Pleasure 7.6

3.4K 19 0
                                    

PLEASURE 7.6•

_________________________

[ ZION SALCEDO's POV ]

Humarap sa akin yung lalaki. Hmm.. Nakita 'ko na talaga siya pero hindi 'ko matandaan.

"Henry?" Calithea said. Mukhang gulat na gulat siya dahil sa itsura niya. Pati 'yung Henry ay nagulat din nung makita si Calithea. Teka, siya ba yung taxi driver na nagbalik ng wallet ni Calithea?

"Ylina.. Anong ginagawa mo rito?" He asked. Agad naman siyang luminga-linga na tila ba may hinahanap. Maybe yung babaeng nasagasaan namin, baka siya nga yung Chekkah.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan, what are you doing here? Kakilala mo ba yung pasyente sa loob?" Nagtatakang tanong ni Calithea. Tumango-tango naman yung lalaki sa kanya. Huminga ng malalim si Calithea pagkatapos ay nagsalita siyang muli.

"Why? Who is she?"

"Siya yung sinasabi 'ko sa'yo Calithea, she's Chekkah." Parang nagdilim ang awra ni Calithea. She must be jealous. Siya ba yung lalaking dahilan ng heartbreak niya? Kaya ba siya nagpakalasing dahil lang sa taxi driver na 'to? Hindi 'ko lubos akalain na ganun nalang ang taste ni Calithea sa mga lalaki. I thought gusto niya yung tipong mayaman at may ibubuga. Anong nagustuhan niya sa ungas na 'to?

"Pre, with all due respect sino ka ba?" Inis 'kong tanong sa kanya. Nakakainis na kasi 'tong lalaking 'to sa hindi 'ko malaman na dahilan. Gusto 'ko lang protektahan si Calithea, dahil under the contract ay kami parin--kahit pretend lang.

"Ako? Ako si Henrico Siao, hindi na kita tatanungin kasi alam 'kong ikaw ang nobyo ni Calithea." Bigla akong napaisip sa sinabi niyang pangalan. Ano raw Henrico Siao..? Parang pamilyar sa akin ang pangalan na 'yun but I can't remember anything. I heard that name pero saan?

"Henry.. Henrico Siao.." Inilagay 'ko ang kanang kamay 'ko sa baba 'ko na tila ba nag-iisip. Di 'ko talaga matandaan pero alam 'ko ang pangalang yan.. Hmm..

"Aha! Henrico Siao! Classmate 'ko nung Grade 1, diba ikaw si Mr. Geek?" Nabigla naman siya sa sinabi 'ko. Oo tama, siya nga 'yun si Mr. Geek. Kilalang kilala 'ko siya dahil siya yung laging top 1 noon dahil sobrang geek niya. Ang laki na pala ng pinagbago niya, halos hindi 'ko na siya makilala. Sayang naman at naging taxi driver lang siya. Ano kayang nangyari?

"Wait, you know him Zion?" Nagulantang si Calithea dahil sa sinabi 'ko. Tumango naman ako sa kanya at tumingin ulit kay Henry. He looks so confused. Maybe he doesn't even remember, bata pa kami noon.

"Henry, you know Zion?" Agad namang umiling-iling si Henry sa tanong ni Calithea.

"Bro, baka hindi mo lang naaalala besides noon pa 'yun. Baka nga nakalimutan mo na. Its nice to see you again!" Tumayo ako at niyakap siya in a manly way. Hey, hindi ako bakla ah! Natuwa lang talaga ako dahil nagkita kami ulit.

"Paanong mangyayari na nakapasok ang isang mayamang tulad mo sa public school?" Sagot ni Henry sa akin. Huh? Public school? Pinagsasabi nito? Eh parehas kaya kaming nag grade 1 sa Sentereal Academy, isa sa pinakamahal na school sa Manila.

"Dude, sa Sentereal Academy tayo nag grade one! Ano ka ba!" Tinapik-tapik 'ko ang braso niya. Naguguluhan na talaga ako sa isang 'to!

"Oy sa Mayumi Elementary School lang ako nag-aral. Teka, nakikipag kwentuhan nalang ata ako sa inyo! Ano na nangyari kay Chekkah?! Anong ginawa n'yo sa kanya?!" Nakakapagtaka naman 'yun. Alam ko na Henrico Siao din ang pangalan ni Mr. Geek noon eh. Naguguluhan na 'ko.

"Ayos naman na ata siya, di naman namin napuruhan." Pa-cool 'kong sagot dito sa Henrico na 'to. Agad naman akong kinwelyuhan ng isang 'to. Aba matapang.

"Pag may nangyaring masama kay Chekkah, malalagot kayo!" Galit na galit niyang saad. Nakita 'ko namang biglang may kumawalang luha sa mga mata ni Calithea. Wait, is she crying?

Agad 'kong nilapitan si Calithea at inakbayan siya. I can feel her pain deep inside. Alam 'ko, alam 'kong nasasaktan siya ngayon dahil sa mga naririnig niya. May feelings siya sa lalaking ito at hindi 'ko naman maitatanggi na halatang halata ito.

"Please lang Henry, wag mo naman ipamukha sakin na ayaw mo sa isang tulad 'ko!" Humihikbing sabi ni Calithea. Agad namang napaluhod si gago sa harap ni Calithea at ipinahid ang mga luha nito. Aba loko 'to ah! Ako dapat ang gagawa nun dahil ang gagong 'to ang nagpaiyak sa kanya. Tarantado amputa!

"Sorry Ylina.. Hindi nama----"

"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" Biglang sumulpot ang doktor kaya naman hindi na natuloy ni gago ang sasabihin niya kay Calithea dahil agad siyang tumayo ng marinig ng boses ng doktor. Aba kapal ng mukha nito, di manlang tinapos yung sasabihin kay Calithea, kitang-kita kung kanino siya mas pabor. Ang papanic pa nga ng kausapin ng doktor. Medyo lumayo sila kaya hindi 'ko na narinig ang pinag uusapan nila. Aba puta!

[ CALITHEA's POV ]

The fck? Ganun nalang 'yun? Mas may pakialam pa siya sa babaeng 'yun kesa sa akin? At talagang nilayo pa yung doktor sa amin para wala kaming marining. Nakakainis kang Henry ka! Makikita mo ang kabayaran ng ginawa mo sa akin. Lahat ng sakit at hirap na naranasan 'ko dahil sayo, ibabalik 'ko! This time, its for real. Hindi na ulit ako magpapadala sa emosyon 'ko! I'm fucking tired of all of this! Nakakasawa na, nakakasura at nakakabwisit na! Of all the people, why Henry?! Marami namang ibang lalaki diyan na gustong pumatay makuha lang ako! Pero ako, ibinibigay 'ko na ang sarili 'ko sa kanya pero kulang parin?! Bakit hindi nalang itong si Zion ang minahal 'ko? Bakit ito pang gagong 'to? Bakit ang unfair? Kung pwede 'ko lang turuan ang puso 'kong wag na siyang mahalin matagal 'ko ng ginawa! Kung pwede lang kitang kalimutan matagal 'ko na sanang ginawa! Kung sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi ka nalang nag enroll sa school namin, kung sana... Kung sana hindi nalang ako nahulog sa'yo! Kung sana lang.... Tell me Henry, how will I unlove you? Tell me... Because it freaking hurts me big time!

Ang sakit sakit magmahal..

Bakit kailangan 'ko tong maranasan..

Bakit ako pa?

Bakit hindi nalang siya! Siya nalang tutal siya ang may kagagawan nito!

But then I realized that....

Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan..

------------------------------------------
Update: April 2, 2015
((Tamang hugot si Author 😆))

Pleasure MeWhere stories live. Discover now