01

301 20 1
                                    

Chapter 1

Palubog na ang araw at malamig na rin ang simoy ng hangin. Nakatayo lang ako sa balkonahe ng aking kwarto at tinitignan ang aking paligid.

Tahimik lang dito sa village na bago kong nilipatan. Magagandang mga bahay ang mga nandito, kung matatawag bang mga bahay yun dahil sa laki ng mga ito ay nagmumuka na itong mga palasyo.

Maraming mga punong nakapaligid kaya sariwa ang hangin. May children's park rin dito malapit sa loob ng village.

Muka namang mababait at friendly ang mga tao kaya ayos narin na dito ako lumipat. Mahigpit rin ang seguridad rito para mapanatiling safe ang mga nakatira sa village na ito.

Ayaw ko sanang umalis sa dati kong tinitirahan pero kailangan kong lumipat dito sa Pilipinas para makapag hanap ng magandang trabaho. But the main reason is I want to get away from my parents.

Hindi kalakihan ang bahay na nabili ko dahil konti lamang ang perang naipon ko mula sa dati kong trabaho.

The only reason why I left my previous job is because my parents didn't stop on finding me. I just want a normal life.

Gusto kong maranasan paano mamuhay ng simple, at hindi ko iyon magagawa sa poder ng mga magulang ko.

My father is a well known business man and my mother was a well known model back when she was still in her 20's.

Gusto ng ina ko na sumunod ako sa yapak niya pero hindi iyon ang gusto ko. I want to have my own Cafe and just live a normal life away from the media.

My father well he's another story. My father wants me to take over our company cause I'm their only child. I doubt that.

Alam kong may anak si Daddy sa ibang babae bago pa ako ipinag buntis ni mama. Ayaw nilang may makaalam dito kaya inilihim nila ito sa publiko, dahil ayaw nilang masira ang pangalan nila. Lagi nalang ang ikabubuti ng pangalan nila ang iniisip nila.

My parents doesn't know that I know about my oldest brother.

I wanted to meet him but I don't know where he is. I wanted to know how it felt to have an oldest brother. Could he be a protective one?

Naputol ang aking pag iisip nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pag tingin ko sa kalangitan ay madilim na at ang lakas ng ulan.

Ganun na ata kalalim ang iniisip ko at hindi ko man lang napansin na gabi na.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad paloob ng kwarto ko at isinara ang glass door papuntang balkonahe dahil giniginaw na ako.

Naglakad ako palapit sa kama ko at nahiga doon. I was about to close my eyes when I remembered that I need to fix my things.

Tinatamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama at naglakad palapit sa bags ko para kunin ang mga ito.

Dalawa lang naman ang bag na dala ko dahil kakaunti lang naman ang gamit ko. Ang mga gamit na binili para sakin ng mga magulang ko ay iniwan ko sa kanila dahil hindi ko naman kailangan ang mga ito.

Kinuha ko ang mga ito at dinala sa mini closet ng kwarto ko. Inisa isa ko itang inilabas at inayos ang pagkakalagay sa cabinet para maayos itong tignan.

I've Waited (On Hold)Where stories live. Discover now