CHAPTER 4

4 1 0
                                    

CHAPTER 4

The fight was over. Finn won, he's so good en route for his powers. Parang gamay na gamay na niya ang kapangyarihan niya. He's so good to the point that everyone was immobiled and just looked at him doing his easy going attacks. Gulat na gulat ang kalaban niya ng ginamit ni Finn ang sariling sandata nito. Daggers. Doon siya medyo nalamangan dahil kayang palakihin at paliitin ni Finn sandata niya dahil sa power niya. Overall he's good.

"Sam, may mga babae din bang assassins?" I asked her. Tumingin siya sa'kin at tumango.

Napaisip ako sa sagot niya, maaring matalo ako laban sa babae. It's quite disconcerting pero alam ko namang kaya kong lumaban. I won't let Lola down.

"Cia, Tingnan mo ang screen sa taas. One more fight at ikaw na ang susunod."

Tumingin ako sa taas, Isa siyang screen na naka-display ang mga susunod na maglalaban. My name was there, katabi ng isang pangalan.

LYCIA AEUSTUS vs. DMITRI DRIFFT

A guy? lalaki? He's a guy. Lalaki ang magiging kalaban ko. Lumingon ako kay Sam na siya rin ang pagkabahala sa mukha nito. I know Sam is concerned, alam ko dahil sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko.

"Sam? Kilala mo ba siya?" Tanong ko. Tumango siya at kaagad akong niyakap.

"Pasensya kana Cia, Mukhang malaki ang tysansa mong matalo. Magaling si Dmitri, isa siyang napakagaling na assassin dito sa paaralan natin,"

Nagkaroon ng lugar ang kaba sa puso ko, Iniisip ko na kapag matalo ako paano na si lola? Kailangan ko din namang manatili sa lugar na ito dahil alam kong may mahalaga akong dapat tuparin. Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni lola sa'kin.

"Hindi ako magpapatalo Sam, Alam mo 'yan." Sabi ko sa kanya at ilang minuto pa ang lumipas ay isang malakas na anunsyo ng pangalan ko kasama ang pangalan ng lalaking makakalaban ko ang pumuno sa paligid.

Sa huling pagkakataon, Tumingin ako kay Sam. She smiled and elevated her both hands showing a like, meaning a goodluck.

Tumayo ako at umakyat sa battle area at doon nagsimulang maghiyawan ang mga tao, Almost everyone started mumbling about me being a girl destined to fight with a man. Alam kong may mali sa nagawang pag pares sa'min. Alam kong sa oras na ito, maaring maputol na ang pangarap ko.

I inhaled a fresh air, giving me some confidence and relaxing my shaking hands. Hindi pa nagsisimula pero puno na ng pawis ang noo ko.

"Lycia vs. Dmitri!" Anas ng nagaanunsyo. "You guys might be thinking, bakit? Cia is an assassin, a female assassin and she's paired with Dmitri, a guy?" The shout caster said.

"There's something wrong with the detector, Cia's role isn't matching up with her assassin role and so does Dmitri, so the leaders decided to pair them,"

Everyone was shocked. Everyone was covered in questions. Bakit ganyan, bakit ganito, papaano?

"I hope you understand guys, Now! let the battle begin!"

Isang malakas na sigaw ang pumukaw sa nawawala kong atensyon. Ito'y isang torotot na pinatugtog para hudyat na nagsisimula na ang labanan.

Tiningnan ko si Dmitri, his shards and his whole body. Malakas ang dating, kaakit-akit at alam mong matalino. He's an ideal, yet he's presently an opponent.

Tumigil ako sa pagsisiyasat sa kalaban ko at akmang susugod na ngunit isang mahapding bagay ang tumarak sa balikat ko. Isang blade.

Isang piraso ng patalim na walang hawakan. His weapon.

Abala ako sa pag-iisip ng maalala kong wala akong dalang armas. I can't fight him with my strength, alam kong talo na ako dito. Hindi ko din siya pwedeng labanan gamit ang bilis ko dahil sa alam kong kayang kaya niya parin akong mahuli gamit ang mga Shards niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fire Arcana (5 vs. 5 Tournament)Where stories live. Discover now