"May plano ng magkwento si Kai-I mean si Jasper. Kakausapin ka niya hindi ba?" Tanong ni Alexus.

Tumango ako. "Oo, bukas daw."

"Hintayin mo na lang bukas kung ano'ng sasabihin niya at sana maintindihan mo siya, Luna. Mabuti at mahal na mahal niya kayo." Nagbaba siya ng tingin sa pagkain niya saka ako seryosong tiningnan. "Your brother suffered enough, Luna."

Bakit niya sinasabi sa akin ang mga ganitong bagay? Nagbaba ng tingin sina Raiven at Lucas na nagpokus na sa mga kinakain nila.

Hanggang matapos silang kumain, hindi ko talaga nagalaw ang pagkain ko. Nasa loob na ako ng kwarto at katabi si Ced. May inihatid na pagkain si Alexus sakaling gutumin daw ako pero hindi ko pa rin 'to nagagalaw. Busy naman sila sa labas at pinakikilos ang Black Panthers para hanapin si Kuya.

"Nasaan ka na ba, Kuya?" Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa buwan na sobrang liwanag at kitang-kita ko mula sa loob ng kwarto ko.

Bigla na lang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko itong sinagot nang hindi tinitingnan ang caller ID.

"Hello, Kuya? Ikaw ba 'to?" Dahan-dahan akong tumayo saka naglakad papunta sa balkonahe at naupo sa hammock.

[I'm not your kuya. Are you okay? You seem anxious.]

Si Kamatayan. What's with this guy para tawagan ako ng ganitong oras at tanungin kung okay lang ako?

"Huh?"

[I am asking you if you are okay,] may inis na sa boses niya. Wow! Parang siya pa itong naistorbo, ha!

"You called in the middle of the night para tanungin ako kung okay lang ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

[I don't know. I feel like you're not okay, so I called you to check on you. Mali ba ako? Patulog ka na ba dapat? Sorry if I dis-]

"Actually I'm not," I cut him off.

[Why? What happened? Does it concern you kuya?] May pag-aalala sa boses niya. May narinig akong ingay na parang bigla na lang itong napabangon sa higaan niya.

Oh shoot! Hindi niya p'wedeng malaman na nawawala si Kuya Jasper. Magdududa 'yun at magtataka kung bakit nawawala si Kuya. Baka maungkat niya ang problema namin sa RSG.

"Nagugutom lang." Palusot ko saka ko hinawakan ang kwintas na ibinigay niya sa akin.

[Haven't you eaten yet? It's midnight, Luna. What are you thinking, huh? Do you have a plan to die? Tell me and I will think of the way.]

Natahimik na lang ako sa sermon niya. Ang dami kaagad sinabi. Namo-mroblema na nga ako rito tapos manenermon pa siya?

'Bakit? Sinabi mo ba sa kaniyang namroroblema ka kay Kuya Jasper?' anang ng kung saang parte ng utak ko kaya napairap na lang ako.

[Luna, are you listening?]

"Oo, nanenermon ka nga, e," mataray kong sabi.

[Are you really hungry?]

Walang gana lang. "Ay paulit-ulit lang?"

Bigla na lang tumunog ang phone ko kaya kunot-nuong tiningnan ko ito. Napairap na lang ako sa hangin nang makitang tinapos niya na ang tawag.

"The nerve of this guy?"

Naiiling na lang akong pumasok sa loob saka isinara ang glass door at bumalik sa pagkakahiga.

Posible bang nararamdaman niya na hindi ako okay at bigla-bigla na lang napatawag ang kamatayan na 'yun?

Nailing-iling na lang ako dahil sa iniisip ko. SI Kuya dapat ang iniisip ko at hindi 'yung kamatayan na 'yun. Napakapapansin talaga! Nakakainis!

DARK SECTIONWhere stories live. Discover now