[ 48 ] Newest Member

Magsimula sa umpisa
                                    

"Why don't you play with them, boy?" Tanong ng lalaking nakatayo sa harap ng bintana, ang tingin niya ay nasa ibaba. I bet he's looking at the children happily playing under the sun.

"A week has gone by now after that, don't know you think it's time to open up yourself to us?" Iniwas niya agad ang kanyang tingin nung tumingin si Dr. Luo sa kanya.

Tama siya, wala siyang oras kung habang buhay tatambay lang siya dito sa kwarto na 'to.

He is one of the human experiment in that disgusting place. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nila kung bakit ginagawa niya ito sa mga katulad niyang may kakaibang kakayahan.

It was torture.

Kahit gabi na, rinig na rinig niya pa rin ang sigawan at paghingi ng tulong ng mga kauri niya sa kwarto na 'yun.

That's why he escaped, hindi niya kinaya ang sampung taon ang pagtusok ng libo-libong karayom, pisikal na pang-aabuso, ang pag-eexperiment nila sa katawan niya- it's as if he's living in hell.

No, scratch that. Because it really IS a living hell in that effin' place.

Hinding hindi niya mapapatawad ang mastermind sa likod ng paglabis na sakit, maltrato at kalupitan ng lalaking akala niya ay kakampi niya.

Akala ko ba dahil magkadugo kayo, nagkakaisa at nagtutulungan ito? Doon niya napagtanto na hindi lahat ganito.

"Here, you should eat. Mabuti nalang, nagbago ang katawan mo kahit maliit lang." Yeah, he realized it also whenever he eats. Dito kasi, 4 times a day siya nakakakain, kasama talaga ang snack time. Doon? Kadalasan breakfast lang, minsan nga wala talaga eh.

"Just call me through this," aniya sabay kuha ng telepono mula sa stand nito. "If you need anything." At binalik na niya sa stand ang telepono.

Pagkalabas ni Dr. Luo ay doon lang niya kinain ang pinadalang tray para sa kanya. He still can't believe that the meals he eats in this place are far more palatable than that nasty and messy place.

Hindi mo mai-compare dahil walang wala ang noon kesa ngayon.

Minsan hindi niya nalang maiwasan na mapaiyak. Hindi nila alam kung gaano kagrabe ang pasasalamat niya sa tatlong taong nagligtas sa kanya mula sa lugar na 'yon. But he still doesn't know how to repay them from saving him.

Dumating ang alas dose ng tanghali, nagtaka siya dahil hindi si Dr. Luo ang naghatid ng kanyang tanghalian. Isang babae ito, siguro isang nurse.

Kahit nakatalikod ang paghiga niya sa kama at nagtutulug-tulogan, alam niya kung kaninong sapatos o takong ang naririnig niya. Napamilyaran niya ang ingay ng sapatos ni Dr. Luo o ni Eugene pero hindi ang isang 'to.

Pagkasira ng pinto, dalawang tinig ang narinig niyang nag-uusap.

"How is he," agad siyang napamulat nang marinig niya ang pamilyar na boses. It's Eugene.

"As we observe and monitor him, he's slowly becoming healthy sir. He gained weight at hindi na siya malnourished hindi katulad nung pagdala niyo sa kanya dito." The nurse explained.

"That's good to hear. I bet he's sleeping now."

"Yes sir, palagi po siyang tulog mga ganitong oras."

Palayo ng palayo ang boses nila. Dahil nagising na rin siya sa pagpasok ng nurse, umupo siya sa kama at sinulyapan ang isang tray na may pagkain. This is supposed to be his lunch pero wala siyang gana.

Bumangon siya at sumilip sa bintana, walang mga tao at walang may naglalaro. Binuksan niya ito at bahagya niyang narinig ang mahinang tunog ng nag-iingayan na mga kubyertos at tawanan. Nanggagaling ito sa ibabang bahagi ng building.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon