Naisip ko buti na lang at ready talaga ako. Kundi tatawag nanaman ako kay bruha para dalhan ng gamit.



Pumasok na ako ng banyo at nagbihis.



Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo natanaw ko mula sa malayo si gen.Nakangisi habang palapit sa akin.


Nang nasa harapan ko na sya,magsasalita na sana sya ng magring ang phone ko.


Kinuha ko agad yun at tiningnan ang screen kung sino ang tumawag.


Napangiti naman ako ng mapagsino yun.


Iniloudspeak ko pa para marinig ni gen.


"hello?"


|hey dracia?Kumusta ka na dyan?|

"hindi ako okay!"


Sabi ko sabay tingin ng may kahulugan kay gen.


Bigla naman nanlaki ang mga mata nya.


|bakit?|


"alam mo namang lagi akong binubully dito.Kakabihis ko nga lang ngayon eh.Binuhusan kasi ako ng IBA DYAN ng coldsoftdrinks at pinaulanan ng mga itlog."


|wala ba si gen dyan?|


"nandito naman.Bakit?"


|a-ah wala.May binilin kasi ako sa kanya eh bago ako umalis.Di bale na lang kakausapin ko na lang sya.Nga pala,bakit di ka nakapunta sa airport?Di ba tenext kita?Tinawagan kasi kita cannot be reach naman.|


"ah.May NAGNAKAW  kasi ng phone ko nun eh kinubukasan lang ibinalik.Nilagay lang sa floor malapit sa hagdan.At alam mo bang nakita ko SYANG parang tangang nagtatago sa likod ng puno eh kita naman?"


Makahulugan kong tinitigan si gen ulit na nakayuko na ngayon.


|hahaha.Grabe naman ang magnanakaw na yan.Anyways ipakita mo sa akin kung sino pagdating ko dyan ha?|


"hahaha.Pilyo ka talaga.Maiba nga tayo, kailan ka uuwi?"


|miss mo na ako?|



"of course!Namiss ko na ang    kakulitan ng kaibigan ko eh."


|yeah right.Namiss din naman kita eh.Ah sige dracia,mamaya nanaman kita tatawagan.Bye|


"sige.Bye"



*call ended*



Ibinalik ko na rin ang phone ko sa bag ko.Aalis na sana ako nang biglang magsalita si gen.



"hindi mo maaagaw sa akin si gladge"


Sabi nya sabay alis.



"let's see!"


Mukhang alam ko na kung sino ang gagamitin ko para makaganti sa pambubully ni gen sa akin ah.


Napangiti naman ako sa naisip ko.



**********************************************************

A/n:update ulit.Thank you pala sa mga old and new readers ng story na to.


Pm me for dedication lang ha?


Vote and leave a comment.



~mobztarjacas~,

**************************************************************

CassaNerd(2n1 personality) Major EditingWhere stories live. Discover now