Chapter Forty-Eight

Start from the beginning
                                    

Tinapik-tapik niya ito sa balikat. "You may take your seat now, Neil." Bumaling siya kay Cindy. "Ikaw din. Next time, be more attentive."

"I'm really sorry, Sir..." nakayukong sabi ni Cindy at saka bumalik sa puwesto nito. Ganoon rin ang ginawa ni Neil na halatang mukhang nag-aalala para sa girlfriend nito. Bahagya namang napakunot ng noo si Johann dahil sa pagkakatanda niya ay masiyahin at palangiti lagi ang dalaga.

Ngayon niya lang nakitang ganoon ito na matamlay at tulala. Ngunit nagkibit-balikat na lang siya. Baka may personal na problema lang ang dalaga. "Who wants to answer number five?" sabi na lang niya sa klase. May nag-prisinta naman kaya agad niya iyong tinawag.

Pagkatapos i-derive ang huling function na sinulat niya sa blackbooard ay pinapaliwanag niya sa mga sumagot ang ginawang pag-solve ng mga ito. Hawak niya ang class records at saka binibigyan ng marka ang mga estudyante. Pinapasa niya rin ang mga sumagot sa papel ng binigay niyang ibang function. Siyempre, iba ang grade niyon sa mga sumagot at nagpaliwang sa harap.

Pagkatapos ng lahat ng iyon ay saktong natapos na rin ang oras ng klase. "Class, huwag niyong kalimutang may quiz tayo next meeting. About product and quotient rule. Baka magsama na rin ako ng chain rule. So that we can move on to our next topic," bilin niya sa mga ito na nag-aayos na ng mga gamit.

"Yes, Sir!"

"Kitakits!" pa-cool na paalam niya sa mga ito bago siya naunang lumabas ng classroom dala ang libro at class record niya.

Pagdating niya ng faculty room ay binaba niya ang mga gamit sa desk at saka humarap sa computer. After an hour and a half pa ang next class niya kaya naman gagawa muna siya ng ibang trabaho-mga reports na iniwan ni Sir August at sa kanya pinapatapos dahil siya lang naman ang may maluwag-luwag na schedule kung ikukumpara sa ibang propesor na kasama niya.

Pagbukas niya ng computer ay agad na bumunga ang desktop wallpaper niya. Napangiti siya dahil picture iyon ni Sapphire habang buhat-buhat si Isaiah. Agad niyang na-miss ang mag-ina nya kahit tatlong oras pa lang naman nang huli niyang makita ang mga ito bago siya pumasok sa trabaho.

Sa paglipas ng mga araw ay natutunan na rin ni Sapphire kung paano alagaan ang anak nila. Hindi na nakiki-"duet" pa ang misis niya kapag biglang umiiyak si Isaiah. Sabi na nga ba at talagang mag-i-improve si Sapphire kung gugustuhin lang nito. Panatag na siyang naiiwan ang dalawa dahil stable na rin naman si Sapphire at hindi na ito emosyonal katulad ng mga nakaraang araw.

Iyon lang ay bumalik na ang pagkamaldita nito kaya minsan nara-ratratan na naman siya ng Ingles kapag hinihiritan niya ng "jokes" niya.

Ganado at nakangiting gumawa ng reports si Johann, kahit noong una ay tamad na tamad siyang ituloy ang basta na lang na iniwang trabaho ni Sir August. Wala, eh. Inspirado na siya dahil lang sa misis at anak niyang wallpaper niya.

Pagkatapos niya roon ay pumasok na siya sa susunod na klase. Habang papunta sa classroom ay nakasalubong niya si Sir Darwin na mabagsik ang anyo at mukhang mananakmal kahit anong oras.

Hindi niya tuloy alam kung babatiin ba ito o hindi. Baka bigla siyang kainin!

Bigla itong bumaling sa kanya. "What's your next class?" biglang tanong rin nito.

"Ah, Advance Algebra po sa room-"

"After that, wala ka na bang klase?" putol nito agad sa sinasabi niya.

"Yes, Sir. Uuwi na po ako pagkatapos," magalang niyang sabi. "Gusto niyo pong sumama sa bahay? May ihahanda po yatang merienda si Sapphire."

Pagkabanggit ng pangalan ng misis niya ay naging malambot na ang ekspresyon ng mukha nito. Ah! Pangalan lang pala ang misis niya ang magpapakalma sa tatay-tatayan nito. Napabuntong-hininga si Sir Darwin. "Can you stay? May mga reports na kailangang tapusin. Ipapasa bukas sa dean." Napahilot ito sa sentido. "Napakaraming iniwang trabaho ni Augustine," he whispered, stressed.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now