"Ang kalat mong kumain," Saad niya at pinunasan pa ang bibig ko.

Natatawa nalang akong nagpasalamat sakaniya bago bumaling ulit sa mga kaklase kung ang iingay. May naisip akong pakolo kaya napangisi ako.

"Anong kalokohan nanaman ang iniisip mo, Janine?" Saad ni Chris sa tabi ko na titig na titig pala sa akin.

I smile and wink at him before standing up in front. "Okay Zoo Family, wala pa naman si ma'am kaya naman ang gagawin natin ay... look Jayda, I have chocolate. Did Lenton giving you a chocolate?"

Napatingin ang lahat sa dalawang pangalan na sinabi ko, nakita ko pa ang pamumula ni Jayda. Nahihiya pa siyang umiling kaya naman napangiti ako.

"Ay, omygashhh Lenton! You should give Jayda some!" Saad ko kaya napakamot sa likod ng tenga niya si Lenton.

"Come here," Utos ko sakaniya. Nakita ko pa na napailing si Chris sa mga pinag-gagawa ko kaya mahina akong napahagikgik. Alam ko, alam kung ayaw niya sa mga ganitong trip ko, pero sinusuportahan niya parin ako.

"Bakit po Ms. President?" Saad ni Lenton ng nasa harap ko na siya.

Ngumiti ako at inabutan siya ng tatlong chocolate, "Give that to Jayda and confess."

"Janine naman!" Nahihiyang saad pa nito.

"I give that to you so it's definitely your's now, but as a giver of that I want you to also give that to your crush, malay mo..." Pag-papatuloy ko pa.

Namumulang nag-iwas ng tingin sa akin si Lenton, "Salamat Janine,"

Nakangiti ako habang sinundan ko ng tingin si Lenton. Naghiyawan ang lahat ng makita nilang inabutan ni Lenton si Jeyda ng chocolate.

"Shanaoil!" Rinig kung saad ni Tina.

"Kevin come here." Tawag ko ulit.

"Yes Ms. President?" Tanong nito.

"Nagsasanaoil si Tina, bakit hindi mo rin ba siya binibigyan?" Saad ko at umiling si Kevin.

Umirap ako at humalikipkip, "Omygashhh boys! how girls can make fall in love with you when you didn't know how to make suyo!?"

"Here, give this to Tina." I said and give the three chocolate.

"Janine..." Nahihiyang saad ni Kevin.

"Oh aangal ka? Baka maunahan ka ng iba," Saad ko sa mataray na boses.

"Salamat Janine," Ani ni Kevin at agad na pumunta kay Tina upang ibigay ang chocolate.

Naghiyawan ulit ang buong klase at ang halos lahat ay nagsabi na ng 'sanaoil'. Natatawa nalang akong napailing bago bumalik sa tabi ni Chris upang siya naman ngayon ang asarin ko.

"Wala pa si ma'am, ang tagal niya naman," Panimula ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Chris kaya napangisi ako. "Janine wag kang magsimula."

"May continues pa naman yung kanina eh, gusto mo ikaw ang isusunod ko? Sino ba ang gusto mo dito?" Saad ko at luminga-linga pa upang maghanap.

"Si..." Kusa akong natigil ng magsalita siya.

"Ikaw." Saad niyang nakatingin sa mga mata ko, naitikum ko ang bibig ko sa subrang seryoso ng muka niya.

Lumunok ako, "Ah! a-andyan na p-pala si Ma'am!" Saad ko at agad na tumayo upang makabalik sa upuan ko.

Pagkaupo ko sa upuan ko, parang nakahinga ako ng maluwag pero para naman akong tumakbo ng kay layo-layo dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

"Hoy sis yung assignment mo," Bulong ni Lester na nagpabalik sa wisyo ko.

Kanina pa pala ako tulala, hindi ko man lang namalayan na second subject na namin ngayon. Tinignan ako ni Kiana ng nagtataka.

"Sis, ayus ka lang ba? Kanina ka pang tulala dyan?" Tanong nito sa nag-aalalang boses.

"Sis!" Saad ko at niyogyog pa ito.

"Sis anyare?" Nag-aalalang saad ni Lester.

Hinawakan ni Kiana ang isang kamay ko at sa isa naman ay si Lester, napa-iling-iling ako. Ngayon lang nag-sink in ang sinabi ni Chris sa akin kanina! Is he confess to me? OmyGod! He did!

"Ano?" Atat na sabi ni Lester.

Mas humigpit naman ang hawak ni Kiana sa akin. Umiling ulit ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila.

"Ano nga?" Singhal na nilang dalawa sa akin.

"Kasi ano...." Nahinto ako sa pagsasalita at tatlo kaming magkakaibigan na napapitlag sa inuupuan namin dahil sa sigaw ni ma'am science.

"Ms. Rondolottie! Ms. Rocoa! Mr. Robinson! Come in front now!"

Napakagat labi ako at pumikit ng mariin. Huminga muna ako bago tumayo, nakayukong naglakad si Kiana paharap, si Lester naman ay pakimbot-kimbot parin, samantalang ako mariing inaalagaan ang poise ko kaya taas noo akong naglakad.

"Now. Iparinig niyo sa amin ang pinagchichismisan nyo sa upuan niyo." Saad ni Ma'am Science na nagpakaba sa akin.

Nakaisip ako ng dahilan kaya naman ngumiti ako kay Ma'am, "Ma'am ang ganda niyo po, wag niyong sayangin ang ganda niyo ma'am sa pamamagitan ng pagkaka-istress sa amin,"

Napangiti naman si Ma'am sa sinabi ko, siniko ko si Lester para tulungan ako.

"Ah! Ma'am, ang ganda rin po ng lipstick na gamit niyo ngayon, bagay na bagay sa maganda niyong muka," Saad naman ni Lester kaya napangiti ako.

"Ma'am ang bango po ng pabango niyo ah, bagay na bagay po sainyo," Saad naman ni Kiana.

"Kayo talagang magkakaibigan kayo! Sige na bumalik na kayo sa mga upuan niyo at sisimulan na natin ang discussion," Saad ni ma'am na mas lalo pa naming ikinangiting magkakaibigan.

Habang pabalik kami sa upuan namin palihim kaming nag-apir-ang magkakaibigan, mahina pa kaming napahagikgik.

"Tsokolate pa," Rinig kung saad ni Chris.

Natahimik ulit ako dahil naalala ko ang sinabi niya kanina sa akin! Jusko! totoo ba talaga iyon? Tama ba ang rinig ko? Kakausapin ko na ba si Mama at sasabihing ipacheck namin ang mga tenga ko?

True Love Always WinWhere stories live. Discover now