Nakalimutan kung magdala ng chukie! Hindi ako makaconcentrate. Pag hindi ako nakainom ng chukie kung minsan mawawala na ang mood ko at kung minsan naman ay galaw ako ng galaw, katulad nalang ngayon habang nagdidiscus ang isa aa mga teacher namin sa harap tingin ako ng tingin sa bag ko kahit na alam ko naman ng wala talaga akong chukie na dala.

Napahinto ako at nakahinga ng maluwag ng may naglapag ng chukie sa lamesa ko. Napaangat ako ng tingin kung sino ito. Ngumiti siya at umupo sa bakanteng tabi ko. Napangiti nalang ako.

"Thank you," Saad ko.

"Ang gulo mo," Saad naman ni Chris bago sinimulan ng magsulat.

Imbis na magsulat na ako mas inuna ko pang buksan ang chukie ko at inumin ito bago naglabas ng notebook at ballpen. Ngunit hindi pa ako nagsisimulang magsulat sinipsip ko ang chukie hanggang tumunog na ito dahil wala ng laman.

"Janine," Saad ni Chris.

"Huh?" Takang tanong ko naman.

"Magsulat ka na, akin na iyan," Saad niya naman bago kinuha ang box ng chukie sa akin at tumayo siya upang itapon ito sa basurahan.

Napanguso ako, pinipigilan ang pagngiti dahil sa ginawa ni Chris. Napakagat na ako sa labi ko dahil nahuli niya ang ginagawa ko at bigla nalang akong namula.

Lagi akong binibigyan ni Chris ng chukie at nagaalala na nga ako dahil baka ang pinang bibili niya dito ang ang suweldo niya, eh mas kailangan pa nila ito. Minsan sinabihan ko pa siya na huwag na siyang bibili dahil may dala naman ako pero kahit na may dala ako at nakabili na rin siya hindi ko na matanggihan pag nasa harap ko na ang chukie, syempre chukie na yun ang hirap kayang tanggihan.

"Zircon family, please quiet." Saad ko dahil wala kaming teacher ngayon.

Natahimik nga sila, hindi na nila hinintay na sumigaw ako. Pero pag minsan napapasigaw talaga nila ako dahil sa subrang ingay ng section namin. Bumalik na ako sa upuan ko at saktong andun naman si Chris na nakahawak ng ballpen pero nasa akin ang tingin niya. Umupo ako sa tabi niya kaya napatingin ako sa tabi ko kung saan umalis ang dalawa kung kaibigan.

"Diko makita, sa harap nalang ako," Saad ni Kiana bago lumipat.

"Ako rin, laki kasi ng noo ni Kevin!" Saad naman ni Lester.

Natatawang napa-iling nalang ako, ano ba ang connect sa noo ni Kevin? Kahit kailan talaga Lester, napakabully mo. Ramdam ko parin ang titig ni Chris sa akin kaya napalingon ako sakaniya. Itinaas ko ang isa kung kilay.

"Nasabi ko na bang ang ganda mo?" Saad na niya kaya natawa ako.

"Oo, ilang beses na," Taas noo kung saad kaya napatawa rin si Chris.

"Uulitin ko ulit, ang ganda ganda mo, Janine." Saad niya at inipit ang mga takas kung buhok sa likod ng tenga ko.

Ito nanaman ako sa pamumula, "A-alam ko,"

Natawa si Chris, "Bakit pag sinasabi ko dun mo lang nalalaman?"

"Chris naman!" Nahihiyang saad ko at mahina pa siyang pinalo sa braso niya.

Alam ko namang maganda ako, pero pag si Chris na talaga ang nagsasabi dun ko pa mas lalong nararamdaman na maganda ako na hindi ako mahangin.

Natatawang napa-iling-iling si Chris, "Maganda sa loob at labas," Saad pa nito bago pinisil ang ilong ko na mas lalong nagpamula pa sa akin.

Nahihiya akong nagiwas ng tingin at tinanggal ang kamay niya sa ilong ko, "A-anong gusto mo?"

"Na mahalin mo rin ako," Anito bago tumayo at bumalik sa upuan niya.

Nagulat ako dahil nang uwian pagkalabas ko ng classroom namin may humila sa akin. Sisigaw na sana ako ngunit parang pamilyar ang kamay niya at ng inangat ko ang tingin hindi nga ako nagkamali ng makita ang likod niya.

"San tayo pupunta?" Tanong ko nalang.

"Kwek-kwek lang ang kaya ko, pasensya ka na," Saad niya.

Napangiti naman ako ng pumasok kami sa eskenita at pinaghila pa niya ako ng upuan. Lumapit siya sa stall nila Beng-beng at ng bumalik sa akin may dala ng apat na baso.

"Ano bang meron?" Tanong ko.

Nagkibit balikat si Chris, "Wala lang, bawal ba?"

Napakagat ako sa labi ko, call it cheap but my heart saying tug-tug-tug-tug... Gash! ang lakas at ang bilis nanaman!

"Thank you," Saad ko ng pinunasan niya ang bibig ko dahil sa sauce.

Ngumiti si Chris, "I love you," He mouthed.

Napahinto ako, aside from my family and Lester si Chris palang ang kauna-unahang lalake na nagsabi sa akin ng mga katagang iyon.

"OmyGod! what did you say? Can you say it again?" Saad kung excited.

Napangisi si Chris, "I love you, Janine."

"Omy, I think I love you too," I said smiling.

"You just think," Chris said.

I smile, "Okay, I love you too, Chris."

True Love Always WinOnde histórias criam vida. Descubra agora