Pleasure 8

3.7K 23 1
                                    

<PLEASURE EIGHT>

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[THIRD PERSONS' POV]

 “Tell me, ano pa bang kailangan mo sa'kin?”  Malumanay na tanong ng dalaga sa kaharap niya ngayon. Humigop siya sa kanyang kape sabay titig kay Calithea. Nandito sila ngayon sa isang sikat na restaurant malapit sa may opisina ng mga Vasquez. Ilang linggo narin ang nakalilipas magmula ng makalabas ng ospital si Chekkah. Si Zion ang lahat ng sumagot ng gastusin sa pagpapagamot ng dalaga tutal siya naman ang may dahilan kung bakit ito nangyari kay Chekkah. 

Calithea smirked at crossed her arms at lubos namang ipinagtaka iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos ni Calithea. Naaalala pa niya noon nung sobrang nag-alala si Calithea sa kanya at agad siyang ipinasugod sa ospital ngunit simula ng magising siya noon ay hindi na maganda ang trato sa kanya. Lubos na napapaisip ang dalaga kung bakit siya iniirapan at tinatarayan nito.

 “Anong kailangan ko sayo? Si Henry. ” Napangiwi ang dalaga sa narinig. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Calithea.

 “Hindi kita maintindihan..” Halos pabulong na tanong ni Chekkah kay Calithea. Humigop ulit siya sa kanyang kape upang mawala ang awkwardness sa kanilang dalawa. Feeling niya anytime ay sasabog na siya sa sobrang kaba lalo na at kaharap niya ngayon ang isa sa pinaka maimpluwensiyang babae sa Pilipinas.   

 “Give him to me, mas mamahalin 'ko siya ng higit sa pagmamahal mo! Ako ang unang nagmahal sa kanya! Binigay 'ko ang lahat sa kanya. I deserve him not you poor girl” Calithea rolled her eyes and then she looked at Chekkah intensely. Medyo napalakas ang kanyang boses kaya naman yung ibang tao ay nagtinginan.   Halos ma-pipi ang dalaga sa kanyang narinig. Hindi niya talaga maintindihan si Calithea.

 “Ano bang pinagsasabi mo? In the first place, Henry's not even mine! Hindi 'ko siya boyfriend! He's my goddamn friend since we're little!  Napatigil sa pag inom ng kanyang kape si Calithea sa kanyang narinig.  Siya rin ay tila naguluhan, akala niya ay may relasyon ang dalawa. Ibig sabihin ba nun ay si Henry lang ang may gusto sa dalagang ito? Ibig sabihin ay hindi mahal ni Chekkah si Henry? Ibig sabihin ba nun ay may pag-asa na silang dalawa? Yan ang mga tanong na iniisip ni Calithea ngayon. Halos mapunit ang kanyang mga labi sa sobrang lapad ng kanyang ngiti. 

 “So it means so don't like him? So it means.. you can help me with him?” 

 Saglit na nag-isip ang dalaga sa tanong na kanyang narinig, tutulungan nga ba niya ito sa kanyang hinihiling? 

 “I can help you, pero kung hanggang saan lang ang kaya 'ko.” 

 “No, gawin mo ang lahat. I can do everything for you in return. Uhm, I can give you house, you want cash? uhm, job opportunities? what? name it just help me, make Henry fall inlove with me.” Tila naawa na ang dalaga sa inaasta ni Calithea. Pakiramdam niya ay sobrang desperada na ito upang makuha ang kanyang kaibigan.  Matagal na niyang kakilala si Henry at alam na alam niya ang mga gusto nito at ang mga tipong babae nito kaya naman siguro ay matutulungan niya talaga si Calithea sa kanyang gusto. 

 “I don't need anything. ” Sagot ni Chekkah. Bigla namang may nagtext sa dalaga at nakita niyang hinahanap na siya ng kanyang ina. Tutulungan pa niya kasi ito sa paglalabada.

 “Good. Give me your contact number, tatawagan nalang kita. ” Iniabot ni Calithea ang kanyang cellphone upang ma-i type ng dalaga ang kanyang numero. Pagkaabot sa kanya ng telepono ay agad niyang kinuha ang kanyang wallet sa bag at dumukot doon ng dalawang libong piso. 

Pleasure MeWhere stories live. Discover now