tayo
makatulog na nga lang dito

Picnics by the RiverWhere stories live. Discover now