69

262 13 0
                                    

LILY

Malakas kong pinaghahampas ng unan si Caleb habang paulit ulit siyang hinahampas ng unan sa hospital.

"Tang ina ka!Gago ka!"paulit ko siyang minura at sigurado ako na minus one thousand na ako nito sa langit.

Pareho kami ni Amethyst na sobra ang pag-aalala sa kanya na kulang nalang ay himatayin kami at paliparin ang kotse makarating lang dito sa hospital kung nasaan siya tapos pagdating namin ay madadatnan lang namin siyang nakahiga sa hospital bed, ngiting ngiti habang may malaking tarpaulin na nakadikit sa pader na may sulat na it's a prank, sorry na.

Halos katayin ko siya dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko,kung wala lang siyang benda sa ulo ay talagang inuntog ko na siya sa pader.

"Tang ina ka!!" mura ko ulit habang hinahampas hampas siya ng unan.

"Ouch! My head hurts you know!" depensa niya at hinaharang ang kaliwa niyang braso na hindi injured.

"Akala ko pa naman mamamatay ka na! Handa na sana ako para ipa-cremate ka!" sigaw ko at hinampas hampas ulit siya ng unan habang pinipigilan ang mga hikbi ko.

"I'm sorry okey! Naaksidente naman talaga ako eh—aw!"hinampas ko ulit siya,"ayaw mo naman kasi akong kausapin,"huminto muna ako sa paghampas sa kanya,"kaya ito nalang ang naisip kong paraan,alam ko namang mag-aalala ka at pupuntahan mo kaagad ako"proud niyang sabi at nagtaas noo pa.

"Gago ka talaga!"sigaw ko at hinampas ulit siya,"tignan mo ang nangyari kay Amethyst dahil sa kalokohan mo!"sigaw ko sa kanya at tinuro si Amethyst na nakahiga  sa kabilang hospital bed dahil nahimatay siya ng makitang okey lang naman pala si Caleb at pinaglololoko niya lang kami.

"It's not my fault! Hindi ko naman akalain na hindi niya pala nabasa ang text ko bago niya sagutin ang tawag, I texted her about the plan,pero hindi niya pala nabasa"pagpapaliwanag niya at tinignan si Amethyst na nakahiga.

"Bwesit ka talaga!"hinampas ko siya ng malakas bago tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad palabas.

"Uy sorry na!"hindi ko siya nilingon, "where are you going?!"sigaw niya.

"Magpapalipas ng galit!"sigaw ko ng hindi siya nililingon at malakas na isinara ang pintuan ng operating room.

Napansin ko ang pagsulyap sulyap sa'kin ng mga nurse at lalo na ang babaeng nasa front desk an nagsabi sa'kin kung nasaan si Caleb,at panay pa ang tilian nila habang nagbubulong bulungan.

Kasabwat.

Nang magtama ang mga mata namin, sinamaan ko sila ng tingin at mas hamalakhak pa ang mga tang-ina.

Bwesit!

"Caleb Villa Valdez" dinig kong boses na nagtanong,kaagad naman akong lumingon at sila Dave pala 'yun kasama ang mga gago niyang kaibigan.

Tinuro naman kaagad ng babaeng nurse ang kwarto kung nasaan si Caleb,tumango naman si Dave at nagsimula ng maglakad.

Nang makita niya ako na nakaupo sa labas ng operating room,kaagad naman silang tatlo na tumakbo palapit sa'kin.

"Hey babe,what happened?"tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Ang gagong yun!"inis na sabi ko at kaagad na yumakap sa kanya saka pinakawalan ang mga luha sa mata ko.

Akala ko talaga mamamatay na siya bwesit siya!gago!tang ina!

"Hey..I'm here,is he okey?"tanong niya habang hinihimas ang buhok ko.

"Ayun!buhay na buhay ang tang ina!" sigaw ko habang nakabaon parin sa dibdib niya ang mukh ko,"gago siya!" mura ko ulit.

"Asan ba kasi siya?"tanong ni Brian.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Where stories live. Discover now