“Ha? Hindi ah. Bakit naman kita iiwasan diba?” malumanay kong sagot.

“Oo nga naman. Bakit nga ba?” seryoso pa din sya.

Napaiwas na ko ng tingin sa kanya. Siguro nahalata na nya ang pakikitungo ko sa kanya ay nag-iba. Nung nagpunta kasi kami ng mall, hindi ako masyadong kumikibo. Ginawa namin yung usual na ginagawa namin sa mall. Tingin dyan, tingin dito. Kain dyan, kain don. Pero syempre hindi na gaya ng dati na super energetic ako. Nung nagpunta kasi kami parang wala lang.

“Ewan ko. Kaya nga hindi kita iniiwasan diba?”

Ramdam ko na napahinga sya ng malalim, “Sana nga lang Shelbie. Dahil alam mo na hindi ko kaya kapag nawala ka sakin.”

Napatingin ako bigla kay Rian nun. Bakit ang seryoso nya? Ano bang nakain nito?

Bigla nyang nilahad ang kamay nya, “Let’s go?”

Tiningnan ko ang kamay nya. Nagaalinlangan akong kunin yun. Paano na ang plano ko na dumistansya sa kanya kung sya naman ang lumalapit? Haaaay, (_ _)

Wala na kong nagawa. Nilagay ko ang kamay ko sa kamay nya. Hinawakan nya naman ito at naglakad na kami.

Holding hands while waliking. Now tell me,

How can I avoid this kind of treatment? -___-

***

“Bravo! Bravo! What a very nice performance Shelbie and Rian! That was awesome!” sabi ni Sir Al samin.

After ng performance namin ay wala na kaming narinig ni Rian kundi ang papuri ni Sir Al at ang palakpakan ng dance troupe members pati ng partners nila.

Si Rian ang nagturo at pumili ng kanta na sasayawin namin. Time of my life ang isa sa mga highlights ng sayaw namin.

Nag-bow kami ni Rian sa kanila at bumaba na ng stage. Inabutan naman kami ng towel at mineral water nila Krane at Rembert.

Naupo muna kami, “Wow! Ang galing nyo talaga! Sobra!” nakangiting bati samin ni Krane.

Ngumiti nalang ako. Nag-thumbs up naman si Rembert kay Rian.

Umalis na din silang dalawa dahil sila naman ang magpapractice. Uminom muna ako ng tubig. Habang umiinom naman ako ay nakikita ko mula sa peripheral view ko na nakatingin sakin si Rian.

Kaya ng matapos akong uminom ay nilingon ko sya, “Bakit?”

Umiling sya at ngumiti. Nabigla nalang ako ng idampi nya ang palad nya sa gilid ng labi ko, “Para ka talagang bata.”

Hindi ko naiwasang mag-pout dahil sa sinabi nya, “Parang ikaw hindi ah!”

Napangiti naman sya. Goodness. Wag kang ngumiti. Naiinlove ako. >_>

“Eh di parehas pala tayong parang bata? Bagay na tayo?”

Tiningnan ko sya ng mapanuri, “Sabihin mo nga sakin Rian, talaga bang seryoso ka sa panliligaw mo kay Elthy o trip mo lang?”

Halata na nagulat sya sa tanong ko, “P-paano mo nalaman yan?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “Kalat na. Buong school alam na yon. Pero akong bestfriend mo, hindi ko alam yon. Unfortunately, narinig namin ni Krane ang usapan ng ilang mga estudyante dito.”

“Shelbie..”

Tiningnan ko sya, “Bestfriend mo ko diba? Pero bakit hindi ako ang unang nakaalam nito? Ano bang iniisip mo Rian? Na pipigilan kitang manligaw? Sa tingin mo ba gagawin ko yon?! Alam kong matagal mo na syang gusto. At bilang bestfriend mo susuportahan kita sa gusto mo. Kaya sana naman sinabi mo man lang sakin diba? Hindi yung sa iba ko pa malalaman ang lahat. At kung noon palang sinabi mo na eh di sana matagal ko na tong pinaghandaan.”

{Completed} A Hopeless Heart {AHH}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon