Chapter 3

34 0 0
                                    



HE WAS standing in front of an old grand portrait inside his chamber, staring at it and admiring the most beautiful woman he had ever met in his immortal life. Nakasanayan na niya ang pagmasdan ang antigong larawang iyon sa araw–araw na nabubuhay siya sa mundo. It's been a hundred years pero kailan man ay hindi malilimutan ni Alucard ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya.

He closed his eyes na tila sinasariwa sa kamalayan ang masasayang alaala ng babae, mula nang makilala niya ito hangang sa mga panahong inibig din siya nito. The smile escaped from the corner of his lips as he remembered how happy and contented he was when he was with her. Buong puso siyang tinanggap ni Ashly sa kabila ng katotohanang isa siyang nakakakilabot na nilalang. Hindi naging hadlang ang pagiging bampira niya para hindi siya nito mahalin.

But everything changed when he left to attend the emergency meeting with the royal vampires. Pagbalik niya ay wala na sa palasyo ang babaeng pinakamamahal niya. She left nothing, but his heart broken. And when he found her ay iba na ito sa dating babaeng minahal niya. At nang pumanaw si Ashly ay kasabay nitong namatay ang puso niya.

Alucard opened his eyes as he looked at the beautiful frame once again. Without realizing his eyes were changing colors. From natural green to golden yellow, red, amber and orange. The anger, agony, pain and guilt hammered inside his chest. He clenched his hands as he gritted his teeth in fury as he remembered the caused of her death. The changes in his eye colors are the result of his intense emotional turmoil, and they demonstrate his strength.

"Kamahalan ang inyong mga mata," humahangang wika ng matandang lalaki na pumasok mula sa nakabukas na pinto. Nilapag nito sa harapan niya ang Bordeaux glass na naglalaman ng pulang likido. Dugo ng hayop.

It's been a hundred years mula nang tumigil sila sa pag–inom ng dugo ng mga tao. Noong makilala ng kanyang amang Hari ang kanyang ina. At nang maging Hari ng mga pambira kanyang ama ay isinulong nito ang pagbabawal ng pag–inom at pagpatay ng mga mortal. Itinuturing na malaking kasalanan ang sinumang gagawa n'yon at papatawan ng kamatayan. Bagamat sumang–ayon ang karamihan sa mga bampira ay mayroon din tumutol at hindi nagpasailalim sa kagustuhan ng hari. Sila ang mga bampirang patuloy pa rin na gumagambala sa mga mortal sa mahabang panahon.

He doesn't actually have to drink blood from animals as he and the rest of the royal vampires could consumed the same foods like human, and they can regain their strength through sleeping without sipping blood. Malaya rin silang magkakapatid at ibang membro ng royal na makapaglakad sa ilalim ng sikat ng araw.

"I know, Ahmar," sagot niya sa tapat niyang tagasunod.

Malayong kamag–anak ito ng kanyang ina na piniling maging mabuting bampira bago ito igupo ng malubhang sakit nito sa atay may daang taon na rin ang nakararaan. At dahil dugo ng kanyang ama ang bumuhay dito ay malaya rin nakakapaglakad sa ilalim ng sinag ng araw si Ahmar. Nanumpa rin itong pagsisilbihan ang kanilang angkan hanggang sa nabubuhay ito sa mundo kahit binigyan ito ng kanyang mga magulang na gawin ang ano mang nais nito.

"Ang pagpapalit ng kulay ng iyong mga mata ay nangangahulugan nang muling pagkagising ng inyong kapangyarihan, kamahalan. Ikalulugod ito ng mahal na Hari."

Hindi niya sinagot ang tinuran ni Ahmar, bagkus ay inabot ng palad niya ang basong naglalaman ng kulay pulang likido saka sinimsim iyon.

"Where's Alice?"

"Lunes ngayon kamahalan, nakatitiyak akong nasa unibersidad na sa mga oras na ito ang mahal na prinsesa,"

Muling sinimsim ni Alucard ang natitirang laman ng baso. Nasa kislap ng berdeng mga mata ang pagtataka. So, his little hybrid sister is back in college huh. Nagsasawa na ba ito sa ibat–ibang career na pinasok nito sa loob ng daang–daang taon sa ibat–ibang panig ng mundo? He can't blame her after all. Ang mamuhay ng matagal na panahon ay nakakabagot din kung minsan. However, he knew that he would never feel bored again, now that he found someone to share his life with. Nagkulay–kahel ang mga mata niya sa emosyon rumaragasa sa dibdib niya.

Buong akala niya ay nagbibiro lamang si Alice nang sabihin nitong nakita nito sa hinaharap ang babaeng kamukha ni Ashly. At makikilala niya ito sa Estados Unidos. Mercy, as his younger sister was right. He already met the woman, and she was the reason why his heart is beating again and why he regained his power, as a matter of factly.

"Kumusta ang naging lakad mo sa ibang bansa, kamahalan?"

He slide his hands inside his pocket as he walked towards the window. Ibinaling sa labas ang paningin. "May tatlong bampira kaming nakalaban ni Luke." Panimula niya. " Those are Karam at nagsisimula na silang maghasik ng lagim," dagdag na pahayag niya sa matandang lalaki.

"Ano ang balak mo ngayon, Mahal na Prinsipe?

"Nag–usap na kami ni Luke tungkol sa bagay na 'yan. Nakaalarma na rin ang mga kauri natin sa Ibat–ibang panig ng mundo."

"May kuro–kuro ka ba kung sino ang maaaring pinuno ng mga Karam, kamahalan?"

"I already have in mind, but I'm not so sure," sagot niya sa nagtatagis na mga bagang.

"Naniniwala akong madali mo lang masusugpo kung sino man ang pinuno ng mga masasamang bampira 'yan, ngayong nagbalik nang muli ang iyong mga nakatagong abilidad, mahal na prinsipe.

Hindi niya sinagot ang tinuran ng matandang bampira sapagkat naglalaro sa imahinasyon niya ang magandang imahe ng babaeng iyon.

"Darating sa susunod na linggo ang mga magulang mo, kamahalan—"

"Do not tell them anything about it, Ahmar. I don't want Mum to worry," putol niya sa sasabihin nito.

"Ikaw ang masusunod, mahal na Prinsipe."

"My nais ka pa bang sabihin, Ahmar?" aniya rito nang hindi pa ito kumikilos.

"Kamahalan ipagpaumanhin n'yo ang aking kapangahasan ngunit nais kong makatiyak."

"What is it?"

"Naririnig ko ang pintig ng inyong puso, kamahalan."

"Indeed, Ahmar. My heart is beating again," naglakad siya palapit sa malaking larawan at muling tinitigan iyon.

"Kung gano'n ay may nakabihag muli ng inyong pihikang puso, mahal na Prinsipe,"

"Ibig kong mapag–isa Ahmar," sa halip ay sagot na aniya rito. Naunawaan naman iyon matandang lalaki at kaagad na lumabas ng chamber.

Wala sa loob na napahawak sa kaliwang dibdib si Alucard. His heart is undeniably beating again inside his chest after hundred years and that's because of the young lady from the coffee shop— ang babaeng kamukhang—kamukha ng nasira niyang katipan.

He was at the New Orleans to meet Luke, his cousin and best buddy at the same time. Upang alamin kung totoo ang balitang nakarating sa kanila na may mga masasamang bampirang nagsulputan sa naturang lugar.

Alucard knows that good vampires and werewolves were already waiting for him inside the mansion where the meeting was held. Ikinalulugod niyang nanatili pa rin ang kapayapaan sa pagitan ng mga mabubuting lobo at bampira na itinatag pa ng kanyang mga magulang daang taon na ang nakakalipas sa ibat–ibang panig mg mundo.

His father Dimitri Lazarus III Lionheart is the king and most powerful vampire and bloodline of the most powerful vampire in 10th–century, the first king of all vampires at the same time. Ang kanyang ina naman na si Maria Leonora Delgado ay isang Luna, half werewolf and human. Anak ng pinakamalakas na taong lobo bago ito nakilala ng kanyang ama sa Pilipinas nang minsan magawi roon ang Hari.

Alucard possesses both power of a vampire and a werewolf that makes him and his sibling the most powerful hybrid. And as a first prince and leader of the SALAM, it's his job and obligation to maintain the peaceful living between the vampires and the werewolves and to protect them against KARAM. Ang bansag na tawag sa mga masasamang bampirang walang hangad kundi ang kasamaan sa buong sanlibutan na pinamumunuan din ng isang makapangyarihang bampira.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Dark PrinceWhere stories live. Discover now