44

117 5 0
                                    

Vixen's POV

Habang kausap ko si Thea ay bigla akong binabaan ng tawag kaya nagtataka ako sa asal niya.

Bumalik ako sa loob ng kitchen para sabihan ang mga kasamahan ko.

"Guys," Tumingin silang lahat sa akin kahit ang daming ginagawa. Sobrang dami rin kasing customers ngayon. "Kayo na ang bahala dito dahil kailangan kong umuwi ngayon."

"Okay po." Sagot nilang lahat.

Nang nasa tapat na ko ng bahay ay bumaba na ko sa kotse para makausap ko si Thea kung may problema ba kami ngayon kung bakit ganoon siya kanina.

"Thea..." Hinanap ko si Thea pero ang nakita ko si manang Ada.

"Ang aga mo umuwi, Vixen."

"Si Thea po, manang?"

"Kumakain na yata ng pananghalian."

Pumunta na ko sa kusina para puntahan ang maganda kong asawa. "Thea..."

Lumingon siya sa akin. "What?"

Tumingin ako sa kinakain niya dahil hindi ito ang niluto ko kanina bago umalis at binaling ang tingin sa kanya. "Bakit hindi mo kinakain yung nakahanda sa hapag?"

"Eh, sa ayaw kong kainin."

Ayaw niyang kainin? That's weird. Hindi naman tumatanggi si Thea sa mga niluluto ko dati ah.

Umupo na ko sa tabi niya. "May problema ba tayo? Sabihin mo sa akin."

"Umuwi ka pa talaga dahil naiinis ako sayo."

"Sorry kung hindi kita gising kanina."

"Gusto ko lang sumama sa grocery, eh." Kumuha siya ng konti sa kinakain niya saka inabot sa akin. "Gusto mo bang kumain?"

Umiling siya. "No thank you. At saka may isa pa ko gustong tanungin sayo."

"Ano naman iyon?"

"Limang buwan na rin nakalipas noong kinasal tayo at hindi malabong buntis ka ngayon, 'di ba? Saka hindi 'to ang unang beses na tinanghali ka ng gising."

"Ewan ko. Hindi pa naman ako nakakapag check-up pero may kutob na rin akong buntis ako ngayon."

"Gusto mo bang punta tayo sa clinic para makasigurado? Sasamahan kita."

Pagkatapos niyang kumain ay pumunta na kami sa OB.

Napapansin kong kinakabahan si Thea ngayon habang naghihintay na tawagin siya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Tiningnan na siya ng doctor pagkatawag sa kanya pero halata pa rin kaba sa kanya kaya hindi ko binibitawan ang kamay niya. Hindi ko nga alam kung bakit kinakabahan si Thea ngayon.

Napangiti ako ng makita ko na sa monitor ang magiging anak namin ni Thea. She is really pregnant.

Tumingin siya sa akin. "Vixen..."

Tumingin rin ako sa kanya na may ngiti sa mga labi ko. "Thank you, my love."

Lumingon ako kay Thea habang hinihimas niya ang kanyang tyan kahit hindi pa naman ganoon halata ang umbok dahil dalawang buwan pa lang naman siyang buntis.

"May gusto ka bang puntahan ngayon?"

"Hindi ka ba babalik ngayon sa restaurant? Baka kasi kailangan ka doon ngayon."

"Hindi muna ako babalik. Gusto kong alagaan ang misis ko ngayon."

Napansin kong tumingin siya sa akin kasi naman nandoon pa rin ang ngiti sa mga labi ko. Masaya lang ako ngayon. "Alam kong masaya ka ngayon kasi natupad na rin ang gusto natin na magkaroon ng anak. Dumating na rin siya."

It Started With A LieWhere stories live. Discover now