64: Online Selling

11.2K 479 217
                                    

| ONLINE SELLING |

ALEXUS' P. O. V

Kabababa ko lang ng eroplano nang tumawag sa akin si Kaiser. Nagpakita na raw siya kay Luna. Gustuhin ko mang puntahan muna si Luna pero may mali akong nararamdaman dun sa baliw. May iba sa boses niya. His voice was in deep sadness. Tapos ipinagtapat niya pa sa akin na alam na raw ni Eagle ang tungkol sa kaniya bilang isa pang anak ni tito.

Gustuhin ko mang itanong kung anong nangyari pero hindi ko nagawa. Mas worried ako sa kaniya.

"Raiven, how's Ced?" Bungad kong tanong nang makapasok sa loob ng kotse ni Raiven.

"Binabantayan na siya ni Lucas. Where we will be headed to?"

Isinuot ko ang seatbelt ko. "Kay Kaiser. Mukhang may problema."

I know he has too many plans and honestly, I feel like he doesn't tell me everything, especially his worries. I respect him and his decisions kaya hindi ko siya pinipilit. I just let him. I don't want to use our friendship card just to know everything about him. I want him to open himself to me without me asking him to do it. It's out of my principle.

Pagkarating namin sa penthouse niya, tinawagan ko siya agad.

"Open up." Pinatay ko ang tawag nang sagutin niya ang tawag saka ibinulsa ang phone. Pagbukas ng pinto ay walang Kaiser na bumungad sa amin kaya nagkatinginan kami ni Raiven bago ako naunang pumasok. Sumunod naman siya.

Clearly, he's not in the mood. Sa tuwing pumupunta ako rito, hindi niya ako ginagamitan ng automatic niyang pinto. Palaging siya ang nagbubukas sa akin.

"Why not calling me, dude?" Bungad na tanong ni Raiven nang makita namin si Kaiser na nakaupo sa stool at may hawak-hawak na shot glass. Dinaluhan siya ni Raiven pero mabilis akong naglakad papunta sa kanila at inagaw ang baso kay Kaiser. "I don't want to talk to wasted shit. I want you to be sober. Tell me what happened."

"I want to-" Inagaw niya sa akin ang baso at nilagok ang alak. "... have some courage to tell you how I fucking messed up."

Galit na inagaw ko muli sa kaniya ang baso at inilapag malayo sa kaniya. Nang ibalik ko sa kaniya ang tingin, saka ko lang napagmasdan ang namumula niyang mga mata at basang pilikmata. "Kaiser, you don't need to drink alcohol just to have the courage. You can tell me the truth. I'm your best friend, right?"

Huli na nang mabawi ko ang huling mga sinabi ko dahil nagreact na agad ang gago. Napahilot na lang ako sa sintido ko.

Hindi malaman kung ano'ng gagawin niya, tumayo at umupo saka muling tumayo at lumapit kay Raiven. Kinalabit niya ito pero nasa akin ang tingin nito, nagtataka sa kinikilos ng gago.

"Raiven."

Nilingon niya si Kaiser. "W-what?"

Kunot-nuong itinuro niya ako. "Did you hear Alexus acknowledge me as-"

"Kaiser!" Sigaw ko dahilan para tumayo siya at magtaas ng dalawang kamay sa ere. "Yeah, yeah. I'm okay na. I just tried how to become sad boy ba 'yun?"

"Fuck you."

"I love you."

"Gross," naiiling na sabi ni Raiven. "Hahanapin ko lang si Lexi the doggy para laruin. Iwan ko muna kayo."

"Don't call her Lexi!" Sigaw ko pero natatawang naglakad lang papalayo si Raiven. Lexi came from my name but in the girl version. And of course, the one who named it is the lunatic Kaiser.

"But it's your-"

"Stop it, Kaiser!" I cut him off.

Marahas siyang bumuntong-hininga bago naupo sa couch. Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. "I hope you won't leave me after hearing what I did. From the very beginning, I only have you after my dad left me in your father's care para sa pag-eensayo. I never had anyone. Alam mo 'yan. Minsan lang din kami magkita nina Mommy at Daddy. Si Grandma naman malayo sa akin."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon