Chapter 15

4 1 0
                                    

"Honey oh," Saad ko dahil inaasar ako ng mga kaibigan ko.

"Honey my love, so sweet," Pag kanta naman ni Dave.

Tinaasan ko ng isang kilay si Dave, "Atles honey na, tawagan namin ni Chris. Eh ikaw? Kiana at Dave parin nauutal pa kayo!"

Nagtawanan kami dahil nahinto si Dave at si Kiana naman ay namumulang napayuko. Napahinto kami sa pagtawa ng makitang lumapit sa mesa namin si Kimberly.

"P-pwedi ba akong maki-upo? Puno na kasi ang mga lamesa eh may isa pa namang bakante sainyo," Saad nito na nakatingin lang sa hawak niyang pagkain.

Napatingin ang lahat sa akin, umirap ako bago humalikipkip. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko ng lunch. Lumapit si Chris sa akin,

"Paupuin mo na, kawawa naman," Bulong ni Chris sa akin.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakatingin sa amin ni Chris ngayon, napaangat naman ako ng tingin kay Kim na nakatingin rin pala sa amin pero agad na nagiwas ng tingin ng makitang nakatingin na rin ako sakaniya. Umirap ulit ako.

"Hawak ko ba ang upuan?" Saad ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Natigil ako dahil ang lahat ay nakatingin parin sa akin maging si Chris ay kunot noong nakatingin sa akin, Umirap ulit ako.

"Oh come on! If your going to stand there and watch me eating, we're gonna late to our next class. Take a seat and eat." I said and roll my eyes again.

Chris held my hand, " It's okay,"

I smiled at him, "It will be,"

Linggo ng tanghali inaya ko si Chris na kumain kami sa labas at sakto namang pumayag ang boss niya naexcuse ko si Chris ng two hours. Of course the power of Rondolottie wins. Hinila ko si Chris papunta sa restaurant na kakainan namin.

Binitawan ko si Chris at bumaling ako sakaniya ng may ngiti ng nasa harap na kami ng restaurant. Nakita ko ang paglunok ni Chris.

"D-dito t-tayo kakain?" Dahan-dahan na sabi ni Chris.

Ngumiti ako at tumango.

"Pere hon..." Di niya na ulit natuloy ang sasabihin niya dahil hinila ko na siya papasok sa loob.

"Hi! Reservation for Ms. Rondolottie," Saad ko at sinamahan naman kami sa uupuan namin.

"Janine," Saad ni Chris sa akin ng nakaupo na kami.

Ngumiti ulit ako sakaniya, "Don't worry my honey,"

Napabuntong hininga siya, napangiti naman ako. Suko na agad, di niya talaga kaya ang charms ko.

Ganiyan kami palaga ni Chris tuwing linggo at sa paaralan naman ay lagi akong binibigyan ng chukie ni Chris. Ang saya-saya ko pag kasama ko siya, ang saya ko laging tumatalon sa tuwa ang puso ko pagkasama ko siya.

"Kayo ba ni Janine?" Saad ng lalake na kausap ata si Chris.

Napatakip ako sa bunganga ko at patuloy na nagtatago sa pader.

"Hindi kayo bagay, mahirap ka mayaman siya!" Saad ng lalake at nagtawanan sila kasama ang mga kaibigan niya.

"Aba bastos to ah! kinakausap palang kita!" Saad nanaman ng lalake at namilog ang mata ko ng may marinig na pagtumba.

"Ayoko ng gulo," Nanubig agad ang gilid ng mata ko ng marinig iyon kay Chris.

"Ayaw mo? kami gusto namin," Saad nanaman ng lalake at nagtawanan ulit sila.

Susuntukin na sana ng lalake si Chris na hanggang ngayon ay nasa lupa parin ngunit agad akong sumigaw.

"Don't you dare! you didn't know how a Janine Rondolottie got mad so better out of here and wait for your punishment!" Saad ko na agad nagsitakbuhan ang mga lalake.

True Love Always WinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora