Wait!

Bakit napasok bigla si Theodore?

Hindi ko na dapat siya iniisip! Talagang ayaw ko sa ugali niyang mapagmataas. Nasa kaniya nga ang lahat, pero 'yong ugali naman niya ang magpapabagsak sa kaniya.

"Payag na 'ko, Xav..." sagot ko sa kaniya at ngumiti.

"Payag pakasal sa 'kin?" asar na tanong niya.

"Anong kasal ka diyan! Gustong-gusto mo rin 'yong biro ni Tatay, 'no?" asik ko sa kaniya.

Paano kasi kanina, bago umalis ng bahay ay inaasar kami ni Tatay na kung puwede raw ay magpakasal na kami.

"Xavier, pakasalan mo na nga 'tong anak ko," nang-aasar na sabi ni Tatay kay Xavier.

"Ano ba 'yang sinasabi mo, 'Tay?!" reklamo ko.

"Pakipot pa si, Ate," pang-aasar naman ni Stan.

Inirapan ko ang kapatid ko. "Mali-late ka na sa trabaho mo! Umalis ka na nga! Mang-aasar ka lang, eh!"

Humalakhak lang ang magaling kong kapatid bago tuluyang umalis ng bahay para pumasok sa trabaho niya.

"Ayaw nga po 'kong sagutin niyang anak n'yo, Tito, eh," nagpapaawang sabi ni Xavier kay Tatay.

Kumunot ang noo ko. "Hoy, Xavier Lacson! Kung ano-ano na naman 'yang sinasabi mo kay Tatay! Baka maniwalang nanliligaw ka sa 'kin kahit hindi naman!"

"Sus! Mag-jowa na nga raw tayo sabi ng iba, eh!" hirit pa ni Xavier na halatang gustong-gusto na inaasar ako hanggang sa mapikon.

"Manahimik ka nga!" asik ko sa kaniya. "Tatay, huwag mo po pakinggan 'yang si Xavier. Malakas lang sapak niya."

"Para kayong aso't pusa," naiiling na sabi ni Tatay. "Sabihan n'yo na lang ako kung kailan ang kasal."

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil kung ano-ano pa'ng sinasabi ni Xavier kay Tatay. Alam ko na naman na inaasar lang din naman ako ni Tatay. Ganiyan naman 'yan si Tatay, eh, gagatungan pa 'yong pang-aasar sa 'kin hanggang sa mapikon ako.

Ako naman ay pikunin din!

"Botong-boto na nga sa 'kin si Tito, ayaw mo pa?" Napakurap-kurap ako nang marining ulit ang boses ni Xavier. "Feeling ko nga, hindi na maghahanap ng ibang lalaki 'yon para sa 'yo."

"Asa ka! Magiging best man ka lang sa kasal ko, 'no!" asik ko sa kaniya.

Tumahimik si Xav pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Napansin kong nakahinto na rin pala ang sasakyan. Nandito na pala kami sa store nang hindi ko namamalayan dahil sa pinag-uusapan namin.

"Stay still. Huwag ka munang bababa," sabi ng magaling kong best friend.

"Daming alam." I just rolled my eyes as I crossed my arms over my chest.

He chuckled. "Gusto mo rin naman."

Natatawang napailing na lang ako at hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Agad din naman akong bumaba nang mabuksan niya ang pinto ng sasakyan.

"Sigurado kang kaya mong magtrabaho ngayon?" tanong ulit ni Xav.

"Kaya ko nga! Paulit-ulit ka," sabi ko sa kaniya.

"Nagtatanong lang!" reklamo niya.

"Whatever!" Inirapan ko na lang siya at pumasok sa store.

Napataas ulit ang kilay ko nang makitang nandito pa si Katarina at nag-aayos ng mala-coloring book niyang mukha. Atat na atat siyang makauwi, pero simula noong hinahatid na ako ni Xavier, ay nagtatagal pa siya sa store kahit tapos na ang shift niya para magpapansin kay Xav.

The Billionaire's Wicked DareOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz