Chapter Eight

7 1 0
                                    

Gabi na ngayon.
Walang nagkwento sa hapag kanina kase sobrang dilim ng aura ni Kent. Si Klein na maingay ay natahimik na rin kase takot ito kay Kent kapag wala sa mood. Kaya ayon nga napilitan kaming ubosin yung pagkain ng mabilis kase nakakatakot talaga si Kent parang ewan.

So heto ako ngayon nakahiga na sa kama ko. Sila Kent? Nandun pa sa ibaba. Matutulog sila sa guest room alangan naman magkatabi kaming tatlo?

Napabuntong-hininga ako saka bumangon sa kama.

" Maliligo na nga lang. " bulong ko at pumasok na sa banyo.

Pasayaw-sayaw pa akong naghubad ng mga damit na parang may saltik. Speaking of banyo.

Naalala ko tuloy yung nangyari noon. Nung andito pa sila ano.. Tapos may dalaw pa ako nun minamanyak pa niya ako.

Siguro.. si Ate Morgan na ang minamanyak niya ngayon.. May nangyari na kaya sa kanila?

Inis kong tinampal ang aking magkabilang pisngi saka umiling.

" Cara stop overthinking. " ani ng aking isipan.

Huminga ako ng malalim at pinilit na lamang balewalain ang mga iniisip ko.

Nang matapos akong maligo ay tulala akong napaupo sa kama ko.

Ano na ba itong nangyayari sa akin? Bakit ayaw mong umalis sa isipan ko ha? Kendrick? Gago ka talaga pati sa isipan ko ikaw parin laman.

" Makapagbihis na nga lang. " pagkausap ko sa kawalan.

Akma kong huhubarin ang bathrobe na aking suot-suot nang may magsalita sa may tabi ko.

" Ganito mo ba siya kagusto? Na pati ako di mo napansing nakaupo sa tabi mo? "

I jumped in pure shock when I heard Kent's voice.

Muntikan pang matanggal ang bathrobe buti nalang at nahawakan ko.

Inayos ko ang pagkakatali nito sa aking bewang saka siya kinausap.

" A-Ano ba kaseng ginagawa mo ri—  "

" I'm here because I wanted to talk to you. " putol niya sakin. " But it seems like your mind is fully occupied by that jerk. "

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Ganun ako katulala?

" I see. Gusto mo nga talaga siya. "

Ako may gusto sa gagong yun?
Kaagad kong iwinasiwas ang kamay ko sa harap at pilit na tumawa. " Of course not. Hindi ko siya gusto. "

Gabing-gabi ito pinag-uusapan namin hay nako sayo Kent.

He just stared at me. Analyzing my expression. It's as if he is trying to read what I feel.

Kaya mabilis agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

" Maya na tayo mag-usap. Pagkatapos kong magbihis. "

Tumango naman siya at sinunod ang aking utos. Lumabas na siya sa kwarto ko.

I sighed in relief.

" Did he just come in to ask if I like Ken? " bulong ko sa sarili.

Tss. Do I look like may gusto ako kay Kendrick? Of course—

" Of course you love him. Kaya hindi mo siya gusto. " my own mind answered.

Nakagat ko na lamang ang aking labi dahil sa naisip. Do I love him? I always tell myself that yeah.. Mahal ko nga siya but I wasn't sure. But now.. It seems like I really do.

A PLACE FULL OF PERVERTS II ( ONGOING ) Where stories live. Discover now