02

779 33 0
                                    

Chapter 2

5:00 PM

Kaylangan kona talagang umuwi, baka pagalitan na talaga ako ni mama kapag 'di ako umuwi ng maaga.

Binuksan ko ang locker ko sabay nilagay 'yong red notebook ko,lagi ko 'yong iniiwan dito sa locker ko kasi makakalimutin kasi ako,kaya kapag nakakalimutan kong dalhin 'yong isa sa mga notebooks ko,kinukuha ko nalang 'tong notebook ko na 'to,at dito nalang nagsusulat.

Pagkatapos kong ilagay 'yong notebook ko sa locker ko,sinara ko agad 'yon,papalabas na sana ako ng locker room,kaso biglang bumukas ang pinto at may dalawang lalaking pumasok.

'Di ko 'to kilala ah,baka taga ibang section 'to.

"Ah excuse me,pero girls locker 'to, namali ata kayo ng pasok,tsaka sa section A 'to e"pagpapaalala ko sa kanila,pero parang wala atang pakialam 'tong mga 'to at hindi man lang ako pinansin.

Huminga nalang ako ng malalim para ikalma ang sarili ko,dadaan sana ako sa pagitan nilang dalawa,pero bigla silang humarang sa pinto,ngayon ay nagsimula na akong maghinala.

"Excuse,padaan ako-ah!"napasigaw ako ng bigla nila akong itulak dahilan para matumba ako sa sahig.

Napahawak naman ako sa balakang ko nang maramdaman ko ang hapdi doon,dinig ko naman ang malakas na tawa ng dalawa sabay tumingin ulit sa'kin.

"Tang ina!"sigaw ko dahil sa sobrang inis,tatayo na sana ako,pero bigla silang silang nag-squat sa harapan ko habang may mga ngisi sa labi.

"Maganda naman pala 'tong si Lelliana e,pwede na"

Teka lang,ano daw?!

Bago pa ako makapagreact,bigla nilang hinila ang dalawa kong paa, napasigaw ako dahil sa ginawa nila, at mas lalo pang lumakas ang mga sigaw ko nang umupo ang lalaking naka blue T-shirt sa mga hita ko.

"Ano ba!Puta!Lumayo nga kayo sa'kin!"panay ang sigaw ko habang patuloy na nahpupumiglas,tinangka ko siyang itulak,pero masyado siyang mabigat lalo pa't nakaupo siya sa mga hita ko.

"Relax kalang pwede!"hinawakan naman ng lalaking naka white ang dalawa kong kamay at inangat 'yon sa may uluhan ko,"Tuloooong!!"patuloy kong pagsigaw.

"Tumahimik ka sabi!"galit na sabi niya at malakas na dumampi ang palad niya sa pisngi ko,dahilan para mapahagulgol na ako.

Patuloy ako sa pag-iyak at paghingi ng tulong habang patuloy din niyang tinatanggal ang butones ng uniform ko.

Nasa pangatlong butones na siya ng uniform ko ng biglang bumukas ang pinto ng locker room,napatigil naman ang lalaking naka blue sa pagtanggal ng butones ng uniform ko at napatingin sa may pintuan.

"That's enough"malamig niyang sabi sa lalaki.

"Pero—"

"I said,that's.enough."mahina pero may pagbabanta sa boses ng lalaki na nasa pinto.

Tumayo naman agad ang lalaking nakaupo sa mga hita ko,at binitawan din ako ng lalaking may hawak sa mga kamay ko at mabilis silang padabog na lumabas ng locker room.

Mabilis akong tumayo habang patuloy padin ang paghikbi ko,at inayos ang butones ang uniform ko,maluha-luha kong kinuha ang bag ko sabay isinaklay iyon sa balikat ko.

Patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko pababa sa aking pisngi, nagmamadali kong inayos ang gusot kong palda at buhok.

"Pasensiya kana Lily,hindi naman kasi ganoon ang gusto namin na mangyari nila Dave at Brian,hindi lang talaga sila sumunod sa usapan"

Parang may mga karayom na tumutusok ngayon sa puso ko,lalo na nang banggitin niyang 'namin', hindi ko alam pero parang isang tiwala na naman ang nasira.

Akala ko iba si Bruce sa kanilang tatlo, akala ko hindi niya kayang manakit ng tao,lalo na sa kagaya ko na wala namang kasalanan sa kanila.

"So kayo na naman ang may pakana nito sa'kin!Kayo na naman ang dahilan kung bakit muntik na naman akong mapahamak!Kaylan niyo ba ako titigilan ha!?bwesit kayo alam niyo ba 'yon!?akala ko pa naman iba ka sa kanila Bruce,"nagsimulang manginig ang boses ko,"a-akala kopa naman hindi ka nila kasing sama.." napayuko ako habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko at pumapatak ito sa sahig.

"Si Dave ang may—"

"Pero nakisama ka parin sa kanila!" dinuro ko siya sa dibdib,nanatili siyang nakatayo habang tinitignan ako,sinasalo ang galit ko,"Paano pala kung hindi ka dumating?!Ede baka na-rape na ako dito 'di ba?!Wala naman akong ginawa sa inyo e?!kayo naman ang laging nagsisimula! Umiiwas na nga ako!Pero sigi parin kayo ng sigi!bwesit kayo!"

Mabilis kong sinaklay ang bag ko,binangga kopa ang balikat niya bago tuluyang lumabas ng locker room,pinahid ko ang mga luha ko at nagmadaling tumakbo palabas ng skwelahan.

May tricycle na pumara sa tapat ko kaya agad akong sumakay,"Diretso lang po manong"saad ko at sinunod naman agad ng mama.

I hate you Bruce!I hate you!I hate you I hate you!

❦︎

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Where stories live. Discover now