CHAPTER 2

7 2 0
                                    

Extended Branch

"SINONG TATAWAGAN mo?" Tanong ng kambal noong makitang naghahanap ng numero si Irish sa contacts niya.

Nakahanap sila ni Kesh ng magandang puesto kanina dahil maagang natapos ang subject nila, samantalang ang kambal naman ay siyang bili ng pagkain nila. Kaya heto sila aa cafeteria, kasalukuyang kumakain habang nag-uusap ng iba't ibang mga bagay hanggang sa narating na nila ang kadulohan ng pagkatao ng isa't isa.

"Ang pinsan ko."

"Ah, 'yung sinabi ni Miss Minchin kanina na estudyante niya last year?" hula ni Kesh bago sinubo ang ulam nitong fried chicken.

Tumango-tango naman si Irish saka itinapat sa tenga ang selpon matapos pindutin ang nahanap na pangalan ni Timo sa contacts niya. Pagkatapos ng isang ring, mabilis na sumagot si Timo.

"Oh, nasaan ka ngayon?" Bungad ni Irish sa pinsan saka kumuha ng isang pirasong fries sa tray niya.

Imbes na ipagpatuloy ng kambal ang pagkain, sandali nila itong tinigil saka itinapat ang tenga malapit sa selpon ni Irish. Nakuha pa ni Dani na magreklamo kay Dan dahil mas magkatabi sina Dan at Irish sa upuan samantalang sa kabila naman sina Kesh at Dani.

Bahagya na lang napatawa si Irish nang nakita niyang tinampal ni Kesh ang kaniyang nuo dahil sa nobyo nitong nakikiusyoso.

"Wow, parang ako pa ang transferee at kasalukuyang nawawala sa Unibersidad, ah. Maraming salamat sa concern mo, Kennybabes, pero ayos lang talaga ako. Oo," ang sabi ni Timo mula sa kabilang linya.

Hindi maiwasan ni Irish na tumawa dahil sa tugon ng pinsan niya. Ngunit nagtaka rin at nilingon si Dan nang banggiting nito ang tawag ni Timo sa kaniya.

"Kennybabes? Seriously? Magkasintahan ba kayo ng pinsan mo, Kennedy?" Taas kilay na tanong ni Dan at lumayo pa nang kaunti para makita ang kabuoan ng mukha ni Irish.

Eh, kung ganoon saan naman galing ang 'kendra', 'kendie' at 'kennedy' na pangalan?

Dahil na inirapan lang ni Irish si Dan, doon tumawa ang kambal nitong babae na si Dani. Samantalang si Kesh naman ay tila hindi pinapansin ang papansin nitong nobyo at patuloy lang sa pagkain ng tanghalian nito.

"Alam mo, Dan, kung naging babae ka lang, daig mo pa ang gang ng Alpha Chismosa sa pagiging chismoso mo." Tumawa ng may halong pangungutiya si Dani sa kambal na lalaki.

"Nagpapasalamat akong lalaki ako dahil kung naging babae man ako, ayaw kong mapagkamalang tomboy. Hindi ba, tibo ka?"

"Hindi ako tibo, 'no! Bakla ka!"

Inilipat na lang ni Irish ang selpon sa kabila niyang tenga. "Kung naririnig mo ang ingay sa gilid ko, may kasama akong kumain. May kasama ka bang kumain?"

"Ikaw ang inaalala ko kung may kasama ka o wala. Mabuti naman at may kasama ka, kennybabes."

Muling kumuha ng kapirasong fried si Irish. "Ang sweet mo naman, Kuya. Naligo ka ng asukal? Pasaboy rin ako." Saka niya kinain ang fries at napatawa na lang nang bahagya nang humagalpak ng pagkakatawa si Timo.

Palagi na lang kasi itong tumatawa nang malakas kapag tinatawag siyang 'Kuya' at halos hindi na makatingin sa kaniya dahil sisingkit ang mga mata ng pinsan. Kaya naman 'Timo' na lang ang tinatawag niya sa pinsan.

"Gutom ka ba talaga para tawagin mo akong Kuya, kennybabes?"

"Hindi naman po, Kuya. Sakto lang. Nangangamusta lang naman ako kung kumain ka na ba. Anong oras na, oh."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scott & Irish | ON-GOINGWhere stories live. Discover now