“Number one fan niyo po ako! Ang galing galing niyo pong author!”
“Kayo na po talaga miss author! The best po kayo!”
“bitiiiiiiiiiin! Update na po author!!!!”
Ilan lang yan sa karaniwang minemessage natin sa mga idol nating authors which is true naman diba? Tayong mga readers ay malawak ang puso, bukas ang isip at malaki ang pang unawa. Kinakapos man ng budget (pang computer, pangload sa cp para makapagnet, makabili ng books, makapunta sa mga book signing events) minsan ay todo sikap tayo maabot lang natin ang tagumpay.
Isang malaking opportunity sa ating mga readers ang makasama sa mga book signing events. Dahil nandun ang mga idol, master, at favorite nating mga author.. Yung tipong kahit maglakad ka na lang pauwi at kahit palayasin ka na lang ng nanay mo dahil umalis ka ay…. Go na go ka pa rin.. kasi sila yan ehh! Sila yan.. AT mahalaga sila sa atin kasi idol natin sila..
Yung time na tipong short na short na talaga tayo pero dahil wais tayo ay gagawa tayo ng paraan para matupad natin ang mga sinabi natin sa mga authors na idol natin. Like for example ay maghahabol ng votes, magcocomment every chapter at status lagi ang story niya sa wall natin! Yung time na may nangbabash sa kanya ng masasamang words ay andito tayo para ipagtanggol sila!
Lalo na ang makabili ng libro nila.. dahil alam nating galing iyon sa dugo’t pawis nila. Andyan yung ipaplastic cover pa natin yung mga books nila, yung kulang na lang gawin nating academics yung book nila dahil iyon ang lagi nating binabasa. Kasi nga… sila yun.. at mahal na mahal natin sila!
Masaya tayong mabasa ang mga stories nila.. Na buo na ang araw natin kahit isang chapter lang yung update nila.. Na kahit tadtad na tayo ng sermon mula sa mga magulang natin dahil maghapon na tayong nakakababad sa mga cellphone/tablet at computer/laptop natin ay OKEY lang kasi masyado tayong masaya sa nabasa nating story ng favorite authors natin..
Minsan pa, pag nagreply satin ang mga authors natin na minessage natin ay..GRABEEEE! Para tayong binigyan ng ticket para magbakasyon sa ibang bansa.. Sobrang overwhelming! Yung tipong kahit supeeeeer busy sila at supeeeer dami ng mga fans nila ay nareplayan nila tayo.. AT para satin.. Isa yung achievement.. Na pwede na nating iprint at iframe!
Minsan naman, may mga readers na mahilig magdemand ng updates.. Siguro sila yung mga readers na hindi na ata makakatulog at makakatae kapag hindi nalaman yung susunod na mangyayari. Hmmm. Kung tunay kang reader, dapat meron ka nito..
PATIENCE and RESPECT!
At syempre mawawala ba naman ang…
LIMITATIONS!
Kung totoo kang reader, dapat alam mo din kung hanggang san ka lang.. At alam mo na yun, hindi ko na kailangan pang i-elaborate.. Reader ka eh, kaya naiintindihan mo ako.. Kailangan alam mo ang limitations mo sa lahat ng aspeto.. Dapat wag ang pagiging reader ang makasira sa kinabukasan mo, bagkus ito pa dapat ang stepping stone mo sa success, right???
At eto pa..
Minsan naman tuwang tuwang tuwa talaga tayo kapag namention or nasama tayo sa dedication ng isang author na talagang sinusubaybayan natin! Yung feeling? Cannot be determine!!!!!
Ang sarap sa feeling, yung tipong pwede ka ng mangisay kasi napansin ka din ng favorite mong author! Hindi naman kami naghahanap ng popularity sa mga dedications or nagpapainggit. Kaya kami todo thank you sa mga authors na nagdedicate samin ng isang chapter ay …
At last!!! Napansin nila kami!!!! Nalaman nila ang existence namin! MAHALAGA kami para sa kanila! Iyon yun! At napakalaking kagalakan para saming mga readers yun..
Minsan pa dahil sa sobrang pagka obsess natin sa mga authors na to ay ….
Ini-stalk pa natin ang kanilang facebook, twitter at kung ano ano pang accounts. Andyan yung mangugulit tayo para lang malaman ang mga personal life nila. Andyan din yung, pwede tayong maging bestfriend, kapatid, boyfriend, girlfriend, close friend, nanay, tatay, lola, lolo, tito, tita, pet XD, at kung ano ano pa para sa kanila.
Suma tutal,
Ang mga readers, masarap mahalin!
Bakit ? kasi kahit balimbing kami..
Follow dito, follow doon..
Comment dito, comment doon..
Vote dito, vote doon…
Ay may isa kaming salita..
Pag sinabi naming The best kang author! The best ka! Kahit lahat pa ng author ay sabihin naming the best sila ay TOTOO yun.. Wala na kasi kaming maisip pa na ibang word maliban sa the best dahil the best naman talaga sila!
KASI ‘BEST’ is an understatement para sa works ng mga author na loves na loves namin!
Ang mga reader….
Nasasaktan din kami…
Kasi minsan, may mga authors na hindi namamansin.. Pero kahit ganun……… Yung sakit na yun, napapalitan ng saya sa pamamagitan ng mga nakakakilig na scenes, nakakatawang tagpo at mga nakakapagbagbagdamdamin na mga situations.. Kaya kwitsh lang!
Ang mga readers…
Nangangarap din kami..
Nangangarap din kaming maging kagaya ng mga pinapangarap naming mga authors.. Nangangarap din kaming maging kasing galing nila. Nangangarap din kaming maging sikat, not by physical but by the heart.. maging sikat sa pagiging humble, kind, and prideless... Dahil tulad namin, nagsimula din sila sa pagging reader.
@inevitablecliche
#A good reader, is a good follower. And a good follower becomes a better writer :)
First view, Third view, Point of view.
Start from the beginning
