Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ko, napaatras ako nang bahagya dahil sa gulat. Napakapit pa ako sa dibdib ko. Babawasan ko na talaga ang pagkakape ko, 'alangya.

"Surprise! Happy Birthday, Buweyb!"

Binitawan niya 'yong paper bag niyang dala sa sahig bago lumingkis sa akin at nagpakarga. Kinarga ko naman (nakaikot ang mga binti niya sa may baywang ko) kahit wala pa akong lakas dahil gutom na gutom na talaga ako.

Pinapak niya pa ang buong mukha ko ng mga halik. May laway pa nga akong naramdaman sa ibang parte ng pisngi ko.

Binola pa nga niya ako kasi ang guwapo at bango ko raw no'n. Eh 'di sinagot ko, "Partida, katatae ko lang nito."

Nasabunutan pa nga pero nabawi naman agad ng paghalik niya sa labi ko.

Todo sorry nga siya kasi hindi raw kasama ang Mama niya dahil nga hindi pa niya ako makuwento-kuwento roon. Humahanap pa raw siya ng tiyempo.

Ayos lang naman. Hindi pa naman ako nagtatampo kaya sige lang ako nang sige.

Umupo muna ako sa couch na mahaba sa labas lang ng kuwarto ko kasi nanghihina na mga tuhod ko no'n, pramis.

Parang nahihilo na nga ako nang kaunti kasi nga wala pa akong matinong kain.

Umalis si Adria mula sa pagkakaupo sa ibabaw ko dahil baka maabutan daw kami ng nanay ko sa ganoong puwestuhan.

Tumakbo rin siya para kuhanin ang paper bag na kulay red na naiwan niya roon sa tapat ng kuwarto ko.

Nakanguso pa nga siya pagbalik sa puwesto ko. Nahihiya yata sa iniregalo niya sa akin.

Ngiting-ngiti naman ako pagkuha no'n tapos nagpasalamat ako. Sinabi ko pa ngang hindi na niya kailangan akong regaluhan kasi sapat na ang presensya niya.

Ang cheesy, men. Pero totoo iyon. Hindi labas sa ilong.

Ang dami ko raw kasing iniregalo sa kaniya no'ng Bortdi naman niya saka sinurpresa ko talaga siya sa isang restawran sa Tagaytay kaya gusto raw niyang bumawi sa akin.

Sagot ko naman, "Sex lang sapat na."

Eh 'di natampal ako sa mukha. Nilamog pa ang mga braso ko.

Ako kasi 'yong tipong hindi naghahangad ng kahit ano sa gerlpren niya. Mayroon siguro akong mga gustong mangyari pero hangga't hindi naman a matter of life and death, sa isipan ko na lang muna iyon.

Hindi ko siya pine-pressure sa kahit anong bagay. Iyon ang pinakahuling bagay na gusto kong iparamdam sa kaniya.

Hindi naman niya kailangang pantayan ang mga ipinararamdam at ibinibigay ko sa kaniya, eh.

Isip-isip ko no'n, basta happy kid siya, okay na ako roon.

Wala akong pake sa give and take na sinasabi ng mga tao palagi. Hindi masyadong applicable sa akin iyon.

Sa maniwala kayo o hindi, masaya talaga ako sa batang iyon. May mga maliliit siyang paraan para mapangiti ako at para maging kuntento ako.

Effortless, mga tsong.

Makasama ko nga lang siya sa Bertdey celebration ko, ayos na ayos na. Lalo na no'ng napagmasdan ko ang suot niyang damit no'n.

Pink dress iyon na hanggang siko ang haba ng manggas. Above the knee rin pero hindi gaanong maikli. Sakto lang. Mukhang konserbatibo.

Pagtalikod niya sa akin, utang na labas, ang lalim no'n. Kitang-kita ko ang maputi at makinis niyang likod.

Medyo nagdalawang isip ako kung bababa na ba kami o mag-quickie muna kami sa kuwarto ko pero siyempre, hindi ko ginawa.

Kalmado (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now