"Miss Shebah, ano po---"

"Don't worry about it. Hindi pa kayo mamamatay," she said. Hindi pa?! Ibig sabihin ay papatayin nga nila kami?!

"Alam niyo kung ano ang primary rule natin, hindi ba? So now, after breaking it, you have to face its consequences," she muttered before she totally disappeared in front of us.

Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko lumipad ang utak ko sa kung saang parte ng Elemental World. Sana nandito si Trifosa para makapag-wish ako sa kaniya na matapos na ang kahibangan na 'to. At ang taray naman talaga ni Shebah! Wala man lang bang bahid ni katiting na pagka-concern ang katauhan niya?

"Tara na," Fire said. Nauna siyang maglakad kaysa sa akin. I am just staring at his back. Ilang metro na ang layo niya sa akin pero hindi pa rin ako kumikilos. Ano 'yan Aria? Forever ka na diyan?! Ang daming tumatakbo sa isip ko sa mga oras na 'to. Noon, iniisip ko na wala namang mali sa pagmamahal. Nagkakaroon lang ng pagkakamali dahil sa limit na inilagay ng tao. Mali kasi mayroon silang inilagay na batayan ng tama at mali. Pero itong sa amin ni Fire? Bakit bawal? Bakit mali? Bakit hindi pwede? Hindi ba pwedeng okay na lang para wala ng problema?!

Nag-umpisa akong maglakad noong tumigil si Fire at dahan-dahan na lumingon sa akin. Parang naging slow motion yata ang paligid at ang nakakaloka ay siya lang ang nakikita ko. Ang gwapo niyang mukha na sa mga oras na 'to ay halatang nalulungkot. Nako, Fire. Mas trip ko talaga ang mabuhay ka. Sayang naman ang gwapo mong mukha kung mamamatay ka lang dahil diyan sa pag-ibig mo sa akin na hindi mo na mapigilan.

Ilang minuto ang lumipas habang tahimik kaming naglalakad ni Fire. Nakapamulsa siya ngayon at talagang sa daan lang siya nakatingin. Hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako kinakausap. Mayroong sapat na distansya sa pagitan naming dalawa at ramdam na ramdam ko ang pagka-ilang sa mga oras na 'to. Galit kaya sa akin ang isang 'to?

"Fire---"

"Kung ano'ng desisyon mo, iintindihin ko. I won't force you to fight for me or to die for me. Do what you want," he said bago siya nagpatuloy sa paglalakad at iniwan ako. Anodaw? Anong drama naman 'yon?! Naiwan tuloy akong nakanganga kasi nagulat ako sa biglaang pagbabago ng isip niya. Gano'n na ba mag-isip ang damuho na 'yon?! Gano'n kabilis magbago ng desisyon? Gano'n siya kadaling nakamove on sa mga sinabi ko sa kaniya kanina? Jusme! Hindi ba uso sa'yo ang magdrama muna ng ilang araw, buwan o taon, Fire?! Ilang minuto pa lang ang nakalipas at talagang tanggap mo na ang desisyon ko?! E bakit nga ba ako naiinis? Hindi ba nga, dapat ay tumatumbling na ako sa tuwa ngayon kasi hindi na namin pahihirapan ang isa't-isa at talagang ready to let go and move on na ang peg ni Fire ngayon? Nababaliw ka na talaga, Aria.

Pagdating namin sa tapat ng Elemental Head's office ay halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Ito na. Tatlong hakbang na lang at malalaman na namin kung ano ba ang patutunguhan namin ni Fire.

Halos tumalon ako noong biglang may lumitaw na mukha sa pinto ng Elemental Head's office. Alam niyo 'yon? May mukha na nabuo mula sa kahoy na pinto. May tao sa loob ng pinto na 'to?!

"Bakit kayo nandito? Sino ang kailangan ninyo?" he asked. Oo, lalaki ang boses niya kaya alam kong lalaki siya. Nanatili akong lutang at talagang nakatitig lang ako sa pintuan na may mukha. Ang bongga! Mamamatay na nga lang kami ay may makikita pa akong kababalaghan for the last time? Aba ayos ah!

"Ipinapatawag kami ng Elemental Heads," Fire answered. Hindi man lang siya nagulat na may sumulpot na mukha diyan sa pinto? Feel na feel niya pa talaga ang pakikipag-usap sa kung ano man ang tawag diyan?

Bigla akong kinilabutan noong dumampi sa balat ko ang hangin. Iniikot ko ang paningin ko sa paligid. Nakikita ko na ang unti-unting paglubog ng araw. Nakikita ko na rin ang ibang estudyante na nagpapractice. Ang iba ay gumagawa ng mga weapon nila. Nakalaan ang oras na ito sa pag-eensayo kaya naman pinahihintulutan ang mga estudyante na gumamit ng kaniya-kaniya nilang kapangyarihan.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon