[ 48 ] Newest Member

Start from the beginning
                                    

Alam niyang nasa dining area ang lahat ng tao kaya kinuha niya ang pagkakataon na umalis sa kwarto niya. Tumingin siya sa kaliwa at kanan pagpihit niya ng door knob. Naginhawaan siya nang makitang malinis ang hallway.

Mahina niyang sinara ang pinto pagkalabas niya. Hindi niya nakuha ang oportunidad na tignan ang paligid nung dinala nila siya dito dahil pagmulat niya ay nasa kwarto na niya siya at hindi niya inaksaya ang lakas niya na lumabas ni kahit silip lang.

Plano nga niya ay sa gabi niya pa iikutin ang building na 'to pero naisip niya, baka pagkamalan siya na tumatakas at baka i-detain siya o ano. Kaya ngayon nalang ang kinuha niyang pagkakataon.

Una niyang natapakan na lugar ay parang gym, o baka gym talaga? May mga pang-exercise kasi na equipments, marami kang may makikita na metal at isang sulok na sinuklob ng salamin ang buong pader.

Hindi na niya inabala pang pumasok dahil baka may makakita pa sa kanya at sumunod sa ibang destinasyon.

Alam naman niyang walang tao ang corridor kada magpatak ng alas 12 ng tanghali, nakakatamad na tumambay sa kwartong iyon, parang kinukulong siya kasama ang karima-rimarin na gunita at alaala niya sa lugar na 'yun.

Hindi niya akalain na ganito katahimik ang lugar na 'to. 'Di tulad sa nakakasukang lugar na 'yon, nakakabinging sigaw ng hinanakit, tulong at iyak ang naririnig niya doon. Panigurado, matatagalan na mawala ang trauma niya sa akala niya ay bahay niya.

"Hey,"

Mabilis siyang lumingon at nakita ang dalawang tao na nagligtas ng buhay niya, napalunok siya. Dahil sa kaba, napahawak siya sa kanyang puting damit sa dibdib niya, kinukuyom ang kamao.

Unti-unti silang lumapit sa kanya na ikinaatras niya ng kaunti. Gusto niyang tumakbo pero hindi siya makagalaw. Kinakabahan pa rin siya na makita siyang gano'n ang lagay niya.

"At last lumabas ka na rin," Eugene greeted the boy with a warm smile as he ruffled his hair. Niluhod niya ang kanyang isang tuhod kaya magkasingtakad na sila ngayon.

"You've finally got out of your room. But what are you doing here alone?" Hindi sumagot ang bata, tinungo nalang niya ang kanyang ulo.

"Gusto mo ba na sumama samin? We're going to the dining area. Magla-lunch rin kami." Pero wala pa rin silang may nakuha sa kanya, katahimikan lang.

Lumuhod rin si Dr. Luo. "Have you eaten your lunch yet?" Tanong ni Dr. Luo at sa wakas, sumagot rin siya ng isang marahang iling.

"Then tara na, you should meet the others. Trust me, masaya silang kasama at makakalaro mo pa." Walang pandalawang isip na inabot ni Eugene ang kamay niya sa bata.

Tinitigan pa muna niya ito at sinulyapan ang nagmamay-ari ng kamay. May pag-iingat niyang hinawakan ang kamay na nilahad sa kanya na ikinangiti naman ng isa. Guminhawa ang dibdib ng dalawa, atleast kumaunti ang pag-alala nila sa bata dahil sa kinilos niya.

Wala na siya dapat pang ipagka-alala dahil nasa lugar na siya kung saan may maituturi na siyang kapamilya niya.

Naaawa man sila sa kanya, hindi pa ngayon ang tamang oras para gulpihin siya. They want to make the kid that he can be safe with them and the others.

Trust is one of the most important thing a person would give.

They will make him trust them but first, he should trust himself.

Maingay na paligid ang bumungad sa kanila nung pumasok sila sa dining room. Tinignan ni Eugene ang bata para tignan kung anong ekspresyon ang umikit sa mukha nito. Sad to say, it's still blank.

Nag-expect pa naman siya na may lalabas na 'wow!' sa bibig niya at ngingiti siya ng malawak but he expected too much.

Well, what can I say. Some things need to be left unexpected. Expecting so much could ruin the expectations you're expecting to happen.

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now